Makalipas ang ilang araw ay nagawa na ring tumawag ni mama sa akin. Ang mga salitang binitawan niya ay tila naririnig ko pa rin hanggang ngayon sa loob ng klase. Magtatagal pa ako rito, Silvina. Kailangan ko munang magpagaling at ayusin ang problema dito. Don’t worry, kasama ko na ang tito Pierre mo.* Kung matatagalan pa si mama, madadagdagan pa ang mga araw ng kalayaan ko. Ngayong okay na si mama, wala na akong dapat ipag-alala, nandoon na rin naman si tito para samahan siya. “Silvina, how are you?” tanong naman ni sir bago siya umalis. Lahat naman ay napatingin sa gawi ko. Ngumiti na lamang ako at tumango. Nalaman na rin kasi nila ang nangyari kaya naiintindihan na nila kung bakit ilang araw akong balisa sa klase. “Maayos na po ang kalagayan ni mama,” nagsalita na rin ako. “I

