Maganda ang naging gising ni Hugo kinabukasan. Pakanta-kanta pa siya habang pababa siya ng hagdan at inaayos ang manggas ng kanyang polo. Tinutupi niya ito para umabot hanggang sa kanyang siko. “Manang, good morning!” “Good moring po, sir. Mukhang masarap ang tulog n’yo, at maganda ang gising.” “Palagi namang maganda ang gising ko, Manang. Lalo na kapag iniiisip ko na kung ano’ng breakfast ang hinahanda n’yo para sa ‘kin? Ano po bang meron ngayon?” “Scrambled egg, longganisa, at sinangag na maraming bawang. ‘Yung kape n’yo po ang sunod ko nang gagawin.” “Ako na lang po. Maupo na po kayo. Ako nang bahala sa kape ko,” sabi niya at hinawakan pa niya sa magkabilang balikat si Manang Elisa at pinaupo ito. Naglagay ng ground coffee beans at tubig sa coffee maker si Hugo. Pakanta-kanta pa

