Mga sintomas ng alcohol withdrawal ang mga nararanasan ni Hugo. At sa bawat oras nga na lumilipas mula nang huling beses siyang uminom ng alak ay palala nang palala ang kanyang nararamdaman. Bumilis ang t***k ng kanyang puso, nilagnat siya, pinagpawisan nang malala at ang blood pressure niya’y pataas nang pataas. Dahil sa paglala ng kanyang kalagayan ay nilagay na siya sa ICU. Kinailangan na rin siyang lagyan ng physical restraints, dahil hindi na lamang auditory hallucinations ang nararanasan niya kundi pati visual hallucination. At ngayon nga’y nakikita niya si Gary Mendoza na nakatayo sa sulok ng kanyang kwarto. Mapupula ang mga mata nito at duguan ang damit, at may umaagos ding dugo sa gilid ng bibig nito. “Huwag kang nagpapaniwala sa mga doktor na ‘yan. Ang gusto lang ng mga ‘ya

