“I’m sorry, Selena. I didn’t –.” Gamit ang kanyang mga labi ay pinatahimik ni Selena si Hugo. “Okay lang. Kahit hindi ka magpaliwanag, naiintindihan ko.” Kahit masakit para sa kanya na si Aaliyah ang nakikita ni Hugo sa tuwing magkasamay sila’y pilit niyang iintindihin, dahil gusto niya si Hugo. Gusto niyang mahalin din siya ni Hugo tulad ng pagmamahal nito para kay Aaliyah. Kung kailangan niyang gamitin ang pagiging magkamukha nila ni Aaliyah, para mapalapit kay Hugo at mapaibig ito’y gagawin niya. Wala na si Aaliyah at mga alaala na lamang nito ang karibal niya, at kaya niyang tanggapin ‘yon kung ang magiging kapalit naman nito ay ang makapiling niya si Hugo. Hindi niya alam kung kailan mangyayari pero naniniwala siya na darating ang panahon na magagawa rin siyang mahalin ni Hugo, h

