Napapaangat si Hugo sa tuwing gumagalaw si Selena, ngunit wala na siyang uurungan pa dahil nakasandal na siya sa headboard ng kama. Unti-unti na ring nagigising ang alaga niyang pinakalma niya kanina, at wala siyang magawa dahil nasa pagitan ng mga hita niya ang dalaga. Napamura na lamang sa kanyang isip si Hugo, at napasabi ng bahala na. Huminga na lamang siya nang malalim at pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinubuga ang hangin. Ngunit wala rin itong maitulong sa kanya dahil sumandal muli si Selena sa dibdib niya at ang mga daliri nito’y naglalaro sa kanyang braso na nakayakap sa katawan ng dalaga na nagdudulit ng kiliti sa kanya. Hindi niya alam kung ganito ba talaga si Selena kahit sa iba o ganito ang kilos nito dahil may gusto itong ipahiwatig sa kanya. Hindi maitatanggi ni Hugo n

