CHAPTER 116

1301 Words

Tumayo si Hugo. Nagdadalawang-isip siya kung gagawin ba niya o hindi ang sinasabi ni Selena sa kanya. “Selena…” “Bakit?” tanong sa kanya ng dalaga habang nakatingala ito sa kanya at nakapatong sa ibabaw ng mga hita nito ang nakaikom nitong mga kamay. Napakaamo at napakainosente ng mukha ni Selena. Kung alam lang nito ang epekto ng sinasabi at gustong ipagawa nito sa kanya’y baka nasabihan na naman siya nito ng manyakis. Hindi niya gustong maramdaman ito, ngunit sa bawat buka ng bibig at kilos ni Selena ay si Aaliyah ang nakikita niya. “Lalagyan ko na ng gamot ‘yung tuhod mo,” sagot ni Hugo at pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan ni Selena. “Okay,” sagot naman nito sa kanya habang nakatitig sila sa isa’t isa. “Itataas ko na ‘yung laylayan ng damit mo,” sabi ni Hugo na sinundan ng pagl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD