Habang naglalakad pabalik si Hugo nakita niya ang kanyang kabayo kaya nilapitan niya ito. “Kung kailan kailangan kita, saka mo pa ‘ko tinakbuhan,” sabi niya habang palapit siya rito. Hindi na ito tumakbo kaya nagawa na niyang makasakay rito. Hindi muna binalik ni Hugo sa kwadra ang kanyang kabayo kung saan naroon ang iba pa niyang alagang kabayo. May tatlong kabayo na alaga si Hugo, at ang isa rito ay ang kabayo na sinakyan ni Aaliyah noong magbakasyon sila sa Tagaytay. Hinanap pa talaga niya ang may-ari nito at pinakiusapan niyang bilhin sa kahit na ano’ng presyo na nais nito. Alam ng may-ari ng kabayo ang trahedya na nangyari kay Aaliyah noon at ang mga pinagdaanan ni Hugo, kaya pumayag itong ibenta sa kanya ang kabayo sa tamang presyo. Sakay ng kabayo ay bumalik sa bahay niya si Hugo

