Si Lyndon ang kasama ng bunso kong kapatid. Hindi ko lubos na akalain na matutupad agad ang hiling ni Lyndsay sa kanyang Uncle Eduard. "Dad, heto po ba ang bitter surprise niyo kay Lyndsay? Paano niyo naman nasabi na bitter?" bulong ni Erin sa kanyang ama na pumagitna pa talaga sa pagitan namin ni Eduard. "Yeah, bitter kasi ang Uncle Lyndon mo kaya nasabi ko na bitter." Tugon naman ni Eduard sa anak. Tama naman si Erin kahira ako ay hindi alam kung saan at kung paano niya nasabi o nai-connect ang salitang bitter. "Dad, palagay ko naman ay hindi bitter si Uncle Lyndon. Actually po ay mas bitter po kayo kung tutuusin." Komento ni Erin na para bang wala lang sa kanya ang mga salita na binigkas tungkol sa kanyang ama. Kunot-noo naman si Eduard na nakatingin sa aming anak. "What? No, Erin

