Isang malakas na tunog ang gumising sa akin. Dali-dali akong bumangon at napatingin sa wall clock. It was 12 in the afternoon. Halos lumaki ang aking mga mata, ngayon lang ako na-late magising. Patakbo akong bumaba sa hagdanan hanggang sa marating ko na ang kusina. Nakita ko sina Paradise at Heaven na nagluluto at napukaw ng aking mga mata ang mga pagkaing sunog. What the hell is happening? "Oh God! Nasaan na ba si Hell? Hanggang ngayon ba'y tulog pa rin siya?" sunod-sunod na bulyaw ni Paradise habang hawak-hawak ang spatula. "Aray! Ang sakit na ng balat ko dahil sa talsik ng mantika!" dugtong pa niya. Halos mangiyak-ngiyak na siya habang si Heaven ay tinatawanan lang siya. Natawa ako sa istura nila, hindi ko maiwasang isipin na, ang laki-laki na nila'y 'di pa rin sila marunong mag

