Napapikit ako nang humangin nang napakalakas. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ang lamig at sariwa ang simoy nito o malulungkot dahil babagsak na naman ang ulan. "Bakit mo ba ginawa 'yon?" nagtatakang tanong ni Paradise sa akin. Nakita na lang nila ako kahapon na nakahubad at nasa dibdib ko ang icing ng cake na dinala para sa akin ni Fire. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kanila ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakadungaw sa bintana. Tanaw ko ang kalangitan mula rito. Halatang uulan dahil makulimlim ang panahon. "Oo nga, bakit nga ba? Wala 'yong pang-itaas mong damit tapos makikita namin 'yong katawan mo na punong-puno ng cake. Kulang na lang isipin namin na isa kang—" Bago pa maituloy ni Heaven ang sasabihin niya ay natigilan siya nang sumag

