"Wala na ba talaga akong pag-asa? Wala ba talaga akong pag-asa sa 'yo?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa aking isipan ang sinabi ni Fire. Paulit-ulit na lang na bumubulong sa aking tainga ang napakalamig niyang boses. Hindi ko alam pero para na akong mababaliw. Pakiramdam ko'y malapit na akong mabaliw. "Hoy! Kanina ka pa nakatulala riyan, nakakatakot ka na," ani Paradise dahilan para mabitiwan ko ang hawak-hawak na tinidor na may nakatusok na hotdog. "f**k!" sigaw ko nang makita kong gumugulong-gulong na palayo sa akin ang pagkain na kanina'y kinakain ko lang. Nang makita kong narumihan na iyon ay ibinaling ko ang mga mata ko kay Paradise at tinitigan ko siya nang masama. Hindi ko naman sana mabibitiwan 'yong hotdog kung hindi niya ako tinulak nang pabiro. "f**k you,"

