"Tinatawagan ang susunod na banda na mag-pe-perform," ani ng emcee na nasa stage. "Metal Angels. Nasaan na kayo?" dugtong pa nito dahilan para mapatingin ako sa tatlong lalaking nasa tabi namin ngayon. Parang wala silang kaalam-alam na sila na ang susunod na tutugtog, nakatunganga lang sila habang tinitingnan kaming tatlo. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Nakakainis 'tong mga lalaking 'to! "Kayo na mga tanga!" sigaw ko sa kanilang tatlo dahilan para maagaw ko ang atensyon nila. Tinitigan nila ako na para bang hindi naintindihan ang aking sinabi hanggang sa tuluyan na silang nahimasmasan. Dali-dali silang umakyat ng stage dala-dala ang kani-kanilang instrumento. Napatitig ako kina Heaven at Paradise na tulala habang nakatingin kay Light at Rain. Mukhang tuluyan na silang nahulog sa

