"Alam mo ba na concert ng IV of Spades ngayon?" Halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga katagang 'yon kay Paradise. Hindi ako nakagalaw at pakiramdam ko'y paulit-ulit na umiikot ang boses niya sa dalawang tainga ko. "Cocert nila? Bakit hindi mo sinabi?" wala sa sarili kong tanong sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala na hindi ko napag-alamang may magaganap na concert ang IV of Spades. "E, busy ka kaya kay Fire kaya hindi ko na piaalam sa 'yo. Malay ko ba kung gusto mo pa si Zild..." Tumigil siya pansamantala at tinitigan ako nang may pang-aasar sa mukha. "... Malay ko ba kung ibang Zild na ang gusto mo." Tumawa siya nang bahagya dahilan para mapakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating dahil sa mga salitaan niya pa lang, alam mo na kaagad na

