CHAPTER FOURTY-SEVEN

1537 Words

"Hell, tayo na," muling sabi ni Heaven dahilan para tuluyan na akong mapabitiw sa kamay ni Fire. Walang anu-ano'y binuhat ko ang bass guitar na nasa gilid ni Fire pagkatapos ay naglakad ako nang hindi siya nililingon. Nahihiya ako nang sobra dahil sa ginawa niya at natutuwa rin ko dahil hindi niya ako nagawang ikahiya gaya ng nasa isip ko na gagawin niya. "Kayo na talaga?" naiintrigang tanong ni Paradise dahilan para mapakagat ako nang mariin sa aking labi. Hindi ko nagawang makasagot dahil hanggang ngayo'y sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat. Kung paano ko sabihin na kami na at kung paano ko dampian ng halik ang kaniyang labi. "Kayo na talaga?" tanong din ni Heaven nang marating na namin ang entablado. Huminga ako nang malalim bago ko napagdesisyunan na sagutin na ang tanong nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD