Narito kami ngayon sa isang mamahalin na restaurant. Hindi ko alam kung bakit dito nila piniling kumain, puwedeng-puwede naman kami sa kahit simpleng lugar lang. "Bakit dito pa tayo kakain? I mean, puwede naman sa simpleng lugar lang, 'yong hindi ganito kagara," nahihiyang sabi ni Heaven na ikinatango naming dalawa ni Paradise. Sanay kami sa mga simpleng lugar lang kaya hindi nila kailangang ma-effort nang todo-todo dahil hindi naman kami 'yong mga tipo ng babaeng maluluho at gustong-gusto sa ganitong uri ng mga lugar. "Kami na ang nag-insist, 'di ba? Puwede bang pumayag na lang kayo? I-order n'yo lahat ng gusto n'yo, kami na ang bahala," siguradong-sigurado na sabi ni Light. Hindi na ako sumagot dahil wala na rin naman kaming magagawa, nandito na kami. Hindi naman maganda tingnan kun

