Buong gabi lang akong nakatitig sa labas ng bintana hanggang sa unti-unti nang umangat ang haring araw. Panay ang pagbagsak ng mga luha ko, walang hinto na para bang tubig sa isang ilog. Tahimik kong pinapanuod ang mga sumasayaw na puno sa indak ng musika ng isang malakas na hangin. Wala akong marinig kundi ang tahimik kong hikbi dulot ng mga sinabi ni Fire sa akin. Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat at hindi dapat ako umiiyak dahil ako naman ang may kagustuhan nito. Hindi niya hiniling sa akin ang bagay na 'to, ako mismo ang nagsabi sa kaniya. Pero, bakit sobrang sakit naman yata ng mga sinabi niya sa akin? Bakit ganito ang epekto nito sa akin? "Bakit ka ba parang tanga ngayon? Hindi ka naman dapat nasasaktan nang sobra-sobra, 'di ba? Bakit ba ganiyan ngayon ang inaasta mo ng dahi

