"T-Teka, anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko kay Fire nang dalhin niya ako sa isang abandundong restaurant. Maraming nakakalat sa paligid na mga sirang lamesa at upuan. Napakarami na ring alikabok at sapot ng gagamba kaya nagmimistulang horror house ang lugar na ito. Tinitigan lang ako ni Fire habang tinatanggal niya ang mga basag-basag na bote sa daraanan namin. Agad na napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya. "What are you doing?" nakataas-kilay kong tanong sa kaniya. "What? Sinisipa ko lang naman 'yong mga bote? Don't wory, hindi naman tayo rito kakain. Masyadong marumi ang lugar na ito para sa 'yo," siguradong-siguradong sabi niya sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang sundan siya. Ilang oras din ang biniyahe namin kaya nagtataka ako kung bakit sa lugar na 't

