"Do you want to spend the night with me?" Nang itanong ni Fire ang bagay na 'yon sa akin ay napaiwas ako ng tingin sa kaniya at ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa ibang bagay. "Ayaw mo? Hindi naman na siguro magagalit si Mama kung dito ka na muna magpapalipas ng gabi... kasama ako," muli niya pang sabi na mas lalong nakapagparamdam sa akin ng labis na ilang. Hindi ko alam kung papayag ba ako o tatanggi sa mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglaan niya na lamang ipinasok ng usapan na 'yon. Pakiramdam ko tuloy ay may mangyayari sa amin ngayon na kakaiba. "Actually, pinaalam na kita kay Mama..." Napahinto siya nang biglaan akong humarap sa kaniya na may gulat sa aking mukha. Napakamot lamang siya ng ulo niya bago magpatuloy, "... Pumayag naman siya kasi alam mo

