Tahimik na nakaupo lamang si Hener, Dahlia at Daisy sa waiting area habang hindi pa naililipat ang ginang sa ibang kwarto. Wala namang alam si Dahlia sa nangyayari dahil ito ang unang beses na nakapasok sya sa ospital kaya naman sumasabay nalang sya kay Daisy at Hener. Nasa tabi nya lang si Mayumi at katulad nya at nag mamasid din sa paligid. "Gutom na ba kayo? Gusto nyo kumain muna?" Tanong bigla ni Hener. Kung tutuosin ay maaari na nyang iwan ang dalawa ngunit pinili nyang mag hintay at bantayan ang dalawa. Ang sabi naman ng doktor ay maililipat bukas ng umaga ang ginang sa ward kapag umayos ang lagay nito. "Daisy gutom kana ba?" Tatanggi pa sana si Daisy kay Dahlia kaso ay tumunog na ang kanyang tyan tanda na gutom narin sya. "Kumain na muna tayo. Don't worry you mother is safe here

