Natataranta si Mayumi at hindi nya alam kung ano ang gagawin para matawag ang pansin ni Dahlia. Nakatitig parin kasi si Dahlia sa pintong nilabasan ni Abel matapos nitong sipain ang upoan. Nag isip ng paraan si Mayumi at nakita nya ang isang baso na ginagamit ni Damien. Naisipan nyang itulak iyon at tuloyang nahulog sa sahig at nabasag. Agad naman pinulot ni Damien ang mga bubog na nagkalat sa sahig sa isiping sya ang may kasalanan sa nangyari. Napatingin naman silang apat sa sahig ng marinig ang pagkabasag ng baso. Umagaw rin iyon ng atensyon sa iba pang kumakain. Napakunot noo naman si Dahlia ng makita si Mayumi na kumakaway-kaway sakanya. Sinenyasan nya itong lumapit sakanya. Pakiramdam ni Dahlia ay may hindi magandang nangyari kaya ganoon na lamang ang pagkataranta ni Mayumi. Lumipad

