Maagang pumasok si Dahlia at Daisy. Masaya silang nag ku-kwentuhan habang papuntang utility room ng bigla nalang may dalawang lalaki na tumigil sa kanilang harapan. Napatingin silang dalawa sa mga lalaki at kapwa nag tataka kung bakit ito nasa kanilang harapan. "Good morning!" Bati ng isang lalaki na para bang nahihiya pa. Samantalang ang isa namang lalaki ay parang natatawa sa kinikilos ng isa. "Magandang umaga!" Ganting bati ni Dahlia kahit na hindi naman nya alam kung ano ang sadya ng lalaki. Palagi nya itong nakikita sa palapag na nililinisan nya. Madalas ay nakatutok ito sakanya at biglang ngingiti at iiwas ng tingin. Pero ito ang unang beses na kinausap sya nito. Hindi naman alam ni Dahlia kung bakit ito lumalapit sa kanila ngayon. "Anong kailangan nyo?" Pag tataray ni Daisy. "G

