"Bakit kayo napauwi nang maaga?" Nag tatakang tanong ni Inang nang makita si Dahlia at Daisy pagkabukas nya ng pinto. Agad na nag mano si Daisy sa Ina at ng si Dahlia na ang mag ma-mano ay napansin nito ang pamumula sa kaliwang pisngi ng dalaga. "Bakit namamaga yang pisngi mo Dahlia?" Nagkatinginan si Dahlia at Daisy na kapwa kinakabahan. Ayaw sana nilang sabihin sa ginang ang nangyari pero hindi talaga nila maitatago ang namamagang pisngi ni Dahlia. "Mag sabi ka ng totoo ayaw na ayaw ko ang nag sisinungaling," napalunok si Dahlia at napatungo. "Si.. sinampal po kasi ako," mahinang sagot ni Dahlia kaya naman hindi ito narinig ng ginang. "Ano? Hindi kita marinig lakasan mo." "Sinampal po ako Inang," ulit ni Dahlia na medyo nilakasan ang boses. "Ano? Sinong nanampal sayo? Halika ituro m

