Umiiyak na inubos ni Yumi ang alak sa kanyang baso. Hanggang ngayon ay hindi sya makapaniwalang pinagtanggol ni Abel si Dahlia. Sya ang kasintahan kaya dapat sana ay sya ang mas pinaniwalaan nito. Kung anu-ano na ang iniisip na sinaryo ni Yumi at sa kakaisip nya ay hindi nya namamalayang nakakarami na sya ng inom. Nakakaramdam narin sya ng pagka hilo ngunit mas nangingibabaw sakanya ang kagustohang makalimot sa ginawang pag bugaw sakanya ni Abel. "Give me another glass.." tawag nya sa bartender na nasa kanyang harapan na kanina pa nag aalala sakanya. Babae kasi ito at walang ibang kasama. Kanina pa ito pinag titinginan ng mga lalaki na naghihintay lamang ng pagkakataon na makalapit sa dalaga. "Ma'am medyo napaparami na po kayo," sinubokang pigilan ng bartender si Yumi ngunit tinaasan nya

