Taas noog nag lakad si Yumi palabas ng elevator bitbit ang dalawang paper bag. Batid nyang pinag titinginan sya ng mga tao sa dinaraanan nya pero wala syang pakialam sa mga sinasabi ng mga ito. Alam nyang nalaman na sa buong building ang ginawa nya sa dalawang janitress pero hindi nya naman kasalanan iyon. Hindi nya maamin sa sarili na walang kasalanan si Dahlia. Para sakanya ay sinadya ni Dahlia ang nangyari. Ang balak ni Yumi ay sa unit sya ni Abel sya mag punta upang doon ito kausapin ngunit hindi nya na ito naabotan ito. Maagang umalis si Abel kaya naman dumeritso na sya sa opisina nito. Huminga muna ng malalim si Yumi bago nya dahan-dahang binuksan ang opisina ni Abel. Balak sana nya ay sa unit nya ito pupuntahan para makausap pero ng makarating sya roon ay hindi na nya naabotan ang

