"Kanina pa ako nahihilo sayo. Bakit ba parang hindi ka mapakali?" Naiinis na tanong ni Hener kay Abel. Nasa loob sila ngayon ng opisina nito, pinipilit nyang umuwi at mag pahinga ang kaibigan dahil nabalitaan nyang inatake ito kahapon. Hindi kasi pumasok si Hener kahapon dahil mayroon syang pinuntahan. "Do you think kailangan ko syang puntahan puntahan para makahingi ng sorry?" Napakunot noo naman si Hener na ngayoy nakaupo lamang. "Sino?" "Iyong janitress nga hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko," napakamot naman ng ulo si Hener. Ikinuwento kasi sakanya ni Abel ang nangyari kahapon. Hindi namana nagulat si Hener sa narinig dahil alam naman nya kung ano talaga abg tunay na ugali ni Yumi. Kay Abel lang naman ito mabait. "Bakit mo pupuntahan ikaw ba ang may kasalanan?" "Hindi pero as

