Tahimik na nag lalakad si Dahlia sa likod ni Daisy habang iniisip ang mga nangyari kahapon. Nahihiya sya sa kaibigan. Kagabi ay hindi sya pinansin nito at kanina namang umaga ay hindi rin sya inimik ni Daisy. Siguro ay napansin din ni Inang ang ilangan nilang dalawa ngunit hindi naman ito bag tanong pa. Hanggang sa makarating sila sa crew room ay wala parin itong imik sakanya. "Daisy.." tawag nya rito bago paman ito tuloyang maka labas upang mag simulang mag trabaho. Napatigil naman si Daisy sa pag bukas ng pinto at nilingon si Dahlia. "Patawad, patawarin mo ako sa nangyari kahapo. Alam kong mali ang ginawa ko. Nadala lang ako sa bugso ng aking damdamin. Patawad Daisy." Napabuntong hininga si Daisy at nilapitan sya. Naupo si Daisy sa pang isahang silya. Tinapik naman nya ang isa pang si

