Maagang pumasok si Dahlia. Samantalang si Daisy naman ay hindi parin pumapasok. Kampanti naman si Dahlia na wala ng mangyayari sakanyang masama dahil wala na si Damien. Nasa crew room sya ngayon habang nag hihintay ng oras. Ilang minuto mula ngayon ay aakyat na sya sa ika labing tatlong palapag. Napabuntong hininga na lamang si Dahlia habang iniisip na pupunta sya muli roon. Ayaw nya munang makita si Abel. Kanina ay hindi na sya nag punta sa canteen. Sa crew room na sya kumain. Mabuti na lamang at pinabaunan sya ni Daisy ng tubig. Iniiwasan nya kasi talaga ang makita at makausap si Abel. Hindi nya alam kung bakit pero ayaw nya munang makita ito. Alam nyang marami pa itong katanungan sakanya at hindi pa handa si Dahlia na sagutin ito isa-isa. Nag iisip pa si Dahlia ng paraan para masabi k

