Hindi makatulog si Dahlia ng gabing iyon. Pa ulit-ulit nyang iniisip ang mga sinabi sakanya ni Abel. Masaya syang marinig ang lahat ng iyon kay Abel pero hindi nya kayang ipag sawalang bahala ang nararamdaman ni Yumi. Ayaw nyang makasakit ng iba para sa ikaliligaya nya. Hindi sya makasarili katulad ng iniisip ng mga katrabaho nya. Kinabukasan ay pumasok ulit si Dahlia. Hindi na nya sinabi kay Daisy ang mga nangyayari sakanya sa kanilang pinapasokan dahil ayaw na nyang mag-alala ang kaibigan. Ramdam nya ang mapang husgang tingin sakanya ng mga taong kanyang nadaraanan. Hindi malabong kumalat na ang usap-usapan tungkol sa kanila ni Abel. Bago pumunta sa crew room ay dumaan muna si Dahlia sa opisina ni Angel na. Kumatok muna sya at ng marinig ang tinig ng ginang ay pumasok na sya. "Dahlia?

