Pagkarating nina Dahlia sa kanilang tahanan ay nakita nila agad si Victor na matyagang inaakay ang ginang. Tinutulongan nya itong mag lakad-lakad upang mabilis na gumaling. Agad namang lumapit si Daisy at Dahlia upang mag mano sa ginang. "Kamusta ang pakiramdam mo Dahlia? Na pahamak ka raw sa trabaho?" Nag aalalang tanong ng ginang kay Dahlia. "Inang ayos lamang si Tisay. Aksidente iyon ito nga at tinulongan kami ni Sir Abel at Sir Hener. Hinatid pa nila kami. Diba Tisay?" Nag taas baba ang kilay ni Daisy at sinenyasan na sumabay si Dahlia sa sinabi nya. Napipilitan namang ngumiti si Dahlia habang tumatango bilang pag sang-ayon kay Daisy. Pinili ni Daisy na huwag sabihin sa ginang ang nangyari kay Dahlia dahil ayaw nyang mas mag-alala pa ang Ina. Baka kasi maka apekto sa pag galing nito

