"Nasaan ako?" Napaangat ang tingin ni Abel nang marinig ang boses ni Dahlia. Si Hener naman at Daisy ay agad na lumapit din. "Dahlia kamusta ang pakiramdam mo? Are you okay? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Abel. Umiling naman si Dahlia at sinubokang bumangon pero napahawak sya sa kanyang tyan dahil nakaramdam sya ng sakit dahil sa pag suntok sakanya ni Damien. Agad namang umalalay sakanya si Abel at Daisy para tulongan sya. Si Hener naman ay nag adjust ng kanyang kama para maging komportable sya. Si Mayumi naman na kanina pa gising at naghihintay na magkamalay si Dahlia ay napayakap sa saya dahil nagkamalay at ligtas na ang diwata. "Ayos lang ako. Nasaan ako?" "Nasa ospital ka Tisay. Dinala ka ni Sir Abel dito matapos kang pag tangkaan ni Damien." Napatango si Dahlia at

