Nang makaalis na ang waiter ay tumahimik ulit si Abel. Ang kanyang Ama naman ay nakatitig sakanya. Hindi nito alam kung papaano kakausapin ang anak. Ito ang unang pagkakataon na kumain sila sa labas na silang dalawa lamang. "Bakit nyo nga po pala ako gustong makausap?" Hindi na nakatiis pa si Abel at binasag na nya ang katahimikan sa pagitan nila ng kanyang Ama. "I heard you and Yumi broke up. Is it true?" Tumango naman si Abel bilang sagot. Hindi nya akalain na pati ang Ama ay mag tatanong tungkol dito. "May I know why?" "I love someone else," tumango-tango naman ito sa anak. Hindi nya kwenistyon ang naging desisyon ni Abel. Ayaw nyang pilitin ang anak sa isang bagay na ayaw nito. Hindi na nya hahayaan ang sariling muling diktahan ito. "So hindi kayo okay ng Mommy mo?" "No. Gusto nya

