"Abel!" Napalingon si Abel ng biglang pumasok si Yumi. Malungkot ang mukha nitong nakatitig lang sakanya. Dahan-dahang isinara ni Yumi ang pinto at lumapit kay Abel na ngayon ay nag hahanda na sanang umalis at pumunta sa rooftop kung saan nag hihintay sakanya si Dahlia. "Yumi? What are you doing here?" Napalayo sya ng kaunti nang subokan syang hawakan ni Yumi sa mukha. Mas lalo namang nasaktan si Yumi ng iwasan sya ni Abel. "Let's talk. Please let's fix this. You can't throw our 5 years that easily babe." Napabuntong hininga si Abel at napahilot ng noo. Lalo ng makita nyang tumulo na ang luha ni Yumi. Alam nyang lalapit ulit sakanya ang dalaga at mag mamakaawa pero wala syang nararamdaman para rito. Mas masasaktan lamang si Yumi kung ipipilit nito ang sarili sakany. "Yumi please. We'r

