"Ano iyan tisay?" Napaangat ang ulo ni Dahlia ng marinig ang boses ni Daisy. Nasa labas sya ngayon ng kanilang bahay at nagpapahangin. Gabi na at tahimik narin ang kapaligiran, wala na masyadong dumadaan. Tinago agad ni Dahlia ang kwentas na may sing-sing na ibinigay sakanya ni Abel. "Wala. Tulog na ba si Inang?" Tumango naman si Daisy. Naupo ang dalaga sa tabi nya. Mahabang katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatitig lamang sa kawalan. Iniisip ni Daisy ang utang nyang isang libo kay Carol dahil sinisingil na sya nito. Habang si Dahlia naman ay binibilang kung ilang araw na ang inilalagi nila ni Mayumi sa mundo ng mga tao. Pariho silang tahimik at wala ni isa sakanila ang nagtangkang mag salita. Maganda ang simoy ng hangin. Marami rin ang bituwin sa kalangitan. Mal

