"Saan ba kasi tayo pupunta?" Hingal na hingal na tanong ni Dahlia kay Daisy habang hila-hila sya nito. "Basta nga kasi." Kahit nag tataka si Dahlia ay hindi na sya nagtanong pang muli. Hinayaan nalang nya si Daisy na hilahin sya sa kung saan man sya nito dadalhin. Kanina ay maaga syang ginising ni Daisy. Ang sabi nya lang ay may pupuntahan silang dalawa. Pagkatapos nyang mag bihis at mag agahan ay agad syang hinila ni Daisy palabas ng kanilang bahay. Naroon na si Victor at naghihintay sa kanila. Inihatid sila ni Victor sa katabing bayan. Isang oras na biyahe mula sa kanila. Ito rin ang bayan kung saan sila nag punta ng magka bunggoan sila ni Hener. "Daisy ang aga mo ata hindi ba mamaya ka pa papasok?" Sabi ng isang lalaking naka tayo na nakasuot ng puting uniporme. "Oo sana Mang Juaqu

