Kagaya noong nakaraang araw ay maagang ginising ni Daisy si Dahlia. Sumakay na naman sila sa tricycle ni Victor at nag punta sa isang iskinita na maraming tao. Pagka baba palang nila sa tricycle ay pinag titinginan na sila ng mga tambay. Napahigpit ang hawak ni Daisy sa kamay ni Dahlia habang tinayahak nila ang mataong lugar. "Huwag mong bibitiwan ang kamay ko Tisay." Tumango naman si Dahlia at mas hinigpitan pa lalo ang pag kakahawak nya kay Daisy. Tahimik silang nakasunod lang kay Victor na nauunang mag lakad sa kanila. Natatakot si Daisy para sa kaligtasan ni Dahlia. Agaw pansin kasi sa mga tambay ang makinis na balat ni Dahlia. Nangangamba syang baka mapag diskitahan ang dalaga. Hindi nag tagal ay huminto sila sa isang bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood. Mahinang kumatok si

