Kabanata 9
Tumigil ang sasakyan sa parking lot ng unibersidad, ang makina ay tahimik na namatay. "Here we are," sabi ni Miss Kim, ang boses niya ay walang emosyon. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at binuksan ang pinto. Lumabas na lang ako.
Sinubukan kong sundan si Miss Kim, pero mabilis siyang nakalayo sa akin. Wala ang guard na nagbabantay, kaya't pumasok na ako sa unibersidad. Naglakad ako patungo sa aking unang klase, ang isip ko'y naguguluhan.
Naisip ko ang mga sinabi ni Miss Kim. Tama naman siya; may punto siya. Kaya't nagdesisyon akong iwasan na lang siya. Kailangan kong mag-focus sa aking pag-aaral at hindi hayaan ang mga emosyon na makagambala sa akin.
Habang naglalakad papunta sa unang klase ko, iniisip ko kung paano ko iiwasan si Miss Kim. Propesor ko siya. Paano? Kailangan kong mag-isip ng paraan. Bahala na si Batman.
Pagkapasok ko sa classroom, agad akong pumunta sa dulong upuan. Doon ako naupo sa pinakadulo para hindi ako mapansin ni Miss Kim. Wala pa si Mel, at kapag nakita ko siya, tatamaan siya sa akin. Kasalanan niya lahat ng 'to. Kung sana hindi niya pinabantay, edi sana hindi kami naghalikan—never mind, nagustuhan ko rin naman, pero yawa jud ni siya, oy. Habang ako’y naghihirap, siya nakikipag-s*x lang. Naririnig ko pa rin 'yung ungol ng babae. Jusko po, my innocent ears!
My thoughts were interrupted by the sound of heels clicking. I looked up, and there she was, Miss Kim. Her face was a blank slate, devoid of emotion.
Nagsimula na itong magturo at nakikinig lamang ako, pero wala akong maintindihan. Buong klase ay lutang ako. Hindi na nga talaga pumasok si Mel.
“I dismissed the class yet you’re still here?” Napatingin ako sa nagsalita na si Miss Kim. Without a word, I gathered my things and left the classroom.
May next subject pa ako kaya tumungo na ako at nang makapunta sa classroom, nakita ko si Mel na nasa dulo at nasa upuan ang ulo, tulog mantika pa. Pumunta ako ro’n at naupo sa katabing upuan ni Mel.
Pagkaupo ko ay sinampal ko ito ng malakas. Naiinis lang ako sakanya dahil sa nangyari kagabi. Bigla naman itong tumingin sa akin. "Ay sorry, may langaw kasi.”
"Aray!" Mel winced, rubbing his cheek. "Ano ba 'yan, Jaycee? May langaw ba talaga? Parang ang lakas naman ng sampal mo." Her tone was a mix of annoyance. I just ignored her.
"Anyways, ito na sahod mo kagabi," Mel said, handing over the envelope. I snatched it, naiinis pa rin ako sakanya.
"Speaking of kagabi," I began, my voice tight, "alam mo ba na muntik pa may mangyaring masama kay Miss Kim, buti na lang dumating ako. Tinawagan kita para sana humingi ng tulong dahil hindi ko alam kung saan ihahatid si Miss Kim. Bakit may ungol? Bwesit ka, anong ginagawa mo kagabi ha?" Mel's playful demeanor vanished, replaced by a look of surprise. I was about to expose her when—
"Good morning, class!" Miss Addison's voice cut me off. A frustrated glare at Mel, and then, forced attention to the teacher. Unfinished business.
"Good morning, class!" Miss Addison’s cheery voice. Pag-uulit niya.
Pinilit kong ibaling ang atensyon ko kay Miss Addison, pero ang galit ko kay Mel ay hindi pa nawawala. May kailangan pa kaming pag-usapan.
Habang nag-uumpisa na si Miss Addison sa kanyang lecture, pilit kong iniiwasan ang mga alalahanin tungkol kay Miss Kim. Nasa isip ko pa rin ang mga nangyari kagabi, ang mga ungol, at ang halik. Jusko, Jaycee, concentrate ka!
“Jaycee?” tinawag ni Miss Addison, at nagulat ako. “Can you please explain the main point of our last discussion?”
“Uhm, sorry, Miss Addison. I… I wasn’t paying attention,” sagot ko, nahihiya. Ang buong klase ay tumingin sa akin, at nakuha ko ang tingin ni Mel na puno ng pangungutya.
“Okay, I’ll let that slide this time,” she said with a smile. “But make sure to focus next time.”
Nang matapos ang klase, agad akong tumayo at nagmadaling lumabas. Ayoko nang makipag-usap kay Mel. Wala na akong balak na makipag-argue sa kanya. Kailangan kong makita si Miss Kim.
Habang naglalakad ako sa hallway, ang mga tao ay abala sa kanilang mga gawain, pero ako'y nag-iisa sa gitna ng lahat. Maya-maya, nakita ko si Miss Kim na naglalakad patungo sa faculty room.
“Miss Kim!” tawag ko, nag-aalangan.
Tumingin siya sa akin, pero ang kanyang ekspresyon ay walang emosyon. “What is it, Jaycee?” parang nagmamadali niyang tanong.
“Can we talk?” nagtatangkang maging matatag ang boses ko. “About what happened… last night.”
“Jaycee, I don’t think that’s necessary,” sagot niya, ang boses ay malamig. “We both agreed to forget it.”
Ang sakit ng mga salitang iyon ay parang suntok sa tiyan. “But it’s not that simple! I can’t just pretend it didn’t happen. Hindi ko kayang iwasan ang nararamdaman ko.”
“Jaycee, please,” sabi niya, ang tono ay nagiging mas seryoso. “Let’s just focus on our roles—student and teacher. Wala nang iba.”
Nakita ko ang pagkaseryoso sa kanyang mga mata, at sa isang iglap, parang may pader na bumangon sa pagitan namin.
“I just… I don’t want this to be awkward between us,” sagot ko, ang boses ko ay bumaba.
“Then let’s keep it professional,” sabi niya, at nagpatuloy sa paglalakad. Muli akong naiwan sa gitna ng mga tanong at hindi masagot na damdamin.
Nang makapasok ako sa susunod na klase, napansin kong hindi ko pa rin kayang itigil ang pag-iisip tungkol kay Miss Kim.
Matapos ang klase, nagdesisyon akong lumabas sa campus. Kailangan kong huminga ng sariwang hangin at mag-isip. I decided na umuwi nalang ng apartment. Pagkauwi ko, dumiretso ako sa kwarto. Nahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame habang iniisip ang mga nangyari. Ilang minuto rin akong tulala, ang mga nangyari kanina ay paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Ang malamig na tono ni Miss Kim, ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin, ang bigat ng kanyang sariling damdamin—lahat ay naghahalo-halo, nagdudulot ng kalituhan at lungkot.
Maya-maya, bumangon ako at nagtungo sa banyo. Habang nakatingin sa salamin, nakita ko ang sarili niyang repleksyon—ang mga mata ay namamaga, ang mukha ay pagod. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Kailangan kong mag-isip ng solusyon. Kailangan niyang kalimutan ang nangayri gaya ng sabi ni Miss Kim.
Napagdesisyonan ko na maghahanap na lang ng trabaho. Magpopokus ako sa sarili, sa pag-aaral, at sa paghahanap ng mga nawawalang ala-ala ko. Iiwasan ko nalang si Miss Kim. Hindi ko na hahabulin pa ang isang bagay na hindi naman pala maaabot. Mahirap man dahil hindi maiiwasan na makikita ko siya dahil isa siya sa mga propesor ko.
Habang nagsasabon, iniisip ko ang mga magagandang bagay na maaaring mangyari sa buhay ko. Magiging independent ako. Magkakaroon ng sariling pera. Makakapag-focus sa aking pangarap. May mga bagong kaibigan akong makikilala. Speaking of kaibigan sinubukan kong hanapin ang sss ni Miguel at nagchat ako rito pero ilang araw na wala pa rin reply nag send na rin ako ng friend request ans si Bea naman hindi ko rin alam. Siguro pagbalik ko nalang sa probinsya ko sila ka-kamustahin.
Pagkalabas ko sa banyo, may ngiti na sa aking labi. Isang bagong kabanata ang magsisimula sa aking buhay. Isang kabanata na puno ng pag-asa, pagsisikap, at kalayaan. Isang kabanata kung saan ako ang bida at ako ang magdidikta ng takbo ng aking kwento.
--
Nagising ako nang mas magaan ang pakiramdam. Parang nawala na yung bigat sa dibdib ko. Sabado ngayon, wala akong pasok. Ngayon start ko ng paghahanap ng trabaho.
Pagkatapos mag-almusal, nagsimula na akong maghanap ng trabaho. Wala akong laptop, kaya inayos ko ang resume ko, inimprenta ko ito sa printing shop malapit sa apartment ko. Nag-isip ako ng mga kompanya na pwede kong lapitan. Nag-research ako sa library, tiningnan ko ang mga classified ads sa diyaryo. Sinulat ko pa nga sa isang papel yung mga number na pwede kong tawagan. Para akong balik high school, yung feeling na excited ka pero kinakabahan din.
Naglakad ako, dala-dala ang mga kopya ng resume ko at pumunta sa mga lugar na may possibility ng trabaho. May mga cafe, restaurant, bookstore, at iba pang establishment sa paligid ng unibersidad. Kinakabahan ako sa tuwing papasok ako, pero sinisikap kong magpakita ng confidence. Iniisip ko na kailangan kong maging independent. Kailangan ko ng pera. Kailangan ko ng bagong simula. At isa pa, wala naman akong ibang gagawin ngayong Sabado.
Sa hapon, nagpahinga muna ako. Napanood ko yung mga favorite movies ko sa cellphone. Nagluto na rin ako ng masarap na dinner para sa sarili. Naglinis ako ng kwarto. Relax lang. Pero iniisip ko pa rin ang mga possible na trabaho.
Pagkatapos, nagkita kami ni Mel sa usual naming tambayan. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa paghahanap ko ng trabaho, yung pag-iimprenta ng resume, yung paglalakad ko paikot sa unibersidad. Tumawa siya, pero sinuportahan niya pa rin ako. Binato niya pa nga ako ng isang papel na may nakasulat na “Good luck!”
"Jaycee," sabi ni Mel, "proud ako sa'yo. Ang tapang mo. Alam kong kaya mo 'yan. Nandito lang ako para sa'yo, palagi."
"Salamat, Mel," sabi ko at ngumiti "Ang laki ng tulong mo sa akin."
Sa mga sumunod na araw, patuloy ako sa paghahanap ng trabaho. Naging matatag ako sa desisyon ko. Hindi ko na masyadong iniisip si Miss Kim.
Isang araw, may tumawag sa akin para sa interview. Kinabahan ako, pero excited din. Nag-prepare ako nang mabuti. Sinuot ko ang pinaka-magandang damit ko at ngumiti nang may kumpyansa.
Nang araw ng interview, kinakabahan pa rin ako pero nagawa kong magpakita ng confidence. Nag-shine ako. At sa huli... tinanggap nila ako!
Masayang-masaya akong umuwi. Tumawag ako kay Mel para ibahagi ang good news. Masaya din siya para sa akin. "Tara, celebrate tayo!" sabi niya. "Sa favorite restaurant ko, my treat since wala ka pang sahod, next time ikaw na manglilibre kapag sumahod ka na." Ang yaman nito pero kuripot, tsk.
Nang makarating kami ni Mel sa restaurant nagkwentuhan lang kami. Ang dami naming pinag-usapan, ang tungkol sa trabaho ko, ang mga nangyari sa school, at kung anu-ano pa. Nagbibiruan kami at nagtatawanan.
"Jaycee," sabi niya, huminga ng malalim. "May sasabihin ako sa'yo..." She hesitated for a moment, then confessed, "May gusto ako sa babae. I like girls, bisexual ako. 'Yung narinig mo kagabi... one night stand lang 'yun isa sa mga flings ko pero... hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo. Sorry kung hindi ko sinabi agad at wala ako no'ng may nangyaring masama kay ate Yuna."
Nagulat ako, pero hindi naman ako nagulat na may gusto siya sa isang babae. "we're in the same both " sagot ko”
"Alam ko," sabi ni Mel, ngumiti. "Sabi ko na nga ba, ramdam ko." bading sabi pa nito at sabay kaming nagtawanan.
Pero bakit ikaw, 'diko man lang na halata? Mahina yata gaydar ko!" biro ko at tumawa.
Tumawa din siya. "O baka naman hindi mo lang talaga napansin! Balita ko, medyo busy ka sa iba."
"Okay, okay, nakalusot ka," sabi ko at inikutan siya ng mata. "Basta, okay na tayo"
Habang nagkukuwentuhan kami, napansin ko si Miss Kim sa di kalayuan. May kasama siyang lalaki—mukhang boyfriend niya. Nakita niya kaming masayang nag-uusap at nagtatawanan. Agad na umasim ang mukha niya. Ang dating ngiti niya ay napalitan ng isang malamig at matalim na titig sa akin. Parang may apoy sa mga mata niya. Hindi ko alam kung napansin niya na nagkukuwentuhan kami ni Mel. Pero halata na may something. Bigla akong kinabahan.
"Mag-CR lang ako," sabi ko kay Mel, at tumayo na. Kailangan kong makawala saglit. Parang may masamang kutob ako.
Pagpasok ko sa cr pumasok ako sa isang cubicle sa dulo, nakahinga ako nang maluwag. Pero nang lalabas na ako, naroon na si Miss Kim sa pinto, nakahalukipkip at nakasimangot.
"Jaycee," sabi niya, ang boses ay malamig at may diin. "Anong meron sa inyo ni Mel? Mukhang close na close kayo ah. Ang saya-saya niyo. Mukhang… may something." Her tone was sharp, laced with a possessiveness that made my heart sink. It wasn't a casual question; it was a pointed accusation, filled with barely concealed jealousy.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang saya-saya ko lang kanina, tapos ngayon…
"Miss Kim..." pagtawag ko rito ng nag-aalangan.
Naisipan kong mag-isip muna, kaya lalabas na sana ako pero nakaharang si Miss Kim sa pinto.
"Padaan po ako, nakaharang po kayo sa pinto Miss Kim ," sabi ko ng may diin at malamig na boses.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Naningkit ang mga mata niya, at nanatili siyang nakatayo, nakaharang sa pinto. "Are you in a relationship with my cousin Mel?" tanong niya, ang boses niya ay matalim at puno ng paratang. "Are you two together?"
Nanatili akong tahimik. Ang titig niya ay matalim at nakakatakot parang nagpapabigat sa aking dila. Hindi siya sumigaw o nagwala pero ang galit niya ay parang kumukulo sa ilalim ng katahimikan mas nakakatakot kaysa sa anumang pagsabog.
I remained silent, her intense stare making it difficult to speak. Her anger wasn't expressed through shouting or wild gestures; it was a simmering intensity that was far more unsettling.
Miss Kim didn't give me a chance to respond. Her grip on her handbag tightened. "Answer my question," she said, her voice dangerously low, still devoid of any emotion. "Then I'll let you pass"
May naisip akong kalokohan.
"Wala kaming relasyon ni Mel sa ngayon," I said, my voice firm but calm.
"Pero kung meron man, siguro mas maganda kung hindi mo na lang alam. Ikaw na mismo nagsabi na kalimutan na lang natin ang lahat."
Miss Kim’s eyes narrowed further. Her lips tightened, and a flicker of something—anger? Frustration? Intrigue?—crossed her face before disappearing just as quickly. She didn’t respond immediately. The silence stretched on, thick and heavy, as if the air itself was holding its breath.
Then, she slowly leaned forward, her gaze fixed on me. Her voice, when she finally spoke, was a low, dangerous whisper. "Jaycee," she said, "don't test me."
I swallowed hard, trying to keep my voice steady. "I'm not testing you," I said, trying to sound calm. "I'm just telling the truth."
"The truth?" she scoffed, her voice laced with sarcasm. "You think I'm stupid? You think I don't know what's going on?"
"I don't know what you're talking about," I said, trying to maintain my composure. "I'm not hiding anything."
But even as I spoke, I knew I was lying. I was hiding something. And I was terrified that Miss Kim would find out.
But even as I spoke, I knew I was lying. I was hiding something. And I was terrified that Miss Kim would find out.
Nakatitig lang ito sa akin may dumi ba ako sa mukha?
"You really look like him," she whispered even your last name is same with him. But you're the better version."
Ang random niya naman. Nakashabu ba siya. But before I could even stammer a question, she turned and walked away, leaving me standing there, speechless. My heart hammered against my ribs, and a shiver ran down my spine. Who was this "him"? And why did Miss Kim seem so... possessive?