Chapter Ten

3875 Words
“Humble yourselves, therefore, under God's mighty hand, that he may lift you up in due time. Cast all your anxiety on him because he cares for you." – 1 Peter 5: 6-7 In just two months summer vacation would begin, and another school year would end. Hairah's present batch of innocent sweet kids would leave as they stepped to the next level, giving her new batch of innocent sweet kids for the next school year. Hairah was used to it. Sanay na siya na sa loob ng sampung buwan ay makakasama ang mga batang may iba't ibang ugali, hilig, at gusto. Sanay na rin siya na pagkatapos ng ilang buwan, ibang grupo naman ng mga bata ang pakikisamahan niya. Hindi madaling makibagay sa mga bata at palaging unawain sila pero nandoon na siya sa puntong natutunan na niyang mahalin ang mga bata at ang trabaho niya. Nagpakawala si Hairah ng isang paghinga nang matapos tsekan ang kahuli-hulihang papel ng isa sa mga estudyante niya. Nang maipatas ang mga libro at papel ay niligpit naman niya ang sariling mga gamit. Kasalukuyan niyang pinupusod ang mahabang buhok ng may kumatok sa pinto. Lumingon siya sa nakabukas na pinto kung saan nakasandal sa hamba si Teacher Jhel. "Hindi ka pa uuwi?" Nakahalukipkip na biro ni Teacher Jhel bago pumasok sa loob ng classroom. "Palabas na rin po ako," aniya habang nagbubuklat ng bag. "Tamang-tama, kakain tayo sa labas. Nabanggit ko 'yong bagong bukas na kainan sa bayan." Tumigil ito sa pagsasalita, naupo sa isang armchair at tinitigan siya. "Sama ka, ha?" Inalis niya ang tingin dito. "Okay," pagpayag niya habang sinisipat ang sarili sa salamin. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanila bago ito muling nagsalita. "Alam mo, hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sayo..." "Po?" Sinulyapan niya ito pero nang hindi ito nagpatuloy ay muling inilipat ang tingin sa salamin at nagpahid ng manipis na lipstick. "Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend?" Napabungisngis siya sa naging tanong nito. “Akala ko naman kung ano na.” “Maganda ka naman, masipag, edukada at—” “Gutom lang iyan, Teacher Jhel,” biro niya upang iiwas ang usapan. "O baka naman itinatago mo lang sa amin?" "Teacher Jhel, wala akong itinatago. Alam mo namang hindi ako magaling pumili ng tamang lalaki. Isa pa, ang Lord lang din ang nakakaalam noon," casual niyang wika bago isinakbat na ang bag. "Let's go. Baka naghihintay na sila," dugtong niya habang naglalakad na palabas ng classroom, dahilan para hindi niya makita ang makahulugang tingin ng kaguro. Sabay silang naglakad palabas ng building kung saan naghihintay ang mga kasamahan nila. Excited ang lahat kumain at ang tanging naisip ay kung anong putahe ang oorderin sa kainang pupuntahan. Habang siya’y sa ibang bagay naglalakbay ang isip. Kung madali lang sanang makalimot ang puso... ***** Pagkatapos nina Hairah at ng mga kasamahan niyang kumain ay naghiwa-hiwalay din kaagad sila. Quarter to five na pero kalat pa rin ang liwanag sa paligid. Paliko na siya sa unang kanto nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Nang matingnan niya ang message ng ina ay binuhay naman niya ang data ng cellphone. Sunod-sunod ang naging pagtunog ng notification tone ng Messenger at sss niya. Binuksan niya ang application ng Messenger at tumambad ang maraming messages: may pm mula sa kapatid at ilang kaibigan, chat sa GC nilang mga guro at ilang message requests. Hindi na sana niya papansinin ang mga message request dahil madalas ay mga kalokohan at bastos na larawan lang mula sa mga hindi niya kilalang tao ang ipinapasa sa kaniya. Ngunit naalala niyang may magse-send nga pala sa kaniya ng info para sa darating na checking ng school forms. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ang mga message requests. Titingnan niya lang kung kanino mga galing at mamaya na niya babasahin ang laman. May ilang galing nga sa mga taga-ibang bansa, may isang galing sa dating kasamahan at isang... Natilihan siya kasabay ng panlalamig ng katawan dahil sa message request na nasa pinakababa. Eljah G. Pelaez sent you message request. Nag-aalangan siya habang nakatingin sa cellphone. Babasahin ba niya ang laman ng mensahe o magkukunwaring walang nakita? Two-thirty pa ng hapon nang i-send nito ang message at dala ng kuryosidad ay binasa muna niya ang message. “I know it's too much and all of a sudden, but can we talk? I need someone to talk to. Please...” Napakagat-labi siya matapos basahin ang message. Kailangan niya nang makakausap at tinatanong niya kung pwede bang ako iyon? bulong ng utak niya. Dama ni Hairah hindi lang ang mabilis na pagpintig ng dibdib kundi maging ang tila pagpintig ng sentido. Naghahalo ang emosiyon niya at hindi niya alam kung alin ang mas nangingibabaw—saya ba, lungkot, pagtataka—naguguluhan siya. "Hairah..." Napaangat ang ulo niya nang marinig ang pamilyar na tinig. Ang tinig na isang buwan din niyang tinikis ang sariling 'wag marinig. He looked at the owner of the voice, and there he was, standing and looking devastated. She roamed her eyes on his beautiful yet tired face. It's been a month since the morning they talked. Ever since that day, she tried very hard not to see him or bump with him. She tried very hard to forget him, and God knew it wasn't that easy. And seeing him again, made things harder for her. Don't be afraid, Hairah. Napalunok siya kasabay ng kakaibang kirot sa puso niya habang nakatitig dito. Noong huling magka-usap sila ay masaya ito't masigla ngunit ibang-iba ang Elijah na nasa harap niya ngayon. Lalag ang balikat nito, nanlalalim at nangingitim ang ilalim ng mata nito at sa tantiya niya'y wala pa itong matinong tulog at pahinga. Cast all your pain to me, and help my lamb. "Elijah..." bulong niya at malalaki ang hakbang na nagsimulang lumapit dito. Hindi siya nag-iisip, basta na lang gumalaw ang mga paa niya habang hindi inaalis ang mga mata rito. Nakaputing T-shirt at pantalon ito. Wala itong dalang gamit. Sa tantiya niya ay tila sinasadya nitong hintayin siya. Ayaw niyang mag-assume pero hindi niya maiwasan. "Can we talk? I really need someone to talk," he asked, and there was a hint of desperation in his voice. "Elijah, anong..." Natigilan siya nang maisip na bakit kailangang sa kaniya ito lumapit. May mga kaibigan ito na pwedeng lapitan o mga magulang, lalo't higit ay may asawa ito na dapat kaagapay nito. Ngunit bakit sa kaniya ito lumapit? If someone asks your help then help them no matter who and what they are. Make it an opportunity to serve others. Biglang nag-echo sa kaniya ang laging ipinapaalala sa kanila ng Head Counselor nila. Pero... Nag-aalinlangan siya. Console him as I do to you. There it was again. Help my lamb, my beloved. She blinked as she swallowed hard. "I know it's too much but—" "Let's go somewhere we can talk," she plastered a smile as he cut him off. She couldn’t take it anymore. She couldn’t bear to see him hurting when she knew she could do something. Oh God, help me. Help my heart to take this... I'm always right here. ***** Sa gilid ng simbahan sina Hairah at Elijah nagpunta. Ang lugar kung saan sila unang beses na nagkausap. May mangilan-ngilang tao sa paligid pero malayo sa kanila. Mabuti na lang at gabi na kung sarahan ang gate ng simbahan ngayon dahil may ginagawang proyekto sa malawak na bakuran nito. Naupo ito sa bench at siya naman ay nanatiling nakatayo. Sumandal siya sa malaking puno na naroon, ang mga kamay ay nasa likod habang pinagmamasdan ang lalaki. Nakasubsob ang mukha ni Elijah sa dalawang palad. Halos ganito rin ang nakita niyang sakit noong nakita niya ito sa loob ng simbahan. Ano ba talagang mga pasakit na dinadala mo at labis kang maghihirap ng ganyan? Gusto niyang itanong pero kakatwang hindi niya magawa. He came to her not just because he needed someone to talk to. He needed someone who would listen to him. “Elijah…” she called out softly, taking small steps towards him. "I don't know what's making you like that, but you know, there is someone who is always willing to listen to you." Her voice trailed when Elijah looked up at her. His eyes were blank and lifeless, and it's gripping her heart in a tight grasp. Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Anuman ang nasa loob mo, higit na nalalaman ng Diyos iyan. Alam Niya lahat ng pinagdaraanan mo, lahat ng sakit na meron ka sa puso mo o kahit pa ang mga luha na iniluluha mo... Alam Niya lahat..." Something flashed in his eyes, and it wasn't a good flash. It's a lightning of bitterness and distrust. "Alam niya? Pero bakit ganoon? Bakit hinahayaan niyang dumanas ako ng ganito. Bakit niya kami pinahihirapan? Kung ako na lang sana kaya ko pa? Pero...." Hindi na nito itinuloy ang mga sinasabi at naiinis na kinuyumos ang buhok. Kitang-kita niya ang paghihirap nito at tila pinipiga ang puso niya. Gusto niyang lumuha para rito pero hindi makakatulong iyon. Kailangan siya nito dahil kailangan nito nang masasandalan kahit sandali. Ang unahin ang nararamdaman niya para rito ay walang maitutulong at mas makabubuti kung isasantabi lahat ang mga iyon. Hindi ito tungkol sa kaniya, hindi lang ito tungkol kay Elijah at kailangan nitong maunawaan kung tungkol ba talaga kanino ang buhay. "Kailanman, hindi tayo pinahirapan ng Diyos," simula niya. "Mahal Niya tayo... Mahal na mahal... Dahil kahit sa pag-iyak natin, nadiyan Siya sa tabi natin at kasama nating lumuluha. Hindi lang natin alam kasi masiyado tayong abala sa sakit na nasa puso natin," malumanay niyang lahad. "Nandiyan Siya? Hindi Niya ako pinakikinggan!" malakas nitong bulalas na tila ba isang napakalaking kalokohan ang sinabi niya. Oh, God! Napaawang ang mga labi niya dahil sa tinuran ni Elijah. Naglaho ang bawat salitang nasa mga labi niya. Masakit makitang nahihirapan at nasasaktan ito, pero mas masakit pa lang makitang tila naglalaho na ang liwanag nito. "Isang buwan... isang buwan," paulit-ulit nitong usal habang nakasubsob ang noo sa palad. "Binigyan Niya lang kami ng isang buwan na masaya at maayos tapos heto... Ang lakas ng balik ng sakit. Pinaasa lang pala Niya kami," umiling-iling ito bago tumayo at nagpalakad-lakad na tila ba pinakakalma ang sarili. Napakagat-labi siya. Hindi madaling makipag-usap sa taong tila pinagsasarhan na ng pananampalataya dahil ng sakit at pagdurusa. Let the light I have in you shine to him. "Elijah..." Her voice quivered as she watched him paced. He stopped and looked at her. "I'm sorry, Hairah... Wala akong balak ibaling sa'yo. I-I j-just wan—" "Care to tell me what's bothering you?" she asked softly. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin sa kaniya. She knew that deep inside him, he was hurting. At alam din niya na sa loob nito ay nagtatalo ang isip nito kung tama nga bang lumapit ito sa kaniya. He didn’t need to say a word, it's written all over his face. "Minsan may nagsabi sa akin na ang buhay ay tunay na dapat maging mahirap at hindi madali. Kapag kasi puro saya, nakakalimutan ng tao ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay... Nakakalimutan nating nandiyan ang Diyos na sa simula pa lang ay hindi na tayo iniwan. Hindi natin magawang magpasalamat sa Kaniya. Nalilimutan nating dapat higit kaninuman, sa Kaniya tayo dapat umasa at dumepende..." kalmado niyang pahayag habang diretso ang tingin dito. May mga alaalang bumabalik sa kaniya pero ang lahat ng mga iyon ay alaalang ayaw niyang balikan. "Pero bakit kami? Bakit parang pinahihirapan Niya kami?" punong-puno ng sakit ang tinig na ani nito. Kami? Amin? Kanina niya pa binabanggit ang mga katagang iyon, palatandaang hindi lang ito ang dumaranas ng paghihirap. Lord, help me. I can't do this alone. Say my Words… "Hindi Niya kailanman ninais na mahirapan tayo. Walang Ama na ginustong mahirapan ang mga anak niya." "Why it was so easy for you to say that?" She trained her eyes on him. He was really close to closing. Hindi niya gustong maging pagalingan nang eksplanasyon ang usapan nilang ito. Pero hindi niya din alam kung paano ipapaliwanag dito na lahat ng mga bagay ay nangyayari dahil may dahilan. Sa kabilang banda, hindi niya naman ito masisisi dahil nasa gitna ito ng paghihirap kaya ganito ito. At lumapit ito sa kaniya dahil sa tingin nito ay makakatulong siya rito. He wanted explanation. He wanted to uplift all his burden, but he didn't know how. "One thing life taught, walang nakalibre sa mga sakit, paghihirap o kahit sa," sandali siyang tumigil bago ipinikit ang mga mata, "O kahit sa kamatayan," pagtutuloy niya at muling iminulat ang mga mata upang salubungin ang namumulang mga mata nito. "Lahat ay nakararanas ng kalungkutan at paghihirap. Hindi man pare-parehas ng klase ng paghihirap pero dumaraan halos lahat." Humakbang siya palapit rito at tumigil nang dalawang hakbang mula rito. "Hindi ako nakakasigurado pero, somewhere, maraming tao ang dumaranas nang nararanasan mo. Hindi lang ikaw. Iyong iba ay nagpapadaig sa sakit, 'yung iba lumalaban dahil naniniwala silang pagkatapos ng lahat, makikita nila ang saya na matagal na nilang hinihintay, and it will be worth it." Tumigil siya sa pagsasalita nang pakiramdam niya'y anumang oras ay babagsak na ang mga luha niya. Hindi ito tumugon. Deep inside her, she kept on praying. She kept on asking for God's guidance and wisdom. Nasasaktan siya pero ayaw niyang maging selfish sa mga oras na ito. "I'm a loser," he suddenly murmured. "I'm a man. I'm Yannie's husband, and I should be stronger." She stopped herself from showing any reactions when he said his wife's name. So, it's about her... "You're a human, Elijah. Walang sinabi ang Diyos na hindi tayo pwedeng manghina at mapagod. Ang nais Niya'y kapag napagod at nanghina ka'y lumapit ka sa Kaniya." Ilang segundong tinitigan siya ni Elijah. "Ang labo ng buhay," pagak na wika ni Elijah. Nanghihinang bumalik ito sa pagkaka-upo sa bench, nagyuko ito ng ulo habang ang noo ay nakasubsob sa palad at ang mga siko'y nakatuon sa hita. Hindi na siya nagsalita at hinayaan niya na muna ito. After a few more beats, he began to talk. "I have a wife. You know that, right?" Sumulyap ito sa kaniya at kahit tila humigpit ang pagkakasakal ng mga kamay na kanina pang nakahawak sa puso niya'y nginitian niya ito. "I can see that," she simply said, and glanced at his wedding ring. "It's pretty obvious, you know." Natatakot siyang tuluyang bumigay. Hindi pwedeng dumagdag pa ang nararamdaman niya sa problema na meron ito. Bumalik ito sa unang posisyon nito. "Her name is Yannie, and I love her so much." Ramdam niya ang pagbabago ng tinig nito, mula sa nahihirapang tinig ay tila ba nangangarap ito. Ramdam niya sa pananalita nito ang matinding pagmamahal sa asawa. Na tila naman kutsilyong ibinabaon sa dibdib niya. "We've been together for almost eight years. Mahigit pitong taon kaming magkasintahan, at all along masaya kami na katulad ng mga normal na magkasintahan, nag-aaway man kami o nagkakaproblema, nalalampasan namin iyon. We're so happy and contented with each other." Tumigil ito sa pagsasalita at hindi nakalingat sa kaniya ang pagpapakawala nito ng hangin na tila ba pilit pinakakalma ang sarili. At siya... Ang kanina'y tila nag-iisang kutsilyo ay parang naging sandamakmak na kutsilyong itinatarak sa dibdib niya. Gusto niya nang umiyak, umalis, lumayo mula rito at kung maaari lang ay 'wag ng magpakita pa rito. Ngunit hindi niya magawa. Hindi niya akalaing magiging ganito kasakit iyon. Bumalik ang atensiyon niya dito nang muling magsalita ito "Until we decided to get married." He stopped again, and she saw how his knuckles whitened as he clenched it forcefully. "You know, it’s fine if..." Gusto niyang sabihin ditong okay lang na hindi nito kailangang ikwento lahat. Ayaw niyang nakikitang nahihirapan ito at hindi rin niya maiwasang hindi masaktan sa mga sinasabi nito. Ngunit mabilis rin niyang sinupil ang sarili. Hindi ito ang oras para maging selfish siya. Elijah needed someone to talk to and someone to lean on. At that moment, it was her. "Take it easy. Handa akong makinig kahit hanggang anong oras pa," aniya at marahan tinapik ito sa balikat. Nilingon siya nito at sa hindi na niya mabilang na beses na pagkakahinang na mga mata nila, muli niyang nakita ang lungkot at kakaibang kislap sa mga mata nito. Ang anumang simpleng ugnayan na meron sila ay dama niyang lumalalim, na tila ba ng mga oras na iyon, nauunawaan nila ang isat-isa kahit sa simpleng sulyap lang. Once again, she gave him an encouraging smile and he nodded. "Walong buwan... Walong buwan pa lang kaming mag-asawa and darn," mula sa kaniya ay nilipat nito ang tingin sa harapan. Tumuwid ito nang pagkaka-upo at tumanaw sa mga kabataang nag-aayos sa harap ng simbahan. Batid niyang doon man ito nakatingin, malayo ang tanaw at naglalakbay ang isipan nito. "Iniisip ko kung isinumpa ba kami ng langit. Pakiramdam ko pinarurusahan Niya kami," unti-unti nang gumagaralgal ang tinig nito. "How do you say so?" maingat niyang tanong habang pilit inihahanda ang sarili sa kung anumang sasabihin nito. He held her gaze and continued talking. "Just a few months ago, nalaman naming buntis si Yannie at sobrang saya namin that time. Halos walang pagsidlan ang saya namin. Alam mo iyong pakiramdam na ikaw na ata ang pinakamaswerteng tao sa mundo. Ganoong-ganoon ang pakiramdam namin." Kumikislap ang mga mata nito habang nagkukwento. Muli’y may kirot sa dibdib niya pero inignora iyon at muli'y tinanguan ito. Lumalim ang paghinga nito, pinipilit huwag mapaiyak. Akmang lalapit siya dito nang muli itong magpatuloy. "Pero sadya atang totoo ang kasabihan na hindi palaging masaya. After seven weeks, nakunan si Yannie. Hindi namin alam kung bakit? Kung paano nangyari iyon? Naging maingat naman kami. Sinunod namin lahat ng sinabi ng doctor pero nagulat na lang kami nang sabihing walang heartbeat ang bata. Naghintay kami, umasa pero sa huli nawala na sa’min ang anghel namin. Hindi pa man siya naiisilang...hindi pa namin siya nahahawakan ay nawala na siya..." Nanigas siya sa kinatatayuan habang patuloy itong nagsasalita, hindi alam kung paano ipoproseso ang mga narinig. Nanatili siyang nakatitig dito nang huminto ito sa pagsasalita. Pumikit ito at hindi nakalingat sa kaniya ang paglandas ng munting luha sa mga mata nito. Lord, this is too much. I don’t think I— Be strong. Take heart. Lumunok siya at bago pa napigilan ang sarili'y umupo siya sa tabi nito at hinawakan ito sa likuran na madalas niyang ginagawa kapag nagpapatahan siya ng bata. He's not a child, but he's hurting like a child. "E-Elijah.. I-Im...." Hindi niya alam kung anong tamang salita. Nagmulat ito ng mga mata at nilingon siya... "I’m sorry if I’m dragging you—" Marahas na umiling siya. "No, don’t say that. I'm willing to listen." Ngumiti ito pero wala ng buhay ang ngiti nito. "I... Is Yannie fine?" Lumandas muli ang luha nito. "After mamatay ng aming baby, ilang linggo lang… nalaman naming may sakit si Yannie. She has this go***amn disease,” nagsimula ng gumaralgal ang tinig nito. “Just a month ago, sinabi ng doctor na sa kahit delikado ang sakit ni Yannie malaki ang chance na gagaling siya.” Natutop niya ang bibig upang pigilan ang sarili mula sa anumang reaksyon. She couldn’t help it. It's too much. Isinubsob muli nito ang mukha sa dalawang palad. "Nito lang huling buwan... umayos siya... sumigla... para lang... gulatin kaming nagsisimula na namang lumala ang kalagayan ni Yannie. Her hair, h-her body, she—I don’t want to lose her!" Tuluyan na itong nawalan ng kotrol at tahimik na sumubsob sa mga palad. Nag-aalangan man ay lumandas pababa ang palad niya patungo kaliwang balikat nito at marahang humaplos. Gusto niyang ipadama rito na hindi ito nag-iisa. Sa totoo'y gusto niyang yakapin ito at kung maaari ay alisin lahat ng sakit na nararamdaman nito. Dahil sa bawat sakit na nakikita niya dito ay tila doble ng sakit na nararamdaman niya. "Elijah..." Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi siya makahugot ng tamang salita. Kahit subukan din niyang halukayin ang isip ng mga magagandang maaaring ipayo sa lalaki wala siyang masabi dito. Kahit yata ang mga bagay na pinag-aralan at itinuro sa kanila sa Counseling ay hindi pumasok sa isip niya. Hindi madali ang pinagdadaanan nito. Nawalan na ito ng anak bago pa man lang nito mayakap, tapos ngayon tila mawawalan pa ito ng asawa. Hindi niya masisisi ito kung bakit nakakaramdam ito ng panghihina ng loob. Ngunit kailangan nitong magtiwala sa Diyos. Ang Diyos lang ang makakatulong rito. Oh, God. Help me so I could help him. Tahimik na tumuwid nang upo si Elijah. Inalis niya ang kamay sa balikat nito. Nanatili itong tahimik habang nakatingin sa malayo. Akmang magsasalita siya ng bigla itong lumingon sa kaniya. Namumula ang mga mata nito at hindi nito itinago sa kaniya ang mumunting luha na sumusungaw sa mga mata nito. He really trusted her. At habang tinititigan niya ito ay may kung anong nabubuhay sa loob niya. She wanted to hold him. She wanted to make him feel assured. She wanted to show how important he was for her. Gusto niyang sabihin na hindi nito kailangang malungkot, na hindi nito kailangang solohin ang sakit, na kaya niya itong tulungan... But those are selfishness... Those were things that she wanted. And she doesn't aim for that. Her aim was to help, to know what they needed, and at this moment, he needed God. No, he must understand that God loved him, and God cared for him. Elijah must rely to God. Elijah must continued believing in Him. And at this point, she also needed to stop herself from thinking and feeling things that she shouldn't be thinking and feeling in the first place. It wasn’t about her. She sighed still staring at him. "Mahabagin ang Diyos. May plano Siya sa bawat pagluha mo," pinilit pasiglahin ang tinig na aniya. "You think so? Mabilis ang biglang pagkalat ng cyst sa katawan ni Yannie. Naguguluhan ang mga doctor. Nahihirapan at nanghihina na si Yannie. Nawalan na kami ng anak. I can't bear na pati siya ay mawawala..." Mapait itong ngumiti. "Kung pwede ko lang alisin ang sakit niya o ilipat na lang sa'kin, tatanggapin ko iyon, huwag ko lang siyang makitang nahihirapan. I love her so much..." May intak sa puso niya ang bawat salita nito pero nagkunwari siyang wala lang sa kaniya iyon. Hindi siya pwedeng bumigay sa harap nito. "Hinayaan Niyang pagdaanan mo ang lahat ng ito dahil may nakalaan Siyang plano sa buhay mo..." "Pero bakit ganito? Bakit kailangang may buhay na mawala?" Minsan din niyang naitanong iyon. "Hindi madaling maunawaan ang plano Niya pero nakakatiyak ako. Mahal ka Niya at may plano Siya para sa’yo. Hindi pa huli ang lahat para sa asawa mo. Hindi mo man nakikita ngayon pero kumikilos ang Diyos para tulungan kayo." Umiling-iling ito. "Hindi ko alam." Tinitigan niya ang gwapong mukha nito. Pilit na kinakabisa ang bawat anggulo nito. "Hindi natin kailangang maunawaan lahat. Ang kailangan natin ay matiwala sa Diyos. Matatagpuan mo rin ang sagot, siguro hindi pa lang ngayon..." mahinang aniya. ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD