"The fear of the Lord is the beginning of knowledge, but fools despise wisdom and instructions." - Proverbs 1:7
Binuhay ni Hairah ang shower at itinapat ang h***d na katawan sa lumalagaslas na tubig. Itiningala niya ang mukha at hinayaang pakalmahin ng tubig ang sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kanina. Hanggang ngayon tila ba hindi mag-sink in sa utak niya na lumapit sa kaniya si Elijah para maglabas nang lahat ng sakit na nasa loob ng dibdib nito. Masaya siya at may tiwala ito sa kaniya pero hindi niya maiwasang hindi masaktan. Hindi maiipagkaila ang labis na pagmamahal nito sa asawa at naghahalo ang iba't ibang emosyon sa loob ng dibdib niya habang pinakikinggan ito.
Iminulat niya ang mga mata at sa kabila ng malakas na pag-agos ng tubig ay dama niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. Halos kauuwi niya lang at dala ng tensiyon, hindi na siya nag-abala pang magpahinga bago dumiretso sa banyo. Hinayaan niyang pakalmahin ng tubig ng tubig ang katawan, ang isip, at ang puso.
Hindi na napansin ni Hairah kung gaano siya bago katagal sa loob ng banyo bago nagpasiyang lumabas para magbihis. Nang makapagbihis ay muling ipinulupot niya ang buhok sa malaking towel. Pagkakuha ng cellphone sa ibabaw ng night table ay sumampa sa kama bago sumandal sa headboard.
Sa ikalawang pagkakataon ay binasa niya ang mensahe ni Elijah. Ang bawat pantig ng mga salita ay tila malakas na sipa sa dibdib niya ang hatid. Dala ng kuryosidad, binuksan niya ang profile nito. Ngayon niya lang napagtanto na nag-friend request ito sa kaniya.
“Bakit ganito? Bakit sa ganitong pagkakataon?” mahinang bulong niya habang nakatitig sa profile picture ni Elijah. Nakayakap ang nakangiting si Elijah kay Yannie mula sa likuran habang ang huli ay malapad ang ngiting nakatingin sa hawak na malaking boquet ng rosas. Kitang-kita niya ang saya at pagmamahal sa mga mata nila.
"Yannie,” usal niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Yannie.
Dalawang beses pa lang niya itong nakita sa personal pero talagang hinangaan niya ang gandang taglay nito. At hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili rito. Mas matangkad ito sa kaniya, may balingkinitang katawan, mas mapusyaw at mas makinis rin ito sa kabila ng trabaho nitong madalas ay nasa labas. Bagama't bilugan ang mukha nito, bumagay naman dito ang natural na alon-along buhok. Isang beses ay nakita niya itong nakauniporme, malayang nakababa ang hanggang balikat nitong buhok, sumasabay sa bawat galaw nito. Ang makinis nitong mukha sa kabila ng mainit na panahon ay preskong-presko at punong-puno ng kumpiyansa.
Punong-puno ng kumpiyansa.
Isa iyon sa mga rason kung bakit labis siyang pinanghinaan nang loob noong malaman niyang ito ang kasintahan ni Elijah. Bagay ang dalawa sa napakaraming aspeto. Mula sa propesiyon, hilig, dahil sa likas na ganda ni Yannie, at kakaibang kumpiyansa na meron ito bilang babae.
Inalis niya ang tingin sa larawan ni Yannie at pinasadahan ng tingin ang timeline ni Elijah. Ilang post lang ang nakikita niya. Marahil dahil naka-private ang mga post nito. Ilang buwan na rin ang huling update ng profile picture nito.
Ibinaba niya sandali ang cellphone sa kama at kumurap-kurap na tila ba tinitiyak kung nananaginip siya o hindi habang nakatuon ang mga mata sa kisame. Kung sa ibang pagkakataon, baka magtatalon siya sa tuwa dahil sa friend request nito, ngunit hindi iyon ang panahon para magpakasaya siya. Hindi niya hiniling na sa ganitong paraan at pagkakataon sila magkakilala at magkalapit. May lihim man siyang nararamdaman para kay Elijah, hindi naman niya ninais na may mangyari kay Yannie.
Kailanman, hindi niya ginustong magkahiwalay ang mga ito. Ang nais niya lang ay makita muli ang masayahing Elijah.
Naipikit niya ang mga mata at sinariwa ang unang beses na nakilala niya ito.
Limang taon na ang nakakaraan ng unang makita ni Hairah si Elijah. Magpipiyesta sa bayan nila at maraming mga nagtayong tiangge sa paligid kaya naisipan nilang magkakaibigan na magtingin-tingin. Nasa isang tindahan sila ng mga damit nang sa hindi kalayuan ay natanaw nila ang pagtigil ng police cruiser hindi kalayuan sa mga tindahan. Mula sa cruiser na iyon ay bumaba si Elijah at ang mga kasamahan nito. Kagaya ng nakagawian ay nagsimulang mag-ikot ang mga ito sa paligid. Nakikita na niya ito noon pero iyon ang unang beses na napagmasdan niya ito sa malapitan.
The moment their eyes collided, nothing was there. It wasn't a love at first sight. Nakita niya ito at nakita siya nito. That's all. Ni hindi tumagal ng isang minuto ang eye contact nila. Nalaman niya lang din ang pangalan nito mula sa mga kaibigan na nakakakilala dito. Though, she actually didn't ask. Bukod sa wala pa naman siyang pakialam dito noon, para sa kaniya, katulad lang ito ng mga normal na pulis. Makakasalubong niya sa daan at maglalagpasan silang tanging tingin lang ang namamagitan.
Hindi niya matandaan kung paano nagsimula ang nararamdaman niya para dito. Basta nakita na lang niya ang sarili na humahanga kay Elijah. Natagpuan niya na lang ang sarili na hinahanap-hanap na ito ng mga mata niya, na may kakaibang hatid na saya ang presensiya nito, at may lumbay kapag hindi niya ito nakikita.
Hindi lang sa mga daan nagtatagpo ang landas nila, dahil kahit sa loob ng simbahan ay tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana. May pagkakataong nagkakatabi sila sa upuan o nagkakasabay na dumarating sa simbahan. Ilang munting ngiti at tango na rin ang namagitan sa kanila.
Hindi pa niya maunawaan noon ang lahat. Ang buong akala niya ay simpleng paghanga lang ang lahat ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan nagkakaroon ng pagbabago. Hindi niya tiyak kung ano, pero sa t’wing nagtatama ang mga mata nila kapag nagkakatabi sila sa pew, at sa t’wing ngumingiti ito, may lumalago sa loob ng dibdib niya. Pilit niyang inignora ang nararamdaman pero habang tumatagal, sa tuwing matatanaw niya ito ay pinabibilis nito ang puso niya sa paraang hindi niya maunawaan.
Hindi niya pinansin ang nararamdaman. But it seemed that her action took the wrong route. Her untamed feelings wandered around. It took a year before she finally admitted to herself that she liked him, and another year before she opened-up to Lyra and Sandy. She wasn’t a vocal person, especially few years ago. However, her action lit a dim bulb in her friends.
“Oh my! Bakit interesado ka sa kaniya? Crush mo si Pelaez?” halos maghesterikal na tanong ni Sandy pagkatapos niyang itanong kung taga-saan talaga ang lalaki.
“Sshh! Wag ka namang maingay!” Lumilikot ang mga mata niyang iginala ang tingin sa loob ng Pizza House. Lihim niyang ipinagpasalamat na hindi sila gaanong napapansin sa kabila ng malakas na boses ni Sandy.
“Nagkakilala na ba kayo ni Elijah ng personal?” tanong ni Lyra habang kumukuha ng pizza.
“Hindi,” mahinang tugon niya, tila gustong pagsisihan at nag-open pa sa dalawang kaibigan.
“So? Anong dahilan at bigla kang naging interesado?”
“Wala lang,” kiming tugon niya.
“Crush niya si—”
“Hindi ko nga siya crush,” maagap na agaw niya kay Sandy. “Natutuwa lang ako sa kaniya.”
Tumaas ang sulok ng labi ni Lyra. “Bakit namumula ka?”
Napahawak siya sa may pisngi dahilan para mapahagalpak ng tawa si Sandy. “Sabi ko na nga ba, eh. Kaya pala parang blooming ka nitong nagdaan.”
“Nagdadalaga ka na,” biro ni Lyra.
“Dalaga pa ako sadya.”
“Pero ngayon ka lang tumingin sa lalaki,” Lyra pointed out the obvious. She didn’t contradict that.
“At ngayon ko lang nakitang kumislap ng ganiyan ang mga mata mo kapag binabanggit si Pelaez,” ngiting-ngiting panunukso ni Sandy.
Hindi siya tumugon at inabot na lang ang baso ng iced tea.
“Pero girl, saklap mo lang. Taken na si Pelaez,” casual na ani Lyra pero tila sinigawan siya nito sa sinabi. Natigil sa ere ang baso ng iced tea at napalingon siya rito.
“Basag trip ka naman, Lyra,” gusumot ang mukha na ani Sandy. “Sinira mo naman kaagad ang mood.”
“Sinira? Mas mabuti ng alam ni Hairah na may girlfriend si Pelaez.”
“Crush lang naman niya kaya ok—”
“Hindi ko nga siya crush!” May kalakasang pagtanggi niya kasabay nang pag-ahon ng inis sa dibdib niya. “Hindi na ako teenager,” may diing bulong pa niya.
“Bakit teenager lang ba ang nagka-crush? So, pagdating mo ng twenty plus bawal na?” Tinaasan siya ng kilay ni Sandy.
“Hindi naman sa ganoon. Iba kasi—”
“Hindi ikaw ang unang babaeng nagkagusto na sa taken kaya kumalma ka, girl.” Tinapik-tapik ni Lyra ang balikat niya pero hindi nito nagawang paklmahin ang dibdib niyang tila nagririgodon.
“H-hindi ko nga kasi si—”
“Kung hindi talaga, eh di hindi.” Nginitian siya ni Lyra pero halata sa mukha nitong hindi kumbinsido sa sinabi niya.
Pakiramdam ni Hairah ng mga oras na iyon ay ang unfair ng mundo. Minsan lang siya umamin, naging nonsense lang ang pag-amin niya dahil minsan lang siya nagkagusto, sa taken pa.
Simula noon, sinubukan niya na itong kalimutan. Hindi na niya ito hinanap, ni ang tingnan ito ay iniwasan niya. Ngunit sadya yatang matigas ang ulo at puso niya dahil hanggang ngayon, kahit ngayong kasal na ito sa babaing mahal na mahal nito. Naroon pa rin sa puso niya ang nararamdaman para dito. Nasa loob pa rin niya, nakatago at unti-unti pang lumalago.
Nakapikit pa ring itinaklob ang braso sa mukha niya.
Kung sana'y kaya niyang pigilin ang damdamin gagawin niya. Pero hindi madaling damayan ang lalaki habang ang puso niya ay tinatraydor siya.
Paano na lang kapag hindi na niya kaya pang pigilin ang nararamdaman?
Paano na lang kung hindi na niya kayanin ang sakit?
Magiging madali pa ba ang lahat?
At paano kung malaman ni Elijah ang nararamdaman niya para rito?
Ano na lang sasabihin nito?
Manatili pa kaya ang magandang tingin nito sa kaniya bilang kaibigan?
Ang daming tanong pero wala siyang makuhang sagot. Hindi niya makita at maunawaan kung bakit at paano nangyari ang lahat.
"Diyos ko, ano po bang plano ninyo sa'min?" bulong niya habang nakapikit pa rin.
*****
"So, by tomorrow mag-i-start na kayong i-check lahat ng files and documents ng mga bata. Kung may mga kailangan pang hingin sa mga parents na mga documents, communicate them as soon as possible..."
Nasa gitna ng meeting sina Hairah at ang buong faculty pero iba ang nasa isip niya. Mahaba at marami pang sinabi si Mrs. Sales tungkol sa darating nilang School Forms Checking at pati na rin sa darating na graduation pero tila lipad ang utak niya. Nakatingin siya dito, naririnig niya ito, pero walang pumapasok sa utak niya.
Natapos ang meeting at nakabalik na si Hairah sa classroom niya pero wala pa rin siya sa sarili. Nagsisimula na siyang magligpit ng gamit ng biglang pumasok sa loob ng classroom si Miss Annie.
"Hindi ka pa uuwi?" nakangiting tanong nito nang makapasok sa loob ng classroom. Tumigil ito sa harap ng mesa niya at umupo sa monoblock na nasa tapat ng table niya.
"Liligpitin ko lang po ito," may pilit na ngiting tugon niya. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa biglang pagsunod nito sa kaniya.
Ilang sandali siyang tinitigan nito bago muling nagtanong, "Is everything okay?"
She bit her lower lip. Hindi siya nagkakamali nang sapantaha kung bakit sumunod sa kaniya si Miss Annie. "I think so," she murmured as she shrugged her shoulder.
Hindi na ito nagsalita at sa halip ay inilibot ang tingin sa buong classroom niya. Dahil Grade one ang hawak niyang mga estudyante, kailangang makulay, maganda at nakaka-engganyo sa mga bata ang paligid. Halos mapuno ang dingding niya ng mga bulaklak, cartoon characters, framed verses at ibang disenyo na personal niyang ginawa.
Tumigil ang tingin ni Miss Annie sa malaking bulletin board niya kung saan nakalagay ang art work ng mga bata. May disenyo ang bulletin board na tila vines sa buong gilid kung saan nakadikit ang mga bulaklak na may matitingkad na kulay.
"Ang ganda mo talagang gumawa. Iniisip ko noon, kaya siguro hindi ko masiyadong pinangatawanan ang pagiging guro ko ay dahil hindi ako ganoon ka-creative," naiiling ngunit may kakaibang ngiti sa labi na komento nito.
Ayon sa kwento ni Miss Annie, bago pa nila ito maging Guidance Counselor ay nagtuturo din ito. Hindi nga lang nagtagal at tumigil ito. Sinubukan nitong mag-iba ng linya at hanapin ang mas gusto sa buhay. Ilang taon itong nasa ibang bansa hanggang sa pagbalik nito ng Pilipinas ay pumasok muli sa isang Bible School, nag-counsel sa mga kabataan, sumama sa iba't ibang mission para magturo ng Gospel. Ilang taon nang ulukan itong bumalik sa pagtuturo ngunit tumanggi muli ito. Matagal-tagal rin bago ito napapayag na bumalik sa paaralan. Inilagay ng board member ito as Guidance Counselor nila. Hindi lang para sa mga bata kundi pati na rin sa kanilang mga guro.
Miss Annie's life was an open book. Marahil paraan nito iyon para turuan ang ibang tao na lahat ng tao ay may pinagdaraanan. Lahat ng tao ay dumaraan sa proseso, at hindi dahil wala kang nakikitang nangyayari sa buhay mo ngayon, hindi ibig sabihin wala ng sense ang buhay mo. At marahil, sa mga oras na ito ay siya ang posse nito.
"You're creative in your own way, Miss Annie."
Nangingiting nilingon siya nito. "Yeah. Kung matatawag bang creativity 'yong nag-drawing ka ng stick man at kahit gumamit ka ng ruler tabingi pa rin."
Bahagya siyang napabungisngis sa sinabi nito. "Well, for me it is still an art to be appreciated."
"Right." Sumandal ito matamang tinitigan siya. "Just like a small problem. No matter how small the problem is, it is still a problem. Now, tell me, what's going inside your head, Hairah?"
Natigilan siya sa ginagawa at walang naggawa kundi ang matulala rito. Mukhang hindi siya makakaligtas sa matatalas na mga mata ni Miss Annie. And for sure, this time, hindi na siya palalagpasin nito.
"Wala namang problema, Miss Annie." Ayaw niyang magsinungaling pero hindi rin madali para sa kaniyang sabihin kung ano ang nasa isip.
"Hairah, you're not on yourself the whole day. I can see it. Ilang beses akong nag-rounds maghapon at tulala ka." Sandali itong tumigil sa pagsasalita at lalong tumiim ang tingin nito sa kaniya, na para bang sinusubukan nitong basahin ang laman ng isip niya sa pamamagitan lang nang pagtitig. "Siguro makakapagsinungaling ka at makakapagtago ka ng nararamdaman mo mula sa mga bata, pero hindi sa amin."
Naumid ang dila niya sa sinabi nito. Gusto niyang sabihin na 'wag itong makialam sa buhay niya. Ngunit iyon ang dating Hairah. She had changed, and she understood that Miss Annie was just concern to her.
In some ways, Miss Annie knew her better than she could...
It was no doubt, because she was the one who helped her get better.
"I... I don't know..."
"Ayokong isipin mo na nakikialam ako sa buhay mo. Wala rin akong balak manghimasok. Ang gusto ko lang ay ipaalala sa'yo na kung may mga bumabagabag sa isip mo. Idaan mo sa panalangin at sabihin mo sa Kaniya." Puno ng pang-unawa at concern ang mukha at tinig nito habang nakatingin sa kaniya. "And, you know, lagi kaming handang makinig sa lahat ng hinaing mo… o ng iba pang mga guro.”
She nibbled her lower lip, unable to say something.
"I..." She swallowed. It wasn’t easy.
"It’s fine. Kapag handa ka na, alam mo kung saan ako pupunt—”
Tinitigan niya ito. "I'm still weak. Hanggang ngayon, mahina pa rin ako," mabilis niyang ani rito.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Lahat tayo ay mahina, lahat tayo ay walang magagawa kung wala ang Lord... Kaya nga kumakapit tayo sa Kaniya. Hindi nga ba’t Siya ang kalakasan nating lahat."
"I know. Pero..." Tumigil siya ng pagsasalita. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag na kaya siya nagkakaganito ay dahil sa isang lalaki.
Lalaki na pag-aari na ng iba.
Isang lalaking gusto niyang damayan at samahan pero natatakot siyang masaktan. Natatakot siyang dumating sa punto na baka maging mali na ang dahilan niya, pati na ang ginagawa niya.
"Kapag ang puso'y nagkaroon nang pag-aalinlangan, nagkakalamat ito. At kapag hinayaang lumaki, unti-unti ay kakainin ka nito hanggang sa sarili mo na ang maging kalaban mo..." nagpapa-alala ang tinig na ani Miss Annie.
Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita, "I like someone. I really, really like him. I never knew na lalago ito ng ganito to the point na hindi ko alam kung makakaya ko pang pigilan."
Tumigil siya sandali at tiningnan ang ekspresyon ng mukha nito.
Nanatili itong kalmado at may nakakaunawang-tingin sa kaniya. Tila ba sinasabi nitong normal lang ang lahat. Lahat ng tao ay dumadaan sa ganiyan. "Tell me, why you have to uphold your feelings?" she gently asked.
Hindi siya kaagad nakasagot. Isa pa ito sa ipinag-aalala niya. Natatakot siyang mahusgahan.
"He's taken..." she answered quietly.
Bahagyang kumiling ang ulo ni Miss Annie na tila ba tinatantiya ang mga sinabi niya. Alam nito kung gaano siya kailap sa mga lalaki. Wala rin siyang nababanggit na kahit sinong lalaki na nagugustuhan niya.
"Is he going to marry or—”
"He's actually married," she cut her off abruptly.
Napansin niya ang bahagyang pagbabago ng kislap sa mga mata nito. Alam niyang hindi siya pag-iisipan kaagad nang masama ni Miss Annie at hihintayin siya nitong magpaliwanag, ngunit tao lang ito at hindi niya masisisi kung anuman ang maaaring isipin nito kaya kaagad siyang nagsalita muli.
"And he's in doom. He lost his baby and his wife was dying. Gulong-g**o ang isip niya. I'm trying to help by enlightening him. I shared some words of God. Hindi ko akalaing masusundan pa iyon at tila masusundan pa muli. Napapalapit ako sa kaniya at natatakot akong lumalim ang nararamdaman ko... Gusto ko siyang tulungan, damayan, iparamdam na hindi siya nag-iisa pero natatakot ako." She closed her eyes tightly, trying her best not to cry. "God knows what I felt for him, and He also knows that all I want is to glorify Him. Pero nahihirapan ako… nasasaktan ako…"
Ilang segundo ring dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Naimulat niya ang mga mata nang maramdaman ang paggagap ni Miss Annie sa mga kamay niya.
"When I saw him in despair, nasaktan ako. Hindi ko na naisip ang mga maaaring mangyari. I just left him with some words of encouragement, not knowing, hahanapin niya ako," she started then told Miss Annie about the green sticky notes.
"Maybe you trigger something. You told me before; it's a word of God. And there's no greater encouraging word than His words."
“But it hurts…”
"You love him that's why it's hurt." Miss Annie smiled. "Ayaw mong maramdaman niya ang mga bagay na minsan mo nang pinagdaanan. Sinusubukan mong palakarin siya sa daang dinaanan mo para makaalis sa sakit na meron siya ngayon. Pero alam nating hindi madali iyon. Hindi magiging madali ang lahat. We have to keep on praying for his wife, for his heart and of course, for yours also."
"Gusto ko siya kahit may may asawa na siya. Masama ba ako?" may pait sa tinig na tanong niya dito.
Nakita niya ang pagkunot-noo nito. "Masama? You know better, Hairah. True righteousness isn’t just about what we’ve done, what we didn’t do, or what are we going to do. True righteousness is in believing and trusting that Jesus has the power to cleanse us from all sins.” Muling lumabot ang ekspresyon ng mukha nito. "Isa sa mahahalagang utos na huwag nating pagnasaan ang hindi naman sa atin. Huwag nating hangarin ang mga bagay na pag-aari na ng iba. Pero ito ang tandaan mo, magkaiba ang pagmamahal sa pagnanasa at paghahangad. Don't mistake love with l**t. Nagiging mali at kasalanan ang isang bagay kapag nagiging mali na ang paraan at ang dahilan. Kapag gumagawa ka na ng mga bagay na hindi na dapat. Hindi ako nakakatiyak kung kailan ka nagsimulang mahalin siya at wala ako sa lugar para humusga. Pero isang bagay lang naman ang dapat mong linawin sa sarili mo. Tinutulungan mo ba siya dahil gusto mong mapalapit sa kaniya o dahil gusto mo siyang tulungan?" Titig na titig na mahabang pahayag nito sa kaniya.
Sinalubong niya ang mga tingin nito bago umiling. "No. I… honestly… thought of that pero hindi ko kayang gamitin ang pagkakataon... All I want to do is to help him, to help them." At totoo iyon. What she felt for Elijah was too much, but this time, all she wanted was to see him happy.
"Hindi madaling pigilin ang puso kapag nagsimula na itong tumibok para sa isang tao. At kung minsan, hinahayaan na magmahal ka sa isang tao na hindi na dapat upang subukin ang katatagan mo, lalo't higit ang pananampalataya mo."
“Miss Annie…”
"He came to you, because he thought that you can help him more than anyone else. It’s your turn to open his eyes, for him to know that more that anyone else in the world—God's arms are always the best place to turn to."
"Paano kung..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin. Hindi niya maiwasang pagdudahan ang sarili.
Naging malamlam ang mga mata ni Miss Annie na nakatitig sa kaniya. May kakaibang kislap doon pero hindi niya mabasa at maunawaan. "Nahihirapan tayong tumulong kapag nangingibabaw ang emosyon sa puso natin. Still remember that?" Tinitigan siya nito nang matiim bago nagsimula muli ito sa pagsasalita. "To fully serve others, we have to forget ourselves. Alam kong hindi ito ang turo ng mundo, pero paano ka makakatulong sa kapwa mo kung may takot at pag-aalinlangan sa puso mo? Paano mo ipaparamdam sa kanilang may halaga sila kung ikaw mismo hindi makita iyon? Alam kong nahihirapan ka dahil sa sitwasyon ninyo, lalo na dahil sa nararamdaman mo. But if you really wanted to help, then you have to forget what you feel for him. Hindi madali pero walang imposible kung iiwan mo lahat sa Lord."
Napalunok siya. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Kakayanin ba niya? Ang makita nga lang ito halos hindi na siya mapakali.
“Hindi ko alam ang gagawin ko o kung tama pa ba ang ginagawa ko," nahihirapang aniya.
May nakakaunawang ngiting bumitaw ito sa kaniya bago tumayo. Lumapit ito sa maliit na shelves niya ng mga libro at muling lumapit sa kaniya. "You can show him the way. Lead the first few steps, and let him do the rest." Ibinaba nito sa harap niya ang Bible. "Or do it the other way around.”
Napatingin siya dito. "Are you telling me na ilalapit ko siya sa iba pang pwedeng makatulong sa kaniya?" bulalas niyang tanong.
“Ang Lord lang ang makakatulong sa kaniya. But then, the Lord loves to work through different ways and people. He’s a creative God.” Sandali siyang tinitigan nito, tumaas ang kamay nito at isinumpit ang hibla ng buhok niya sa likuran ng tenga. “You leave. Someone may lead him, but it will be different for him and of course, for you."
Natilihan siya sa sinabi ni Miss Annie. What does she mean?
Bakit tila may kirot sa loob ng dibdib niya? Bakit parang ayaw ng puso niya? Dahil ba hindi niya na ito makikita at makakausap kapag nangyari iyon? O dahil ngayon pa lang binigo na niya ito?
"Nasa sa'yo pa rin ang desisyon. Take it or leave it. Ngunit, Hairah, mas mahalaga pa rin na hilingin natin kung anong nais ng Diyos dahil mas higit Niyang alam ang dapat gawin." May kislap ng lungkot sa mga mata nitong nakatingin sa mukha niya bago tumungo sa kabilang pisngi niya ang isang kamay nito.
“This is the second time I saw you shed tears… The second time…”
Hindi niya napansin na lumalandas na sa pisngi niya ang mga luha niya. Nasalubong niya ang malungkot ngunit puno nang pang-unawang mga mata nito. Ngumiti ito bago muling nagsalita, "Alam kong alam mo kung hanggang saan ka lang dapat, Hairah."
Alam kong alam mo kung hanggang saan ka lang dapat, Hairah.
Napakurap siya rito kasabay nang paulit-ulit na pagsasalita ng tinig sa tenga niya.
Alam kong alam mo kung hanggang saan ka lang dapat, Hairah.
At bago pa niya napigilan ang sarili, naisubsob niya ang mukha sa dalawang palad at tahimik na lumuha. Naguguluhan siya. Hindi niya alam ang dapat gawin. Kung sana lang hindi sila nagkalapit. Kung hindi niya sana iniwan ang verse na iyon hindi mangyayari ito.
Pero kung hindi niya ginawa iyon, para na rin niyang hinayaan itong makulong sa sariling kalungkutan.
Oh Lord, tell me what I have to do?
*****