Chapter Twelve

2944 Words
"The world needs someone they can admire from a distance; from a very far distance." - Michael Bassey Johnson Elijah tapped his data on, and the moment it opened, notifications' alert tone beeped continuously. One of those notifications was Elijah and Yannie's memories. Two years ago, they went to Ilocos together. They went to different tourist spots there, and spent two weeks there with each other. That was one of their firsts and one of the bests. Tiningnan niya isa-isa ang picture nila. Yannie still looked healthy and even more beautiful. Well, she's still beautiful in his eyes. She's still beautiful, kahit na nangingitim at nanlalalim na ang paligid ng mga mata nito. Maganda pa rin ito, kahit na unti-unti nang bumabagsak ang katawan nito at kahit maubos pa ang buhok na isa sa posibleng mangyari kapag nagpatuloy si Yannie sa kritikal na kondisyon. Para sa kaniya ito pa rin ang pinakamagandang babae. "Ibang-iba pa si Yannie diyan." Tumabi sa kinauupuan niya si Neil. "Yeah." "Pasensiya ka na, p're. Hindi kita napuntahan noong makalawa. Nabalitaan ko 'yong sinabi ng doctor about kay Yannie. Hindi ko man lang kayo nasamahan." Naramdaman niyang tinapik-tapik siya sa balikat nito. Matalik na kaibigan niya si Neil simula pa noon, kahit pa marami ang nagsasabi na napakalaki nang pagkakaiba nila. Easy-go-lucky, takaw-g**o at napaka-playboy nito noon. Kung babalikan ang panahon noong nag-aaral pa lang sila ay para bang malabong maging matino itong pulis at walang magiging magandang direksyon ang buhay nito. Pero ngayon, ibang-iba na ito at unti-unti'y tumino na ito. Hindi nga lang nawawala ang kung minsa'y pagiging bolero at maloko. Panahon nga lang marahil ang nakakapagsabi kung kailan nagbabago ang mga bagay-bagay. "Okay lang yun, p're," wala sa loob na aniya, nakatingin pa rin sa screen ng cellphone niya. Wala sa loob na bumalik sa alalala niya ang ginawang paglapit kay Hairah. He was so desperate. Pakiramdam niya pinagtaksilan siya ng buong mundo at marahil 'yon ang nagtulak sa kaniya para dito lumapit. Sa tingin niya'y hindi naman siya nagkamali. She knew the right words. Nasasaktan at naguguluhan pa rin siya. But, Hairah has this soothing and comforting ability. May kakaiba sa dalaga na nagawa nitong bawasan ang bigat ng dibdib niya. Ang kalmadong presensiya nito'y tila isang malamig na haplos sa dibdib niya. Unang beses pa lang niya itong nakausap ay magaan na ang loob niya dito kaya hindi na siya nagtaka kung parang hinila ang mga paa niya patungo rito. "Pare..." Napapitlag siya ng maramdaman tinapik muli siya ng kaibigan sa balikat. "Oh?" Napakurap siya at sinulyapan ito. "Sabi ko kailan ba maaprubahan ang leave mo?" ulit nito sa tanong kanina bago wala sa loob na napailing. "Wala ka na naman sa sarili mo?" "Hindi ko rin alam," tugon niya. "Nahihirapan akong kumuha ngayon." Isa pa iyon sa problema niya. Nakailang absent na siya noong nakaraan dahil sa pagkakasakit ni Yannie. Ngunit matapos sabihin ng doctor na mas lumala at bumilis ang pagkalat at paglaki ng cysts sa katawan nito, ang gusto niya'y palagi na itong makasama. Hindi maipaliwanag ng mga doctor kung paanong nangyari iyon gayong patuloy ang check up at gamutan. Sa kabilang banda, umaasa pa rin siya na magkakaroon ng himala at bigla na lang gagaling si Yannie. "Mahihirapan ka nga niyan," anito bago sumasandal sa kinauupuang. Tumingala ito sa madilim na langit. Katatapos lang nilang mag-ronda at naghihintay ng reliever nila para makabalik sa station. Bumalik ang buong atensiyon niya sa cellphone nang muling tumunog ang notification alert tone niya. Hairah Esther Herrera accepted your friend request. She finally accepted, he whispered in his mind. He tapped on her profile and out of curiosity, stared at her profile picture. It appeared that she was standing in an elevated area. Her background was a wide greenery landscape of huge mountains and vast blue sky as she smiled from ear to ear while she was leaning on a metal railing. The wind was blowing her long ebony hair away from her face. She's wearing a white turtleneck under the long-sleeve navy blue cardigan and white pants. She looks simple, yet beautiful in her own way. She's not that stunning, but her innocent shy face gave her something, something shining that made her looked beautiful. "Ehem!" dinig niyang tikhim ni Neil. Hindi niya ito pinansin at sa halip ay tiningnan ang timeline ni Hairah. "Si Miss Ganda iyan, ah." Dumasik sa tabi niya si Neil habang pilit nakikisilip sa cellphone niya. Hindi siya muli nagsalita at itinuon ang pansin sa timeline ng dalaga. Halos puro Bible verses ang post nito samantalang ang mga pictures ay halos tag lang ng mga kaibigan. "Close na kayo?" pangungulit pa ng kaibigan na may halong pang-aasar sa tinig. "Magtigil ka nga diyan," saway niya dito. "Nagtatanong lang naman," ngingisi-ngising ani'to. "Friends na kayo, ah, at mukhang hindi lang sa f*******:," makahulugang dugtong pa nito dahilan para lingunin niya ito. Sumeryoso ang tingin nito sa kaniya at nawala na ang pagbibiro. Hindi niya pinansin ang kakaibang tingin ng kaibigan. Wala siyang ibang tingin sa dalaga kundi isang bagong kaibigan. Para sa kaniya, para itong anghel—isang anghel na walang pakpak at handang tumulong kahit kanino. Nanatiling tahimik si Neil at nang muling magsalita ito'y seryoso na ang tinig. "Nag-text ako kina Bernard, hindi ka raw pumunta sa kanila nang malaman mo ang kondisyon ni Yannie. Umalis ka na lang daw basta pagdating hapon sabi nina Tita Ellen. Pare, wag mong sabihing..." Hindi na nito itinuloy ang bagay na obvious na ang sagot. "I went to her," he confirmed. Tumigil siya sa pagsasalita at pinatay ang cellphone. "Pakiramdam ko ang unfair ng mundo. Alam kong hindi tama pero pakiramdam ko'y may mga sagot siya sa mga tanong ko... Gulong-g**o na ang isip ko ng mga oras na iyon. Hindi ko na naisip kung anong maaaring mangyari," pagpapaliwanag niya sa kaibigan habang nakatanaw sa madilim na langit. "Hindi ba siya nagulat o nagtaka man lang?" kapagdaka'y tanong nito. Umiling siya. "Ang totoo, hindi ko na halos naisip kung anong mararamdaman niya. Basta nang makita niya ako kahapon, hindi na siya nagtanong. Walang salitang hinayaan niya akong magkwento at nakinig siya sa lahat nang mga sinasabi ko." Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng hiya kapag naaalala ang nangyari ng hapong iyon. Mariin siyang napapikit at muling nagmulat nang maalala ang mga nangyari. "D*mn, Neil, ni hindi siya nagalit noong halos parang sa kaniya ko na isinisisi ang mga nangyayari," frustrated na aniya at tumayo. "Darn, I have to say sorry to her," he added while raking his fingers on his hair. "Makikipagkita ka uli sa kaniya?" Sinulyapan niya ito. "Nadala ako ng emosyon ko. I let my guard down that day. Baka may nasabi akong—" "Baka lang p're," tahimik na putol nito sa mga sasabihin niya. "Sa'yo na nagmula na hindi siya nagalit man lang. I think everything is fine. Sa tingin ko, you should leave her alone." Sumeryoso lalo ang tingin at tinig nito habang matiim na nakatingala sa kaniya. Napakunot-noo siya sa tinuran at ginawi ng kaibigan. Mabibilang ang panahong nagiging ganito ito. "Dalaga siya at may asawa kang tao, Elijah. Let alone, nasa ganoong  kalagayan pa si Yannie at hindi magandang tingnan kung makikita kayong madalas na magkasama." Tumigil ito sa pagsasalita at tumayo upang harapin siya. "Kilala ka ng mga tao dito at tiyak ganoon rin siya, at hindi makakabuti iyon." "We are not doing anything wrong," he said instantly. "Alam ko, kilala kita at alam kong malinis ang intensiyon mo nang lumapit ka sa kaniya. Pero ipapaalala ko lang sa'yo, magkakaiba ang tingin ng mga tao. Maaaring sa atin, sa inyo'y walang kaso, pero paano sa iba? Sabihin na nating hindi mahalaga ang sasabihin ng iba pero lalaki ka, pare, husgahan ka man nila, sooner later lilipas iyon. Ngunit paano siya? Dalaga siya't isang guro, papayag ka bang husgahan siya ng wala naman siyang nauunawaan sa nangyayari?" mahabang paliwanag nito. Napakuyom ang palad niya sa mga sinabi nito. Hindi niya naisip ang mga bagay na iyon. Hindi niya naisip dahil simula't sapul ay wala siyang ibang tingin sa dalaga kundi isang pangkaraniwang babae at isang bagong kaibigan. And no way in his life na ipagpapalit niya ang asawa. Ngunit alam niya ring hindi magsasalita ang kaibigan ng ganito kung wala itong pinaghuhugutan. "Tell me, paano mo nasasabi ang bagay na iyan?" hamon niya dito. Nagkibit-balikat ito. "Pulis ka't pulis ako, sa lugar na ito naririnig natin at nakikita ang lahat. Kusang lilipad ang balita papunta sa atin kaya habang maaga pa at wala pang nililikhang apoy, mag-iwasan na muna kayo. Sa tingin ko naman, natulungan ka niya kahit papano." Nagtiim ang baga niya kasabay nang pagkuyom ng kamao. Hindi man lang niya naisip ang pwedeng maging bunga ng mga pangyayari  ngunit mas lalong hindi niya inasahan ang pagguhit nang kirot sa dibdib niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya gustong mapasama si Hairah. Tiningnan niya ang kaibigan. "What make you think of this?" he asked again, desperate to know why in the world he was saying those. "I'm just putting the possibility," he simply said. That kind of Possibility was the last thing he needed now. And truth to be told, Neil has a point. ***** Let the Bible do the work. Please, God, I know you're doing something for him. Kanina niya pa isinasaisip ang mga salitang iyon. Hindi maiwasan ni Hairah na hindi makaramdam ng kaba lalo pa at kung saka-sakali ay iyon na rin ang huling pag-uusap nila ni Elijah. Hindi madali, pero hindi rin ganoon kadali para sa kaniya ang ginawa niyang desisyon. Tumingin siya sa puting relong nasa palapulsuhan niya. Limang minuto bago ang mismong oras ng tagpuan nila ni Elijah sa parehas na lugar kung saan sila unang nagkausap. Pakiramdam niya'y napakabagal nang pagtakbo ng bawat segundo at minuto. At tila may bumubulong sa kaniya na pwede pang magbago ang desisyon niya. Malungkot siya at pagkakataon mo nang mapalapit sa kaniya. Pinalis niya ang isipin at pinakalma ang sarili habang nakatitig sa semento. "Hey..." Napatunghay si Hairah nang marinig ang pamilyar na tinig na ni Elijah. "Hi," may alanganing ngiti sa mga labing bati niya. Bagama't may mumunting kiliti sa puso niya nang mapagmasdan ang maganda nitong ngiti ay pilit niyang isinantabi iyon. Nakangiting lumapit ito sa kaniya at sinamantala ni Hairah na pagmasdan ito. Elijah was wearing white tight polo shirt that fitted nicely on his chest, pair of denim pants, and a pair of black loafers. Sa kanang kamay nito ay may bitbit itong kulay puting paper bag. "Kanina ka pa?" tanong nito nang tuluyang makalapit. Marahan siyang umiling. "Hindi naman, mas maaga lang akong nakalabas kaya nauna ako ng konti." Pagkagaling niya sa school ay dumiretso na siya sa simbahan. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit kaya hanggang ngayo'y suot niya pa rin ang uniform niya. Tumango-tango ito. Nanatili itong nakatayo sa harap niya habang nakatingin sa kaniya. Nakatitig ito sa mukha niya na para bang may kung anong iniisip ito. Hindi niya mapigilang hindi kabahan kaya para alisin ang tensyon sa pagitan nila'y pinili niyang magsalita. "Kumusta ka?" tanong niya. "Heto, pilit inuunawa ang mga nangyayari. Yannie is still in the hospital. Wala pa siyang alam sa mga sinabi ng doctor at hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin," may pait sa tinig na sagot nito. Pilit itong ngumingiti ngunit hindi maikakailang may kalungkutan pa rin na nakalambong sa mga mata nito. "Alam kong hindi madali." Iniiwas niya ang tingin dito. Hindi niya mapigilang mapangunahan ng mga emosyon niya. "Marahil iyan na ang isa sa pinakamahirap na sitwasyon ngunit sa tingin ko'y malalaman at malalaman niya din iyon. Sa'yo man magmula o hindi, kahit walang magsabi sa kaniya ay kusa niyang mararamdaman iyon." Hindi niya ibinalik ang tingin rito pero dama niya ang pagtensyon ng katawan nito. Her body was betraying her. Geez. She had to end this. Binuksan niya ang bag at inilabas ang Bible mula sa loob. Dama niyang pinagmamasdan siya nito. Tumunghay siya at iniabot niya dito ang aklat habang pilit iniiwas ang tingin mula rito. "I want you to have this. Mas marami siyang dalang sagot kesa sa akin, handy at pwedeng dalahin kahit saan. Ipinili kita sadya ng medyo cute size." Pinilit niyang pasiglahin ang tinig at bawat galaw kahit sa loob ng puso niya ay dama niya ang kahugkangan. Napilitan siyang salubungin ang mga mata nito nang hindi nito inaabot ang aklat. Napansin niya ang pag-aalangan at pagtataka sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya. "Baka maging busy ako lalo na ikaw, kailangan mong palaging bantayan ang asawa mo. Basahan mo rin siya nito palagi. Ang pagbabago ng puso at paglalagay kay Jesus sa puso ay higit pa sa kung anong buhay meron tayo dito. If you need help or someone to lean on, I'm still willing to. Just call or say so, maraming taong pwedeng tumulong sa'yo." Tumingin ito sa libro bago sa kaniya. "Why I have this feeling na huli na ito?" may kung ano sa tinig nito na hindi niya maunawaan iyon. Ang higit niyang ipinagtataka ay may sakit na hatid ang mga salita nito. "I'm not going to say it will. Handa pa rin akong makinig sa'yo. Anytime. But, learn to trust God, lean unto Him, and have some quality time with Him. Ang sagot Niya ay higit pa sa mga tanong na meron ka. Hindi madaling maunawaan pero mahalagang magtiwala ka lang." Napipilitang inabot nito ang Bibliya mula sa kaniya. "Look, I want to apologize if—" "Wala kang dapat ihingi ng paumanhin," sansala niya sa mga sasabihin sana nito. "Kung anuman ang iniisip mo, kalimutan mo na iyon. Ituon mo ang isip mo sa ibang mas mahalagang bagay.” Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Well, I have to go," nakangiting saad niya dito. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagtataka at tila munting disappointment sa mukha nito. But she was on the roll to walk away from him as possible as she could before her body betrayed her. "Masaya akong makilala ka. May God always be with you." "Kailangan mo na ba talagang umalis?" mabilis na tanong nito. Manatili ka. He needs you. Muli'y may kakaibang siglang hatid ang mga salita nito pero pilit niyang inignora ito. "Sa ngayon marahil... Kung darating ang oras na naguguluhan ka... Nakatitiyak akong maglalaan ang Diyos ng taong magpapaunawa sa'yo. Marami Siyang paraan, magtiwala ka lang sa Kaniya." Isinakbat niya na ang bag. Laglag ang balikat na tumango ito. "I see. Hindi na kita pipigilin pa. I cause you too much trouble, but before you leave, please accept this." Nakauunawang anito sabay abot sa kaniya ng paper bag. Umiling siya. "Sorry but—" "Sorry, too, but no more but’s. This time, I won't accept no for an answer." At sa gulat niya ay kinuha nito ang kanang kamay niya at inilagay doon ang handle ng paper bag. "Whether you like it or not, you have to accept it." Nagpalipat-lipat ang tingin niya mula sa paper bag patungo dito."I'm not asking for anything in return," she whispered at him. "I know. But, please, I want you to accept this. Just think this as a token of our friendship," he said while he forced a small grin. "Elijah..." "Please, Hairah," he begged as he held her hand. Tuluyan na niyang kinuha ang bag. "Okay. Thank you, Elijah," she whispered as he let her hand go. He let her hand go, but it seemed that he still had her heart. "So, I think it is a good bye," she continued, her eyes on him. "For now," he corrected. "We'll see each other again." That's a statement, no further words. Tumango siya kahit ang totoo ay hindi din siya nakakatiyak. Gusto niyang lumayo na muna dito pero alam niyang impossible dahil nasa iisang bayan lang naman sila. Pinili mo ang daang iyan. Mas masasaktan ka lang. Naroon na naman ang doubt pero bago pa siya talunin ng sariling isip, isang ngiti ang iniwan niya rito at mabibigat ang hakbang na naglakad paglayo. Mabigat sa loob niya pero isang bagay lang ang natitiyak niya, gaano man katagal, dadalahin niya ang alaala ng maikling panahon ng pagkakaibigan nila. Siguro, magiging masaya na lang siyang tanawin ito sa malayo. Umaasang magiging maayos muli ito. ***** "She already left." Nanghihinang naupo si Elijah sa bench. Hindi niya maunawaan pero biglang bumigat ang dibdib niya. There was something inside him turned bigger as he watched her walked away. "Yeah, I saw her walking outside." Naupo rin sa tabi niya si Neil. "Wala akong nasabi sa kaniya," frustrated na aniya sa kaibigan. "Siguro, mas makakabuti kung ganoon na lang. Just leave her for a while." "I think it's more than a while," he muttered, aiming his gaze at the trees in the yard of church. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. "Why?" curious na tanong ng kaibigan niya at kahit hindi siya lumingon ay alam niyang nakakunot ang noo nito. "Para siyang namamaalam kanina. She even gave me this." Ipinakita niya ang kulay green na Bible. Mahigit isang dangkal ang haba nito pero mas makapal. "Hindi kaya pastora siya?" tanong ni Neil. Nilingon niya ang kaibigan at sinamaan nang tingin. "Why? Hindi pa ba obvious?" may nagbibirong tanong nito. "Stop fooling around," he said, and bumped his shoulder to him. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis at hindi niya maunawaan kung saan nagmumula iyon. "Eh, bakit ba?" "Tss. Never mind," he groaned then stood and walked away. May pagkakataon talaga na napakatinong kausap ng kaibigan niya pero mas madalas na walang sense kausap ito. Hindi niya talaga alam kung paanong naging kaibigan niya ito. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD