Chapter Nine

2371 Words
“A clear and innocent conscience fears nothing…” Elizabeth I Hindi pa sumasapit ang alas-singko ng umaga ay maririnig na sa buong paligid ang malakas na kalembang ng kampana mula sa simbahan. Tumataginting ang kampana kasabay ng malakas na pag-ihip ng malamig na hangin. Tiningala ni Elijah ang kalangitan na may mangilan-ngilan pang bituin na tila sumasayaw sa musika ng simbahan. “Papasko na nga, pare,” komento ni Troy na katabi niyang nakatayo sa labas ng police cruiser. Sinulyapan niya ito at napagtantong nakahalukipkip ito. “Wag mong sabihing nilalamig ka?” “Totoy pa kasi,” pang-aasar na sabat ni Bernard. Pinandilatan ito ni Troy na tumuwid ng tayo at inalis ang pagkakahalukipkip. Dalawang araw na lang at patapos na ang Misa de Gallo kaya mas lalong dumarami ang sumisimba ng madaling-araw. Nag-park sila hindi kalayuan sa simbahan kung saan tanaw din nila ang maliwanag na liwasan. Maraming Christmas light na nakasabit sa bawat puno. Iba’t ibang kulay, hugis, at disenyo na kahit saang bahagi tingnan ay nakakaengganyong pagmasdan. Dumagdag pa ang ilang talampakang Christmas Tree na napapalibutan ng kumukuti-kutitap ng mga pailaw. Walang gasinong tao pa sa paligid maliban kina Elijah at sa dalawang kasamahang pulis. May dalawang HPG naman na nakatayo sa may gate ng simbahan.  “Sinong schedule na duty pala sa Pasko?” tanong ni Bernard. “Basta hindi ako. Off ko iyon,” pagmamayabang ni Troy. “Ikaw, Elijah?” “Wala rin,” tahimik na sagot niya habang pinagmamasdan ang paggalaw ng mga hugis-usang ilaw na nakapaikot sa malaking Christmas tree. “Kumusta pala si Yannie?” bantulot na tanong ni Bernard. “Mas maayos na siya ngayon. Iyon nga lang, mas maraming gamot na ibinigay ang doctor niya ngayon,” may matipid na ngiting aniya at nilingon ito. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga salita ng doctor. The result shows the signs of Choriocarcinoma. Ito ang naging tugon ng doctor ni Yannie sa kanila. It’s a rare yet aggressive condition. It’s possible to happen with women who had miscarriage. What surprised the doctor was Yannie already had a D & C minor surgery, but it still happened. She laid down possible causes, but there’s nothing important for him than to save his wife. Nang malaman nila ang mismong kalagayan ni Yannie ay inalam kaagad nila kung anong maaring gawin. Handa silang gawin ang kahit, gumastos kahit magkano para lang bumuti ang kalagayan ni Yannie. “Hanga talaga ako sa’yo. Mabuti at napapagsabay mo pa ang trabaho at ang problema sa bahay.” Tinapik siya ni Bernard sa balikat. “Kung hindi lang naming alam, hindi namin maiisip ang sunod-sunod na problemang pinagdadaanan ninyong mag-asawa.” “Kung ako iyan, naku… ewan ko na lang,” nailing na komento ni Troy. “Nasasabi mo lang iyan ngayon dahil wala ka pang asawa. Kapag nasa posisyon na kita, magugulat ka na lang sa kaya mong gawin.” “Malabo, Elijah,” nakataas ang sulok ng labi na wika ni Bernard. “Anong malabo?” tanong niya kahit alam na niya kung saan patungo iyon. “Malabong magka-asawa iyan. Torpe kas—” “Sira! Puro ka kalokohan!” Natatawang naiiling na lang siya sa dalawang kasamahan na halos itinuring na rin niyang mga kaibigan. Halos kaedad niya lang si Bernard pero hindi niya ito kagayang sa bayang iyon nagkaisip, lumaki, at nagkatrabaho. May tatlong taon pa lang simula ng madestino ito sa bayan nila. Si Troy naman ay mas bata sa kanila ng tatlong taon pero dahil sa taglay na pagiging kengkoy ay madaling nakasundo nila. Abala pa ang mga ito sa pag-aasaran nang tumunog ang cellphone niya. Pasimple niyang sinenyasan si Bernard na binigyan siya ng isang tango. “Hello, love. Still awake?” bungad niya sa tumatawag. “I’m watching the online livestream of the mass, remember?” she murmured and even without seeing her he could tell that she was smiling. “Yeah.” He looked up at the church. It was also decorated with colorful lights. “Elijah?” “Yes, love?” he asked as his eyes trained at the two HPG opening the gate widely. She said something and he just kept on listening. As long as he could hear her sweet voice, that would be enough. ***** Isinakbat na ni Hairah ang sling bag sa balikat at tumayo. Umunang lumabas ang ina niya bago si Helena habang nasa likuran siya. Nang makalabas ng simbahan ay nilapitan niya ang ina. "Ma, una na po kayo. Ako ng bahalang bumili ng kakanin," baling niya sa ina. Hindi pa nakakapagsalita ang ina niya'y binalingan niya ang kapatid na babae. "Helena, sumama ka na kay mama pauwi." "Sige, ate," pagsang-ayon nito. "Basta ibili mo ako ng bibingka ha," pumipikit-pikit pang bilin nito sa kaniya. "Oo na," natatawang aniya dito. Naglakad na ang mga ito paalis habang naglakad naman siya patungo sa tindahan ng mga kakanin. Medyo makapal ang tao dahil sa dami nang bumibili. Sinubukan niyang maghintay na medyo lumuwag pero parang malabo pa iyong mangyari kaya nakipagsabayan na siya sa iba pang namimili. Pagkatapos niyang makabili ay umalis na siya at muling nakisabay sa dagsa ng mga tao na palabas ng gate ng simbahan. Five-twenty pa lang ng umaga pero kalat na ang mga sasakyan na marami ay pag-aari ng mga sumimba. Ito rin ang dahilan nang mabagal na pag-usad ng mga tao. Ilang segundo rin siyang naghintay hanggang muling nagsimulang maglakad ang mga nasa unahan niya. Sumunod siya sa mga ito at sa gitna ng daan ay naghiwa-hiwalay sila: may sumakay sa kani-kanilang sasakyan, may nag-aabang ng jeep, may papuntang bakery at may mga lumiban patungo sa kabilang kalsada. At ang huli ang daang tinunton niya. Lumiban na siya ng kalsada at nginitian ang isa sa HPG na kaibigan ng papa niya. "Magandang umaga, Ma'am," bati nito sa kaniya. "Tawid ka na." "Good morning din po. Salamat," nakangiting ganting-bati niya. Matagal din bago niya nakasanayan ang madalas na pagtawag sa kaniya ng 'ma'am'. Ilang beses man niyang sabihing 'Hairah' na lang ay ngiti at biro lang ang nakukuha niya. Pakiramdam kasi niya ay isa siyang executive sa isang malaking kompaniya samantalang simpleng babae lang naman siya. Kibit-balikat niyang nilagpasan ito at ibinalik ang tingin sa daan. Eksaktong pagharap niya sa unahan ay agad niyang natanaw ang pamilyar na bulto ni Elijah. Naka-uniporme ang lalaki, nakatungo at abala sa pagpindot sa cellphone habang mabagal na naglalakad patungo sa direksyon niya. Kumurap-kurap siya, nagbabakasakaling mali siya nang nakikita. Halos dalawang linggo na nang huli niyang makita ito. Ngunit dahil sa liwanag na nagmumula sa mga dekorasyong nasa gilid ng daan ay napatunayan niyang si Elijah nga iyon. Hindi pa ma'y tila pinapawisan na siya sa kaba sa kabila ng malamig na umaga. Bumagal ang paglalakad niya dahil tila bigla nanghina ang mga tuhod niya. Hairah, calm down! Get a grip. Remember, he's married. Her mind keeps on ranting. Nagdalawang-isip siya kung babatiin ito o lalagpasan na lang. Ngunit, dahil nauna ang pagkastigo sa sarili, pinili niyang mag-iwas nang tingin at magkunwaring hindi ito nakita. Gaya lang ng dati. Tama. Gaya lang ito ng dati. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa, pero hindi niya gustong ipagkanulo pa ang sarili at hayaang palalimin ang nararamdaman para dito. Napatunayan niyang tila lumalim ang nararamdaman niya para dito simula nang magkausap sila. Hindi niya ito nakikita pero palagi itong pumapasok sa isip niya. Patuloy siya sa paglalakad at ganoon din si Elijah. Habang humahakbang sila, lumiliit ang distansiya sa pagitan nila. Kabaligtaran sa kung ano ba talaga sila. Malayong-malayo sila sa isa't isa. Nagbaba siya ng ulo, nag-iwas nang tingin at binilisan ang hakbang ng medyo malapit na siya dito. Ngunit, tila naging isang malaking pagkakamali iyon. Sa gilid ng mga mata niya’y nakita niya ang pagtunghay nito at pagbaling sa kaniya. Patuloy siyang nagkunwari pero kahit hindi lubusang nakikita ito ay ramdam naman niya ang bawat titig nito. Hindi niya makita ang reaksyon nito pero batid niyang napansin siya nito. And to make things worse, he continued walking, now to her direction, making it hard for her to dodge him and feigned that she didn't see him. Malamig pero mas pinagpawisan siya ng malapot. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? "Hairah..." marahan at malumanay lang ang pagkakabigkas nito ng pangalan niya pero tila bolta-boltahe ng kuryente ang sabay-sabay na pumitik sa dibdib niya nang marinig ang tinig nito. Napapitlag siya kasabay nang pagtunghay rito. Hindi na tama ito. Bakit tila nagkakaroon ng sariling isip ang katawan niya kapag nasa malapit ito? Oh Lord, I need your help. Nagkasalubong ang mga mata nila at kakatwang sabay silang tumigil sa paglalakad, isang metro mula sa isa't isa. "H-hi..." nag-i-stutter na bati niya. Oh my! Heto na naman siya. He grinned at her. Based on his demeanor, he's doing great. She searched his face and pain was nowhere to be found. She silently thanked God while thinking how funny that after she saw Elijah’s smile, something inside her lifted up. "Uuwi ka na?" tanong nito at humakbang palapit sa kaniya. "Oo.” Tahimik na tumigil ito malapit sa kaniya, nananatiling nakatingin sa kaniya na tila ba may gusto itong sabihin sa kaniya. "Ahhm... Sige, mauna na ako," aniya rito bago akmang hahakbang na. "Wait," mabilis nitong pigil at sa pagkabigla niya, sa ikalawang pagkakataon, hinawakan siya nito sa may pulsuhan. At sa ikalawang pagkakataon rin, tila may kung anong mahika ang paglalapat ng mga balat nila na nagdala ng kakaibang kiliti at kilig sa puso niya. Bagay na alam niyang hindi niya pwedeng maramdaman para dito. Hairah, please! Stop it! "B-Bakit?" nag-aalangan niyang tanong habang nakatingala rito, diretsang nakatingin sa mga mata nito. Sumeryoso ito at maingat na binitawan ang kamay niya. "I don't know how should I put this... but... you know, I owe you a thank you." Napakunot-noo siya. "Para saan?" nagtatakang tanong niya. "For reminding of me something important," his voice gone quiet but warm. Muli niyang pinagmasdan ang mukha at mata nito. Wala na siyang makitang sakit mula roon at senyales iyon na talagang anumang problema ang pinagdaraanan nito ay naglaho na. Bumuntong-hininga siya at may ngiting hinarap ito. "Ang Lord ang dapat mong pasalamatan at hindi ako." "I know, but if you didn't put some sticky notes in my jacket," he stopped talking, and gave her a full smile with his eyes sparkling in glee, making her heart beats in a high pitch, "I wouldn't realize what I'm missing." She tried to relax her heart and gently nodded. "No worries." "Kung sakali man na kailanganin mo ng tulong, just tell me so para naman makabawi ako." "Don't mind it. Hindi naman ako humihingi ng kapalit. At isa pa, maliit lang na bagay ‘yung ginawa ko." "It's a big thing for me. You remind me of something na dapat hindi mawala sa isang tao. You remind me about having faith on Him, especially on the worst moment of our life." Even his voice seems to be at peace and calm, and it's soothing her insides. “You’re at peace,” she said softly. “It’s because you came at the right time.” Hairah blinked at his words. This is too much, her mind began to get alarmed. I can’t take this… Her throat felt tight while her view seemed to spin. She didn't imagine this. Elijah, talking to her on the roadside while everyone was loitering around. Some people were looking at them, some would look but didn't mind at all, and some just went around and didn’t mind either. In all of this, Elijah didn't care if someone saw them talking. It's fine with him even though everyone would see him with her, because he trusted her as a friend. As a friend... It’s because you came at the right time. She swallowed hard, pushing the lump that was making her hard to breathe. I came to be his friend… In no time, something inside her clenched that almost knocked her heart and senses. No, Hairah. Hairah's body stilled at the small voice that whispered at her ear. But she didn't listen to it, thinking it's her mind talking. She bit her lower lip, and let out a sighed. Elijah's eyes changed when she done that, but she didn’t care. Oh... Is it right? Don't let your heart burden you... She blinked at the sudden realization. Without thinking, she began talking; "Don't trust me too much," her voice were quiet. "Trust God, whatever happens. Trust Him. He knows better." For the first time and maybe for the last time, she lifted her hand and touched his upper arm. Something flashed in his eyes, but she ignored it. She gave him a light squeeze with a soft smile on her lips and said in a quiet tone, "Goodbye, Elijah. May God always be with you." Don't leave him, my child. Hairah silenced every thought inside her and without another word, she walked away. She felt him move, but she's on the go. She heard him called her, but she let herself lost in the crowd. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang inasta niya pero hindi na niya napigilan ang sarili. Don't trust me too much... Why are you thinking that? Warm tears trickled on her both cheeks, and once again, she halted her mind from drifting off, opposing every thought and voice inside her head. The gulit was too much. All of a sudden, while talking to him, she felt guilty. He looked at her as a friend. She's just a friend, and when you trusted that person as your friend, you should be a person that could be trusted. You may love that friend. Unfortunately, what she was feeling for him wasn't just a simple love for a friend. She had been in love with him for a long time, and that love kept on growing and growing. She kept on loving him even though he was married. And now, it felt too much and it felt wrong. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD