Chapter Seventeen

2734 Words
“Hope deferred makes the heart sick, but a longing fulfilled is a tree of life.” – Proverbs 13:12 Nagising si Elijah sa malakas na katok sa pinto at tila sumabay pa ang malakas na katok sa masakit na pagpintig ng ulo niya. Hawak ang sentido na bumangon siya kahit na tinatalo ang lakas niya ng sakit ng ulong nadarama. Mukhang matinding hangover na naman ang kakaharapin niya ngayon. Tuluyan na siyang tumayo at naglakad habang hawak pa rin ang ulo na para bang puputok sa sobrang sakit. Dama niya ang bawat pagpintig ng mga ugat sa sentido niya. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa pinto nang muntikan na siyang madulas. "Sh*t!" Hindi niya napigilan ang napamura habang tumatayo nang maayos. Iniligid niya ang tingin sa buong salas at lalong sumakit ang ulo niya dahil sa nakita. Sa sofa na naman pala uli siya nakatulog at ang sahig pati na rin ang center table ay puno ng mga beer in can at chips na ginawa niyang hapunan kagabi. “Darn!” Napapailing na lang siya bago nagpatuloy sa pagpunta sa pinto na patuloy pa rin sa sunod-sunod na malakas na pagkatok. “Oo andiyan na,” malakas niyang sigaw dahil halatang-halata namang gusto siyang bulabugin kung sinuman ang kumakatok na iyon. Off-duty siya ngayon at alam niyang iisang tao lang ang may lakas ng loob na bulabugin siya nang husto sa day-off niya. “What?” angil niya nang mabuksan ang pinto at sumalubong ang nakangiting mukha ni Neil na may dalang dalawang brown paper bag ng Jollibee at dalawang large size box ng pizza. “Hanep, p’re, ganda ng bati mo sa umaga, ha,” nakangising salubong ng magaling niyang kaibigan. “Ano na namang ginagawa mo dito?” kunwa’y galit niyang tanong at tinalikuran ito. Nagdiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig. Nagbabakasaling maiibsan kahit konti ang p*******t ng ulo. “Grabe ka naman, ‘Lijah, bahay pa ba ito o pigpen mo?” pang-aasar sa kaniya ng kaibigan. Alam niyang idinadaan lang nito sa pang-aasar ang hanggang ngayong walang sawang pakikisimpatiya nito. Halos isang buwan na simula nang mawala si Yannie pero ang sakit ay naroon pa rin. Hindi nawawala, hindi nababawasan, bagkus tila ba nadaragdagan pa. At sa mga nagdaang panahong, wala siyang magawa kundi ang lunurin ang sarili sa alak at pagurin ang katawan sa trabaho pero sadya yatang napakaramot nang kapayapaan sa kaniya. Kahit anong pagod at lango niya sa alak. Hindi maalis ang sakit at sa halip ay masakit na hangover pa ang inaabot niya pagkagising Sa mga panahon na patuloy na nagluluksa siya ay palaging nasa tabi niya ang kaibigan. Kapag off-duty ito katulad niya ay sinasamahan siya nito sa bahay o gumagala sila’t inuubos ang lakas sa mga nakakapagod na activities. Nandiyan nang mag-hiking sila o pumunta sa mga Sports Club na kasali ito. Ngunit mas madalas na nasa bahay lang silang dalawa habang uminom at walang sawang nakikinig ito sa mga hinaing niya. Lalaki siya pero hindi naging madali at hindi magiging madali para sa kaniya ang lahat. “Naligo ka na ba? Hanep, mangangamoy ka na. Mag-shower ka nga muna.” Rinig niyang pang-aasar pa nito habang ibinababa ang dalang mga pagkain sa counter. Sinamaan niya ito nang tingin pagkatapos ibaba ang baso. “Umuwi ka na nga,” pagtataboy niya dito. “Baka ma-miss mo ako,” kumukura-kurap ang matang anito sabay tawa. “Sira!” malakas niyang sabi bago umakyat muna para maligo, nagbabakasakaling maaalis ang hangover niya. Pagkakuha ni Elijah ng towel ay mabilis siyang nag-shower at nagbihis. Palabas na siya ng silid nila ni Yannie nang mapatitig sa malaking larawan sa ulunan ng kama. Larawan nila iyon ng bagong kasal pa lang sila. Masaya sila at walang mag-aakalang aabot sa ganito ang lahat. Nakuyom niya ang palad at nagmamadaling lumabas ng silid. Sa pagbaba naman niya sa salas ay umasim ang mukha niya pagkakita kung gaano karaming kalat. Nilagpasan niya iyon at dumiretso sa kusina. Nakahanay na sa counter ang maraming paper box ng Jollibee at dalawang box ng pizza. Mukhang dinamihan na nito ang order ng meal. Inaasahan niya na ito lalo pa’t hindi naman kasi ito marunong magluto. “Marami ka ng utang sa akin, ha. Sisingilin talaga kita.” Lingon ni Neil sa kaniya na umiinom ng kape. Marahang itinulak nito sa harap niya ang isang mug ng umuusok na kape. Inabot niya iyon at sumimsim. He really needed coffee, a lot of it. “Huwag kang mag-alala, babayadan kita kapag nakabayad ka na sa akin ng utang mo noon,” nakangising balik niya dito pagkababa ng mug. “Grabe ka sa akin, ha. Usapan mga libre iyong kinakain natin sa labas.” “Para fair,” ngisi niya at tinalikuran na ito. “Fair ka diyan,” ismid ni Neil habang palabas siya ng kusina. Dumiresto siya sa salas. Parang kumirot muli ang sentido niya nang mapagmasdan ang napakaraming kalat sa sala at lihim na napamura sa isip. Grabe na ito. Utay-utay niyang nilinis ang pinagkalatan habang nagpapasalamat sa sarili’t hindi siya nagsuka sa sahig. Talagang kailangan niyang maghinay-hinay sa pag-inom pero hindi niya mapigilan. “Mukhang marami ka na namang nainom kagabi, ah. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit niyan,” paalala ni Neil habang hawak ang mug ng kape at pinapanood siyang naglilinis. “Hindi ko na napansin.” “Hindi naman kailangang maging ganito.” Naging seryoso na ang tinig nito. “Sana nga.” Binigyan niya rin ito ng seryoso ring tingin. Sandali siya nitong tinitigan at napapa-iling na lang na bumalik ng kusina. Nang tuluyan nang malinis ang mga kalat ay sa salas na sila kumain. Binuhay nila ang t.v. at nanood ng basketball. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang tumayo si Neil. “Naiwan ko ata ang sauce sa kusina. Hintay lang.” Nagkibit-balikat siya at akmang susubo na nang mapunta ang atensiyon niya sa cellphone na nasa ibabaw ng center table. Inabot niya ang cellphone at binuhay. Wala pang ilang segundo ay pumailanlang ang malakas at sunod-sunod na alert tone. May ilang text na naman galing sa mama niya, sa mama ni Yannie, sa ilang kaibigan na puro nagtatanong kung kumusta na siya. Simpleng 'ayos lang' ang mga naging sagot niya. Nagbukas din siya ng Messenger at ganoon din halos ang nabungaran niya. Mga mensahe pa rin nang pakikiramay sa kaniya. Hindi niya na muna pinansin ang mga iyon. Ganoon din ang ilang messages mula sa ibang kaibigan nila ni Yannie. Nagbukas din siya nang f*******: at halos ganoon din ang sumalubong sa kaniya. Paano nga ba siya makakalimot kung puro tungkol kay Yannie ang nakikita niya? Mag-iisang buwan na at kung sila nga na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari, paano pa kaya siya? Gusto niya muna sanang i-deactivate ang account sa f*******: at e-mail pero dahil minsan ay kailangan niya sa trabaho at dahil marami silang alaala doon ni Yannie, hindi niya magawa. Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga. Eksaktong bumalik si Neil ay tumunog muli ang notification alert tone niya. “Mukhang nami-miss ka na ng mga fans mo,” pagbibiro sa kaniya ng kaibigan. Hindi niya pinansin ang kaibigan dahil natuon ang atensiyon niya sa bagong notification na dumating. Hairah Esther Herera added to her story. Alam niyang alam nito ang nangyari sa asawa niya. Alam niya dahil mabilis kumalat sa bayan nila ang mga gano’ng balita. Alam niya dahil tiyak kalat iyon sa social media. Alam niya dahil ayon kay Neil ay nagpunta ito sa libing ni Yannie pero hindi na lumapit sa kaniya. Alam niya dahil nakita na naman niya sa mga mata nito ang kapares na lungkot at nakikisimpatyang tingin. Ang ngiti nitong tila ba nagsasabing hindi siya nag-iisa. Wala itong sinabi nang magkasalubong sila pero ang tingin at ngiti nito’y tila isang napakahabang mensahe. Nagpadala rin ito ng message sa kaniya sa Messenger noon pero hindi niya binasa. Batid niya sa sariling hindi matatanggap ang mga sasabihin nito. Ngunit sa mga oras na iyon, tila may sariling isip ang mga kamay niya na pinindot ang notification bar. Kaagad na lumabas ang larawan ni Hairah na nakangiti kasama ang mga batang naka-bonnet ang ulo. May ilang walang bonnet kaya kita niyang walang buhok ang mga ito. Babae man at lalaki. Mga payat at nanglalalim ang mga mata. Pamilyar sa kaniya ang ganoong larawan. Tinitigan niyang mabuti ang larawan. Nakangiti ito habang nakaupo sa tabi ng mga bata ding tila sa kabila ng sakit ay nakangiti at puno ng pag-asa. May hawak ang mga itong laruan at tila sapat na ang bagay na iyon para maging masaya sila. Hindi iniisip ang bukas na tila napaikling panahon na inilaan sa kanila. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pait at sakit. Bakit parang napaka-unfair ng mundo? Sa baba ng larawan ay may caption. Tahimik na binasa niya iyon at muli'y tila may pumiga sa puso niya. Let God be your Hope. Mabilis niyang pinatay ang cellphone at ibinaba iyon. Mabilis niyang dinampot ang pagkain at sumubo. Hindi niya pinansin ang nagtatakang tingin ni Neil nang sumubo siya ng sunod-sunod. He kept on chewing and swallowing as he tried to ease the lump on his throat that suddenly went up. He can't take it. ***** Hindi mailarawan ni Hairah ang kasiyahang nakikita niya sa mga bata. Wala ng gaganda pa sa isang ngiti na puno ng pag-asa at pagtitiwala sa kabila ng mga kalungkutan. Lalo pa’t nagmula iyon sa mga bata na sa murang edad pa lang ay nakikipaglaban na sa sakit. Mga batang sa halip na nagiging abala sa paglalaro, pag-aaral at paglikha ng mga masasayang alala ay napupuno ang maghapon sa pagpapagamot, sa pag-inda ng sakit at pag-iisip kung papaano ba hahaba ang buhay nila. Gusto niyang makita ang mga batang ito na maging isang normal at walang sakit na bata kung saan magagawa nilang tumakbo na tila wala ng bukas, tumawa na tila ba iyon na ang pinakamasayang sandali ng buhay nila at hindi mag-iisip na anumang oras ay may sasakit sa kanila o mawawala sila, maglalahong tila bula ang hibla ng buhay na natitira sa kanila. “Salamat, ate Hairah sa mga gamit at laruan.” Naputol ang pagmumuni ni Hairah ng magsalita ang isa sa mga batang katabi niya. Nilingon niya ito at nginitian. “Walang anuman.” “Tsaka po sa pagtuturo sa amin,” sabi naman ng isa pang bata. “Isang karangalan, mga munting prinsipe at prinsesa.” Ngumiti siya, inayos ang koronang papel ng mga ito, at kunwa’y nag-bow sa kanila. Tumawa nang mahina ang mga bata na sinabayan naman niya. Despite of this, Lord, You’re still in control… ***** Ten forty- three p.m. Kanina pang hindi mapakali si Hairah sa kinatatayuan niya. Nungkang lumakad siya palayo, tumigil at naghintay pero wala, wala siyang matanaw na kahit anong klase ng sasakyan. Isang oras na, nag-aalalang bulong niya sa isip. Isang oras na siyang naghihintay ng sasakyan. Isang oras na rin siyang palitang tatayo, uupo, o tatalungko habang umaasang kahit habang lumalalim ang gabi ay may daraang sasakyan—jeep man o tricycle o kahit na anong may gulong at tumatakbo. Daraan sa malamig at mapanglaw na kalsadang iyon at makikisuyo siyang ihatid siya. Pero isang oras na'y kahit anino ay wala pa siyang nakikita. Pagkatapos ng service nila sa mga batang may cancer ay nagkaniya-kaniyang uwi na sila. Inabot na lang siya ng gabi dahil kasama siya sa grupo na mag-aayos at magbabalik ng mga ginamit nila. Ihahatid sana siya ng mga kasama pero tumanggi siya sa pag-aakalang masusundo siya ng kapatid o ng ama. Ngunit ang tatay niya ay ipinatawag sa trabaho habang ang kapatid naman ay wala sa kanilang bahay. Namaalam ito nang biglaan sa ina na sa bahay ng kamag-aaral mag-o-overnight para tapusin ang project nila. Mga bagay na hindi niya inaasahang ngayon pa mangyayari. Mga bagay na sana’y nalaman niya kaagad para hindi na lang siya tumanggi na magpahatid. Napapitlag siya ng tumunog ang relo niya. It’s already eleven o’clock… Nanghihinang napaupo na lang siya sa may pavement. “Lord, gusto ko na pong makauwi. Tulungan mo po akong makauwi.” Naisambit niya nang mapansin na siya na lang ang tao sa daan. Wala na rin siyang nakikitang bukas na tindahan o mga bahay na bukas pa. Sino pa nga bang gising sa mga oras na ito? Tinitigan niya ang mahabang daan. Tumayo siya, isinakbat ang malaking bag sa balikat, at sa ikalawang pagkakataon ay nagsimula na muling maglakad. Alam niyang imposibleng makauwi sa gano’ng paraan pero kailangan niyang kumilos at may gawin. Kahit abutin pa siya ng umaga. Wala sa loob na naihilamos niya ang mga palad sa mukha habang patuloy sa paglalakad. Kahit pa tawagan niya ang ina ay wala naman itong magagawa dahil hindi ito marunong magmaneho. Baka tulog na rin ito. Nanlulupaypay na inilipat niya ang pagkakasakbit ng malaking backpack niya patungo sa kabilang balikat habang patuloy sa paglalakad. Habang daan ay patuloy ang dasal niyang sana'y makatagpo ng sasakyan. Lakad lang nang lakad si Hairah. Pagkaraan ng ilang minuto’y tumingin muli siya sa orasan. Eleven fifteen… Kinse minutos na siyang naglalakad pero parang hindi naman siya umuusad. Ang hirap nga pala kapag wala ka sa sariling lugar. Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa ang labinlimang minuto ay naging dalawampu hanggang sa maging trenta minutos na. Nanghihinang ibinaba niya ang mabigat na backpack sa semento. Akmang uupo siya para magpahinga muna nang matanaw niya ang paparating na sasakyan. Patungo ito sa direksyon na binabagtas niya. Sumingkit ang mga mata niya habang tinitigan ang papalapit na sasakyan.  Aktong papara siya nang matigilan at panlakihan ng mga mata nang mapagtantong hindi jeep, owner o kotse lang ang paparating. Habang palapit ay napatunayan niyang hindi ito jeep pero hindi rin niya asahang ganitong sasakyan ang paparahin niya. Nakangiwing naibaba ni Hairah ang kamay nang matanaw ng maayos ang sasakyan. Lalo pa’t malinaw niya nang nakikita ang kulay pula at asul na ilaw sa bubungan nito. Ngayon pa ba siya mag-iinarte? Hindi ba mas kailangan niya ang tulong nila? Hindi na siya nag-isip. Desperada na siyang makauwi. Akmang papara na siya sa paparating na police cruiser pero dahil malapit at tila mabilis din ang pagpapatakbo nito ay kaagad din siyang nalampasan. Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang makitang tuluyan na itong nakalagpas. Wala siyang nagawa kundi ang mapa-upo at mapasabunot sa laylayan ng buhok. “Lord…” she cried softly but desperately. Aminin man o hindi ni Hairah ay hindi maiwasang hindi siya makaramdam nang takot. Hindi siya pamilyar sa lugar. Hindi niya alam kung saan pwedeng humingi ng tulong roon o makahanap ng matutuluyan dahil halos bahayan at maliliit na nakasarang tindahan lang ang nakikita niya. Napayakap siya sa sarili nang madama ang lamig ng gabi. Isa pa iyon, habang tumatagal ay lalong lumalamig. Pagod na rin siya at inaantok na dala ng buong maghapong paghahanda at ilang gabi na halos kulang na tulog. Tapos ganito? Nice… Tumingala siya sa madilim at walang kabitu-bituing langit. Naiiyak na siya pero hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Makakauwi siya. Hindi siya pababayaan ng Diyos. Tumayo siya at inabot ang bag na nasa semento. Isinakbit niya muli ang mabigat na backpack habang nire-recite sa isip ang mantra. Hindi siya pwedeng sumuko. Diretso lang. Hindi siya nag-iisa. Laban lang. Hairah forced a smile even though no one was watching. She took a deep breath before she let the air out of her lips as she stipulated the tension out of her body. Handa na siyang maglakad muli nang sa pagharap niya ay isa na namang cruiser ang paparating kasalungat ng daang tinutunton niya. Hindi siya sigurado kung ito ba iyong cruiser kanina o hindi. Ngunit ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niya nang bumagal ang pag-andar ng sasakyan hanggang huminto ito sa tapat niya. Pigil-hiningang hiningang hinintay niyang bumaba ang bintana ng sasakyan. “Ma’am?” Muntik nang mapalukso si Hairah ng makita kung sino ang mga sakay. Napakagat-labi siya habang nakatingin sa mga ito. Sa wakas ay makakauwi na siya… Oh God, thanks to you! “Hey,” she murmured. “Pwede ba akong sumabay pauwi?” dugtong niya sa garagal na tinig. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD