Chapter Sixteen

2713 Words
“What have you made me your target? Have I become a burden to you?" – Job 7:20   Masakit. Masakit ang maiwan ng taong mahal mo. Masakit ang mawalan ng taong pinangarap at hinihiling mong makasama sa buong buhay mo, hanggang sa huling hininga mo. Pero hindi tao ang nagtatakda ng buhay. Hindi tao ang magdedesisyon kung hanggang kailan magtatagal ang buhay ng mahal nila. Hindi tao ang magtatakda ng maaaring mangyari sa buhay nila. Marami ang naniniwala sa kasabihang 'Life is what you make it.' Pero hanggang kailan mo kayang buuin ang buhay na hinihiling mo? Dahil ang totoo, tayo ay mga pasahero lang dito sa magulo at masalimuot na mundo. Hindi natin kontrolado ang lahat... Panandalian lang ang lahat…  Hindi ang... Tumigil si Hairah sa pagsusulat sa journal niya. Hindi niya kayang ituloy isulat ang mga salitang naglalaro sa isip niya. Punong-puno ang isip niya ng kung ano-anong imaheng may dulot na kirot. Hairah closed the Word and switched on her browser. Just five minutes ago, Lyra messaged her about Yannie’s death. Sandy even sent a link. She clicked on that link and it went directly to Yannie’s profile. Yannie Alvarez Pelaez. On her timeline, there were lots of tagged sad, reminiscing, and farewell messages, pictures of her when she was still alive—vigorous and beautiful. She explored her timeline, and it saddened her heart the flowing questions she saw. Bakit ikaw pa, mate? So, unexpected! Bakit ang daya mo, Yannie? Buddy! Mami-miss ka namin. Napakabata mo pa! Life’s unfair! Bakit ang aga mong kinuha? Napakabait mo pa namang kaibigan at kasamahan! Bakit sa lahat ay siya pa? Bakit ikaw pa? Ang daya-daya naman! Tumigil siya sa pagbabasa ng mga mensahe at tinitigan ang isa sa mga larawan ni Yannie. Iisa lang ang nakakaalam ng sagot sa mga tanong nila. Ang Diyos lang ang makakatugon ng mga iyon. Siya lang at madalas mahirap maunawaan kung bakit nga ba. "Tuluyan ka nang namaalam. Rest in peace, Yannie. Alam kong masaya ka na sa kanlungan Niya," may lungkot na anas niya habang nakatingin pa rin sa larawan ni Yannie na nakangiti, malakas, maganda at masaya. Kabaligtaran ito ng Yannie na nakilala't naka-usap noon. Mahina na si Yannie nang magkausap sila sa hospital, pinipilit na lang ngumiti at ang tanging nagpapatatag na lang ay ang kaisipang hindi nito pwedeng iwan si Elijah. Hindi pa lumilipas ang isang araw ng huling magkausap sila sa cellphone at heto na ang balitang darating sa kaniya. Nakakalungkot na napakadaling lumipas at magbago ng mga pangyayari. Sa isang kisapmata lang, hindi mo na alam kung anong maaaring mangyari. Ngunit ganoon talaga ang buhay, walang nakakaalam nang maaring mangyari bukas maliban sa Kaniya. Napakagat-labi siya at tumingala upang pigilin ang pagbagsak ng mga luha. Hindi niya lubusang kilala ang babae pero kahit sa halos isang oras lang nilang pag-uusap ay tila ba napakatagal na nilang magkakilala. Hindi niya gustong makadama ng sakit pero kapag naaalala niya ang bawat sandaling kausap ito, kumikirot ang puso niya. Magkaiba sila ni Yannie sa maraming bagay pero ang isang bagay na pinagkakaparehas nila'y sapat na para maunawaan ang isa't isa. Mahalaga parehas sa kanila si Elijah... At alam ni Hairah na ang lungkot niya'y hindi lang dahil sa pagkawala ni Yannie. Alam niyang sa mga oras na ito, hindi lang iisang tao ang tuluyang namaalam at umalis. Unti-unti sa pagdaan ng mga araw, maaaring sumunod ang taong iyon. "Kumusta ang puso mo, Elijah?" bulong niya sa kawalan. ***** Ngayon lubos na napagtanto ni Elijah na mahirap ang maiwan at masakit ang mawalan. Lalo pa't kung ang nang-iwan sa'yo ay ang taong mahal na mahal mo. Halos ayaw nang gumalaw ng mga bahagi ng katawan niya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang magmukmok sa isang tabi at kalimutan ang paligid. Isipin na lahat na ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon ay isa lang madilim at masalimuot na bangungot.  Na darating ang umaga, magigising na lang siya katabi ang asawa—nakangiti at masaya siya nitong babatiin. Hindi ganito. Hindi ganitong tuwing magmumulat siya ng mga mata sa umaga'y katahimikan  ang sasalubong sa kaniya. Hindi na magiging katulad ng dati ang lahat. Sa halip na init at saya ang yayakapin niya ay kahugkangan ang siyang babalot sa buong buhay niya. Masakit at mahirap. Hindi na nagulat si Elijah nang marinig ang mahihinang katok sa pinto ng silid nilang mag-asawa na ngayon ay silid na lang niya. Tinitigan niya lang ang nakasarang pinto at nanatiling nakaupo sa sahig habang nakasandal sa gilid ng kama. Kauuwi lang nila galing sa sementeryo kung saan inihatid nila sa huling hantungan ang katawan ni Yannie. Pagkatapos mamaalam ng mga magulang ni Yannie at ng ilang kakilala ay umakyat na siya sa silid nila. Hindi niya kayang pakiharapan ang mga tao ng matagal at magpanggap na maayos lang ang lahat. "Elijah, nakaalis na ang mga tito mo. Aalis na rin kami muna ng papa mo. May aayusin lang kami. Sigurado ka bang dito ka muna?" Tinig iyon ng kaniyang mama na sinabayan pa ng mahinang pagkatok. Bagaman nanghihina ay tumayo siya. Kahit nagluluksa at humihina ang loob niya kailangang maging matapang siya. Kailangang maging matatag siya kahit man lang sa harap ng mga magulang upang hindi mag-alala ang mga ito. Mabibigat ang mga paang lumapit siya sa may pinto at binuksan iyon. Pagkabukas niya ng pinto ay tumambad sa harap niya ang ina. May malungkot ngunit masuyong ngiti sa mga labi nito. Alam niyang labis din itong nalulungkot sa mga nangyari sa kaniya, at alam niyang nahihirapan din itong makita siya sa kasalukuyang estado. Mahirap man sa loob ay pilit siyang ngumiti. "Mama..." "Anak," garagal ang tinig na ani ng kaniyang ina. "Aalis na po kayo? Ihahatid ko na kayo ni papa," pagpapatuloy niya, pilit iniignora ang tingin ng ina. Malungkot na ngumiti ito bago inabot ang mga kamay niya. "Kung gusto mo, maaari kam—" Mabilis siyang umiling. "Ayos lang ako, mama.  Aayusin ko lang ang mga gamit ni Yannie at babalik na rin po ako sa trabaho. Baka sa station na lang din muna ako manatili." "Anak..." Nagsusumamo ang mata at tinig ng kaniyang ina. Alam niyang hindi lang ito tungkol sa pagkawala ni Yannie. Alam ng kaniyang ina na may mas malaking bagay ang nawala sa kaniya. "Ma, parang hindi ni'yo naman po kilala, kakayanin ko ito." Sinasabi ito ni Elijah para gumaan ang loob ng ina niya ngunit hindi siya sigurado kung kakayanin nga ba niya. "Tama ka diyan..." Tumango-tango ito bago pinisil ang mga kamay niya bagama't ang mga mata ng kaniyang ina ay tila hindi naniniwala sa kaniya. Alam niyang alam ng ina ang iniisip niya. Nagpatuloy ito, "Wala kang hindi kinakaya, Elijah. Lahat nalalagpasan mo, kahit gaano pa kahirap iyon. Kaya nga napakapalad namin sa'yo, anak." Ngumiti lang siya sa ina. Wala na siyang lakas para makipag-usap pa rito. "Kung nasaan man si Yannie sa mga oras na ito, tiyak hindi na siya nahihirapan. Naniniwala rin ako na hindi niya gugustuhing makita kang nasasaktan." Huminto ang ina niya sa pagsasalita kasabay nang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang kamay. "Elijah, may awa ang Diyos at hindi ka Niya pababayaan." Pinipilit niyang bumangon kahit mahirap at imposible, pero pagkatapos mamaalam ni Yannie ng tuluyan, tila ba may malalim na sugat sa loob niya at hindi siya sigurado kung gagaling pa ba ang sugat na iyon. At hindi niya alam kung kaya pa niyang maniwala at magtiwala muli... Kinuha Niya si Yannie sa'kin... Nasaan ang awa Niya?Paano pa? Bakit pa? Batid niyang hindi nakalingat iyon sa kaniyang masusing ina dahil nagsalita muli ito. "Elijah, palaging nakikinig ang Diyos. Hindi siya bingi sa mga hinaing at—" May pait siyang ngumiti at mabilis na pinutol ang sasabihin ng ina. "Alam ko, ma, nakikinig Siya," malamig niyang saad kasabay ng pagragasa ng pait sa puso niya. "Elijah..." "Ellen, halika na. Hayaan muna natin ang anak nating makapag-isip-isip." Sabay silang napatingin ng kaniyang ina sa nagsalita. Sa may hagdan ay nandoon ang kaniyang ama, nakatayo at nakatitig sa kanila. Karpentiro ang papa niya at kahit may pagkakataong napapalayo ito sa kanila dahil sa pagtatrabaho, malapit ang loob niya dito. Sa kanilang dalawa ng ina niya, mas nababasa siya nito at sa mga oras na iyon, alam niyang nauunawaan nitong kahit anong sabihin ng ina ay hindi siya makikinig. "Pero pa—" Magpoprotesta pa sana ang kaniyang ina pero mabilis na pinutol ng kaniyang ama ang sasabihin nito. "Tama na muna, Ellen. Halika na," mariin ngunit malumanay na sansala ng kaniyang ama sabay lapit sa kanila at hinawakan ang braso ng asawa. Napilitang bumitaw sa kaniya ang ina. "Bye, mama," paalam niya sa ina na marahang itinutulak ng ama. "Ano ka ba?" pagpipigil ng ina niya kahit na imposible dahil kahit nasa 50's na ang kaniyang ama ay malakas pa rin ito at malaki ang pangangatawan. "Wag muna ngayon, Ellen. Hindi na bata ang anak natin," sansala ng kaniyang ama pagkaraan ay nilingon siya. "Ikinalulungkot ko ang mga nangyari, anak. Ngunit sana'y huwag mong hayaang lumalim ang lungkot at sakit sa puso mo. Darating ang panahon, makikita mo ang rason kung bakit hinayaan ng Diyos maganap ang lahat ng ito." Mahabang ani ng ama bago tinapik siya sa balikat, at tuluyan nang bumaba ng hagdan habang nagpo-protesta pa rin ang kaniyang ina. "Hindi natin pwedeng hayaan ang anak natin na malayo nang tuluyan sa Diyos,” dinig niyang malakas na sabi ng ina. "Hindi natin hahayaan iyon, pero may tamang panahon ang lahat. Hayaan muna natin siya ngayon." Nanatiling nakatayo siya sa pintuan ng kwarto nila ni Yannie hanggang sa makaalis ang mga magulang niya. Sana nga... Sana nga'y magawa niyang maniwala muli... Kinalimutan ka na Niya. Napapikit siya. Hindi na niya kaya pa. My lamb, look at me, and you'll see. Sarado ang isip at bagsak ang balikat na pumasok siya sa silid at doo'y inubos ang lakas sa pagluluksa. Sa hindi mabilang na pagkakataon, tahimik siyang lumuha. ***** Naniningkit ang mga matang pilit sinalubong ni Hairah ang init ng araw bago muling nagbaba ng ulo at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng gate ng simbahan. Gaya ng dati, sumabay siya sa agos ng maraming tao sa kagustuhang makauwi kaagad. Ngunit dahil sa sobrang dami ng tao na lumalabas ng gate ng simbahan, nagsimula na namang mag-traffic. Bukod sa lupon ng mga tao ay sunod-sunod din ang mga sasakyang palabas ng malaking gate. “Bakit ba walang nagta-traffic rito?” dinig niyang tanong ng isang ale. “Aba’y ewan nga. Alam namang kapag ganitong oras ay dagsa ang tao at sasakyan tsaka sila wala.” Wala sa loob na iginala ni Hairah ang tingin sa paligid. Wala nga siyang nakikitang traffic enforcer or kahit tanod man lang. Napangiwi siya nang mapansing halos nagbubuhol-buhol na ang mga sasakyan sa unahan nila. Tumigil siya sa paglalakad at piniling gumilid para paraanin ang mga taong nagmamadaling lumabas. Gusto man niyang maka-uwi kaagad, wala naman siyang balak makipagsiksikan sa mga ito kung maaari naman siyang maghintay. Wala pang ilang segundo siyang nakatigil nang sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang pagdating ng dalawang police cruiser. Dati-rati'y tila pumipitik ang puso niya kapag natatanaw ang cruiser sa pag-asang sakay doon si Elijah, ngunit ngayon ang munting saya na iyon ay napalitan ng lumbay. Alam niyang malabo pang makita niya ang lalaki dahil tiyak na nasa gitna pa ito nang pagluluksa. Hindi rin niya magawang maging masaya kung alam niyang naghihirap at nalulungkot ito. Tatlong linggo na simula nang namaalam si Yannie. Sumabay si Hairah sa ilang kakilala nang magpunta sa burol nito pero hindi niya nakita si Elijah. Nagpunta rin siya sa libing ni Yannie pero hindi niya magawang lumapit dito. Pinadalhan niya ito ng ilang mensahe pero hindi man lang nito sini-seen. At hindi biro ang ginagawa niyang pagpipigil sa sarili na tawagan at kumustahin ito. Sa kabilang banda, hindi niya rin tiyak kung tama ba ang gagawin niya kung sakali. Makakabuti at makakatulong ba? Nag-iwas siya nang tingin sa cruiser, pilit inignora ang kirot sa dibdib niya bago nagsimula muling maglakad kasabay ng mga tao. Unti-unti nang numinipis ang dami ng tao at hindi na nakapagtataka iyon dahil nasa gitna na si Garcia ng highway at tumutulong sa pag-aayos ng trapiko. Madalas niyang makitang duty ito at kapag nakikita niya ito'y may mumunting tinig na tila bumubulong sa kaniyang lumapit sa pulis at tanungin kung kumusta na si Elijah. Gusto niyang gawin pero hindi niya kaya at tila hindi kaaya-aya. Humigpit ang hawak niya sa sling ng bag niya dahil sa kirot na muling nadama sa loob ng dibdib. Sa ikalawang pagkakataon ay pinalis niya ang kirot at itinuon ang atensyon sa paglalakad. Hindi na siya nag-abala pang magbukas ng payong kahit na medyo may sakit na sa balat ang init ng sikat ng araw. Nakisabay siya sa mga taong liliban sa kabilang kalsada dahilan para hindi niya maiwasang mapatingin kay Garcia. Nanigas ang katawan niya nang mapagtantong nakatitig sa kaniya ang pulis. Hindi nito inalis ang tingin sa kaniya at tila mas lalong tumiim ang tingin nito nang magsalubong ang mga mata nila. Kakaiba ang paraan nang pagtingin nito sa kaniya, na para bang may gusto itong sabihin pero hindi nito maggawa. Nag-iwas siya ng tingin at nilagpasan ito. Nilagpasan niya ito at pati na rin ang cruiser na marahil ay sinakyan nito kanina na nakaparada sa tabing kalsada. Ngunit sa pagliko niya'y naroon ang isa pang police car na nakaparada at sa tabi nito'y dalawang pulis ang nakatayong magka-usap. Muli'y binalewala niya ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad. Sasapitin na niya ang kanto nang matanaw ang pamilyar na bultong naglalakad. Before Hairah even realized, her body halted as her mind shouted, Elijah! She tried to block her every emotion, but the feelings were too much that it made heart beat erratically, her blood roaring, and everything around her shut down as her mind focused on him. But, all of these abruptly faded away when she assessed Elijah. He was still the same handsome Elijah she always wanted to see. He was still clean-shaven, dressed properly in his blue uniform with decent haircut. Though, it appeared that he lost weight, he still looked perfectly fine. Not just for few important things. Elijah's gleeful and joyous smiles were nowhere to be found. His eyes were blank, his jovial face was in a complete sorrow, and even though he was smiling at people around him, those smiles were all faked. This wasn't surprising, but she could't stand there watching him without her heart breaking into pieces. Hairah started walking again. She gained all her efforts to torn her gaze at him, and she succeded, but then knowing he was around; her effort stirred and her eyes averted back to Elijah. Hairah's body jolted when the moment her eyes swung back to him, Elijah's eyes were on her, staring at her with his coal blank eyes. She wanted to look away, to break their eye contact, but she couldn't. Her eyes continued to look at him, stared at him and get drunk on how sad, dejected and broken was Elijah. She wanted to touch him, to hug him, and to make him feel better. But is it really what Elijah needed? She didn't know, and she won’t try any of those things. She kept on walking as their distance began to get smaller. She really didn’t know what to do. Make your face shine, beloved. She blinked. Share the light… Instinctively, Hairah done the first thing that came into her mind. She smiled. Hairah had no idea what she looked likes, but Elijah's body straightened and smiled back. It wasn't faked, it was simple and genuine, and it makes her heart did a somersault. She ignored the somersault and stared at his eyes. She lifted her chin at him, and gave Elijah a small nod. He did the same. And they passed by each other without any words. And, it was also heartbreaking. Not because it seemed that they went back to the beginning. But because, she knew, she saw it in his eyes, Elijah just not lost her other half. He also lost his hope and light. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD