“The Lord our God said to us at Horeb, “You have stayed long enough at this mountain. Break camp and advance into the hill country of the Amorites; go to all the neighboring peoples in the Arabah, in the mountains, in the western foothills…” Deuteronomy 1:6 – 7a
7:30 a.m. the next day…
Nakangiting bumaba si Elijah ng kotse. Inabot niya mula sa loob ng sasakyan ang pumpon ng bulaklak at kahon ng paboritong tsokolate ni Yannie. Umuwi lang siya galing trabaho para maligo at magpalit ng damit bago pumunta ng ospital. Wala pa siyang gasinong pahinga pero hindi niya alintana iyon. Ang mahalaga lang ay makita niya muli ang asawa.
“Aba, Sir, agang bulaklak niyan, ah,” puna ng isang male nurse na nakasabay niya papasok sa loob ng ospital.
“Sweet naman ni Sir. Mapapabilis ang paggaling ni Ma’am Yannie,” ani naman ng isang babaeng nurse.
“Sana nga,” malapad ang ngiting aniya. “Sige, mauna na ako.”
Tumango ang dalawang nurse at nagmamadali na siyang pumasok sa elevator. Mag-iisang buwan na si Yannie sa loob ng ospital kaya naman halos nakilala na siya ng ilang nurse. Sa loob ng nakaraang ilang linggong, kung saan sumailalim sa iba’t ibang gamutan si Yannie, hindi sila nawalan ng kaagapay. Maraming doctor at nurse ang walang sawang inaalagaan ang asawa niya. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin kung paanong sa isang kisapmata ay lumala bigla ang sakit ng asawa. Gayunpaman, hindi sila nawawalan ng pag-asa.
Eksaktong pagbukas ng elevator ay natanaw niya ang isa sa doctor ni Yannie. Kalalabas lang nito ng silid ng asawa.
“Doc,” tawag niya at malalaki ang hakbang na nilapitan ito.
“Mr. Pelaez,” lingon ng babaing doctor. Ngumiti ito nang makita siya. “Matutuwa niyan si Mrs. Pelaez,” komento nito habang nakatingin sa mga dala niya.
Isang tipid na ngiti ang naging tugon niya bago sinabi ang pakay. “Doc, alam kong paulit-ulit lang ako pero kumusta po ang lagay ni Yannie?”
“Naiintindihan kita pero gaya ng sinabi ko kahapon, kailangan niyang magpalakas pa kahit konti. Kailangan nating maisagawa ang surgery sa lalong madaling panahon pero kailangan ding handa ang katawan ni Mrs. Pelaez… at kayo rin… Choriocarcinoma is a rare condition, but the effect doesn’t make it less dangerous.”
Napatitig siya sa kulay puting dingding ng ospital. Ayaw niyang paganahin ang imahinasyon. Hangga’t maaari ay gusto niyang manatiling positibo sa kabila ng mga nangyayari. Hindi maisagawa ng mga doctor ang surgery dahil sa pabago-bagong kondisyon ng katawan ni Yannie. Bukod sa baka hindi kayanin nito ang operasyon, hindi rin kaagad pumayag si Yannie na mag-undergo ng surgery dahil umaasa itong gagaling sa pagche-chemo. Pero isang umaga ay sinabi ng mga doctor na kailangang operahan na ito dahil lalo lang kumakalat ang tumor sa loob ng katawan nito. Maraming nakataya kapag isinagawa ang operation, pero iyon na rin ang pinakamalapit nilang option upang pahabain ang buhay ni Yannie.
“H’wag kang mawalan ng pag-asa. Araw-araw ay may himala,” usal ng doctor at tinapik siya sa balikat.
“Thank you, doc.” Sinikap niyang bigyan ito ng ngiti.
“Anyway, sakto lang ang pagkakadala mo ng bulaklak. Make her feel more beautiful each day,” makahulugang wika ng doctor bago nakakaunawang tiningnan siya.
“She’s always beautiful in my eyes,” he murmured.
“I can see that. Well, I have to go. Babalik ako mamaya to check her.”
Nagpaalam na ang doctor habang siya ay pumasok naman sa loob ng silid ni Yannie. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay sumalubong na sa kaniya ang malakas na kwentuhan sa loob. Mukhang may bisita si Yannie.
“Oh andiyan na pala si Elijah!” malakas na anunsiyo ni Trixie, isa ito sa mga malalapit na kaibigan ni Yannie. Nakaupo ang babae sa couch katabi si Arra.
“Ayyy, ang sweet naman!” That’s from Arra. Her eyes were twinkling at the flowers and box he was holding.
“Tamang-tama ang dating mo, Elijah,” deklara naman ni Millet, nasa tabi ito ng hospital bed kung saan nakaupo si Yannie.
Nakahanda na ang malapad niyang ngiti para sa asawa ngunit tila napako siya sa kinatatayuan nang makita ito.
“Wha—” Lahat ng salita niya ay tila nalunok niya.
“Don’t you like it?” There’s a pain in Yannie’s voice when she spoke.
Gusto tuloy niyang suntukin ang sarili dahil sa reaksyon. Hindi sa hindi niya gusto ang bagong hitsura ng asawa. Hindi sa hindi na maganda ang asawa niya dahil wala na itong buhok. Hindi niya lang lubos akalaing ipapa-shave nito kaagad ang buhok.
“No. That’s not what I mean,” he immediately said and walked towards her. “You’re still beautiful in my eyes.” Hindi niya hinintay na makapagsalita ito at gamit ang isang kamay ay iniharap ang mukha nito sa kaniya para bigyan ng isang mabilis na halik sa labi ang asawa.
“Ang sweet talaga,” mahina man ay rinig niyang bulungan ng mga kaibigan ng asawa. Naramdaman niya ang pagngiti ni Yannie sa mga labi niya.
“Tama na. PDA na ito,” natatawang bulong Yannie sa kaniya ng humiwalay siya rito.
“Don’t care,” he whispered then kissed her forehead.
Mahinang tinampal siya nito sa may kamay. “’Lijah…”
Lumipat ang kamay niya sa ulo nito. Wala na nga ang natural na kulot na buhok nito.
“Elijah…”
“Naaalala mo noong nag-training tayo?” Elijah’s gaze softened at her wife’s. “You’ve been smiling the whole time they’re cutting your hair… while others were crying.” Pumulupot ang kamay ni Yannie sa pulsuhan niya. “You told me that you won’t cry because it will soon grow again, longer than you could imagine…”
“Love…” Pinagmasdan niya ang unti-unting pagbagsak ng luha sa mga mata ni Yannie. It pained him but he needed to say what he had to say.
“Hahaba ulit iyan at kapag nangyari iyon, magaling ka na… At kahit gaano pa kahaba ang gusto mo, hindi natin papuputulan iyan. Hahanap tayo ng magagandang shampoo at conditioner… o kaya ay mag—”
“Stop it, Elijah!” Yannie burst and leaned on his chest. “S-stop it…Please…” she kept on saying, clutching on his wrist and at the hem of his shirt.
“Yannie…”
Tiningala siya nito, luhaan ang mga mata, ngunit may kakaibang kislap roon. It wasn’t hard for Elijah to read his wife, but there’s something in Yannie’s eyes he couldn’t fathom.
“You’re still beautiful, love… In my eyes, you’re still the one…”
Malungkot na ngumiti si Yannie. “Thank you, love.”
“I love you…” bulong niya at niyakap ito. Walang naging tugon si Yannie kundi isang mahigpit na yakap. This was also new.
*****
“I love the golden red. It will suit Yannie’s complexion,” maarteng saad ni Trixie at nilaro-laro ang mahaba at tuwid na tuwid na buhok. Kulay brown iyon na may mga highlights sa dulo, kabalitgaran noong nakaraang taon na kulay platinum blonde kung tawagin ni Yannie.
“Mas maganda ang chestnut,” komento naman ni Arra na nagsa-swipe sa kaniyang cellphone.
“Bakit hindi natin i-try ang blonde,” suhestiyon ni Millet at umayos ng upo habang pasimpleng inaayos ang hapit na hapit na crimson dress.
“No, magiging maputlang tingnan si Yannie,” bulalas ni Arra.
Tahimik na sinulyapan ni Elijah ang asawa. Mapanglaw pa rin ang mga mata nito habang nakatitig sa mga kaibigan na nasa tabi nito at abala sa pagtitingin sa kaniya-kaniyang cellphone. Nag-shave si Yannie ng buhok at ngayon ay nagbabalak naman ang mga kaibigan nito na bumili ng wig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis lalo na’t kitang-kita niya ang pagsungaw ng lungkot sa mga mata ng asawa habang nag-aargumento ang mga kaibigan nito kung anong kulay ng wig ang bibilihin nila.
“Why don’t we buy it all para maraming choices si Yannie. Baka matagalan pa bago humaba ang buhok niya,” matinis na suhestiyon ni Trixie.
Naningkit ang mga mata ni Elijah at akmang tatayo nang lingunin siya ng asawa. Binigyan siya nito ng ngiti at pasimpleng bumulong ng, “It’s fine.” Umiling siya pero nagmamakaawa ang mga mata nitong tinitigan siya. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa pagkakaupo.
Matapos ang usapan nila ni Yannie kanina ay pinagbigyan niyang makipagkwentuhan ito sa mga kaibigan. Mga kaibigan ni Yannie sina Trixie, Arra at Millet simula noong high school pa lang ang mga ito. Kabaligtaran ni Yannie na pumasok sa pagpupulis, sina Arra at Millet ay magkasama sa trabaho bilang fashion designer habang si Trixie na bukod sa pagtulong sa negosyo ng pamilya ay nagmomodelo. Madalang man ang naging pagkikita ng mga ito, nadala pa rin ni Yannie ang pagiging sopistikada at fashionista na taglay na nito bago pa man sila magkakilala. Kahit noong nasa kolehiyo pa lang sila ay madalas kasama ito sa mga pageant. Napakarami ring lalaki ang naghahabol kay Yannie kaya napakapalad niya dahil ng ligawan ito ay hindi siya nahirapang pasagutin ito.
“Look, hindi naman ninyo kailangang bumili,” anas ni Yannie sa mga kaibigan.
“Pero, mas maganda kung may buhok ka kahit pansamantala,” walang prenong ani Trixie.
Hindi na napigilan ni Elijah ang sarili kaya tumayo na siya.
“Pansamantala lang rin naman ito,” katwiran ni Yannie at lihim na napatingin sa kaniya.
“Kapag nakalabas ka o kapag lalabas ka, pwede mong isuot ang wig,” pagpapaliwanag ni Arra.
“O kaya ay pa—”
Hindi na hinintay pa ni Elijah na matapos magsalita si Millet. “Sorry, ladies, but Yannie needs to rest,” deklara niya habang naglalakad palapit sa kama ng asawa.
“Ang bilis naman,” reklamo ni Arra.
“She needs to rest,” he said firmly. “You can meet her some other time.” Sinulyapan niya ang asawa na nakatitig lang sa kaniya. Deep inside him, he didn’t want them around Yannie for some time. Nevertheless, it’s Yannie to decide.
“Babalik na lang kami ulit,” may ngiting pangako ni Millet at isinakbat na ang shoulder bag.
“Next time dala na naming ang mga samples so pwede kang mag-try at mamili.” Lumapit si Trixie kay Yannie at niyakap ang huli.
Matapos makapagpaalam ng tatlo at maihatid palabas ng silid ay hinarap niya ang asawa. “Sorry, I have to do that.”
Umiling-iling si Yannie. “It’s fine. I understand.”
“Magpahinga ka na.”
“Yeah. Darating sina mommy at daddy mamaya kaya dapat may lakas pa ako.”
Inalalayan niya itong makahiga at inayos ang kumot. Humila siya ng silya at doon naupo.
“Elijah, kapag dumating sina mommy at daddy mamaya, pwede bang itanong mo kung tumawag na si Kuya Yuan?”
Napatulala siya sa asawa na nilingon siya. “Si Yuan?”
Nakangiting tumango ito at hindi na naman nakalingat sa kaniya ang kakaibang lamlam sa mga mata ng asawa. “Sabi niya noon, bago tayo ikasal, matatagalan pa ulit bago siya makatawag sa’tin. Siguro nasa special mission na naman iyon. Ilang buwan na’y wala pa ring tawag mula sa kaniya,” pagkukwento ni Yannie bago inilipat ang tingin sa puting kisame.
Sundalo ang nakakatanda at nag-iisang kapatid ni Yannie na si Yuan. Wala ito nang ikasal sila dahil nasa mission ito. Tanging video call lang ang naging kumustahan ng dalawa. Simula ng huling tawag, hindi na nagkausap ang dalawa o mga magulang nito. Naputol lahat ng koneksyon nila mula kay Yuan. Hindi ito ang unang beses na napapasok sa mabibigat na misyon ang lalaki na halos tumatagal ng taon kung mawala. Ngunit dinamdam pa rin ni Yannie na wala ito sa kasal nila at ng mawala ang unang baby nila. At ngayon, kritikal ang kondisyon ni Yannie, hindi sila makakuha ng balita tungkol rito.
Tinitigan siya ng asawa at tila may pumipiga sa dibdib niya dahil sa nakikitang lungkot sa mga mata nito. “Malulungkot sina mommy at daddy kapag nagtanong ako. Kalabisan man, pero pwede bang ikaw na muna ang magtanong?”
“Bakit ganiyan ka magsalita?” Hindi niya mapigilang tanong.
“Gusto kong kumustahin si Kuya Yuan… Tanungin kung okay lang ba siya… Gusto kong sabihing wag siyang masiyadong malulungkot…” tugon nito habang nakatitig sa kisame na tila ba doon ito nakikipag-usap. “Kapag nagkaroon kayo ng pagkakataong makausap siya, pasabing mahal na mahal ko siya. Mahal ko siya kahit wala siya noong kasal natin, noong mawala ang baby natin… o kahit ngayon. Pasabing hindi ako galit…”
“Yannie…”
“Elijah…” Pumikit ito kasabay nang mahigpit na hawak sa kumot. Tumaas-baba ang dibdib nito. “I-set na ninyo ang operation. Handa na ako.”
Gustong matuwa ni Elijah sa sinabi ng asawa pero nakapagtatakang may takot na lumukob sa dibdib niya.
“Love…” Ipinatong niya ang kamay sa kamay ng asawang mahigpit na nakahawak sa kumot.
“Handa na ako, Elijah… I have to move forward…”
Hindi siya tumugon at sa halip ay pinagsalikop ang mga daliri nila. May mga panahong tila walang salita ang makapaglarawan ng nararamdaman niya.
*****
Three days later…
Nakaupo si Yannie sa wheelchair, nakatulala sa kulay asul na langit, dinadama ang malakas na hangin. Sa makalawa ay gagawin na ang operation niya. Gusto niyang mainis sa sarili at hiniling pa iyon sa asawa gayong walang katiyakan kung kakayanin pa niya. Nagsimula sila sa maliliit na dosage ng kung ano-anong gamot, sa matutulis na karayom hanggang kinailangan niyang mag-undergo ng iba’t ibang klase ng chemotherapy pero hindi nagbago ang kalagayan niya. Hindi man sabihin ng pamilya niya at ng mga doctor, nonsense lang lahat ng gamutan na ginagawa nila.
“Kailangan na nating bumalik sa silid mo.” Mahinahong tinig ng nurse ang nagpabalik sa diwa niya.
“Pwede bang saglit na lang? May hinihintay lang akong tawag,” pakiusap niya sa nurse.
Nag-aalinlangan man ay tumango ito. Hindi kaagad pumayag ang doctor niyang payagan siyang lumabas ng silid pero naging mapilit siya lalo pa’t pakiramdam niya ay lumalakas na siya.
Bumaba ang tingin niya sa cellphone. Kanina pa siya nagpadala ng mensahe pero hindi pa rin sumasagot ang pinadalahan niya.
Siguro, abala siya…
Bagsak ang balikat niyang tatawagin na sana ang nurse ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone. Number lang ang lumitaw pero sa ilang beses na naka-text ito ay nasaulo niya ang numerong iyon.
Sinagot niya ang tawag at bago pa mailagay sa tapat ng tenga ang cellphone ay narinig na niya ang malamyos na tinig babae. “Hello?”
“It’s Yannie.”
“Ohh! Yes! Sorry, hindi ko napansin.” Kahit hindi niya nakikita ay nai-imagine niya ang gulat sa mukha nito. Wala sa loob siyang napangiti. “May problema ba? Kumusta ka?” may bahid na pag-aalalang tanong nito.
Lalong lumawak ang ngiti niya. “I’m good, never been better,” aniya at marahang ipinikit ang mga mata habang pinupuno ang hangin ng dibdib. Natural na hangin. Hindi galing sa malalaking tubo. “Thanks for your concern, anyway.”
“Thanks God… Pero bakit napatawag ka pala?”
“I actually don’t know. I just feel like calling you.”
Yannie didn’t hear an answer, so she continued.
“Gaganapin ang operation ko two days from now,” she shared.
“Really?” bakas ang excitement sa tinig nito na tila ba ang sinabi niya ay nakakita siya ng mga anghel na bumaba mula sa langit.
“Yes… But you know what… I’m feeling weird…”
“Why? May masakit ba sa’yo? May kasama ka ba diyan?”
Napabungisngis siya. “My body hurts, but I weirdly feel at ease.”
“Yannie…”
“Hindi ko alam kung magiging successful ang operation o kung anong mangyayari before ang operation pero anuman ang mangyar—”
“Why are you saying that?” Her voice hitched, making Yannie smiles widened.
“Did you ever feel that you’ve been living for too long you wanted to fade in a glimpse?”
Yannie met no answer.
“I’m still young, but I felt I already lived for too long…”
“Stop saying that, Yannie. Ang Lord lang ang makakapagsabi kung hanggang kailan tayo mabubuhay… At si E-elijah pa—”
“I don’t mean anything… I just wanted to share it to you.”
“I see…” She heard a sigh from the other line.
“And do me a favor, will you?”
“As long as I can…”
“It isn’t that big… Don’t stop praying for Elijah…”
The person on the other line remained silent that Yannie had to check her phone if the call was still on going. “Hey…” she muttered to get her attention.
“I’ll pray for both of you…”
“Thank you…”
“No worries, Yannie.”
“I think I have to let you go. Good-bye, Hairah…”
“’Till next time, Yannie,” Hairah said before the call ended.
Yannie looked down at the phone. She smiled at Hairah’s number. What may happen next, I leave it to You, she thought before she erased all their phone calls and messages.
She faced the nurse. “I’m ready to move. Time to rest.”
*****
Fifteen hours later...
Hinawakan ni Yannie ang dibdib na kanina pa niya nararamdamang kumikirot. Kanina lang ay marami siyang nakain na labis na ikinatuwa ni Elijah. Masaya rin silang nagkwentuhan ng asawa hanggang sa parehas antukin na. Ngunit ngayon nama’y tila may tumutusok sa dibdib niya, gayon din sa likuran ng ulo niya.
Alam ni Yannie na malapit na.
Alam niyang hindi na siya magtatagal. Alam niyang hindi rin maglalaon ay iiwan niya ang mundong kinamulatan, ang pamilya, mga kaibigan at ang asawa niya. Alam niya dahil nararamdaman niya. Alam niya ring masasaktan nang sobra si Elijah. Nawalan na sila ng anak at ngayon ay iiwan naman niya ito.
She didn't want to leave him. But, what could she do? Hindi siya ang may hawak ng buhay niya. Hindi siya ang nagtatakda kung hanggang kailan siya maaaring mabuhay. Ang alam niya lang, sa pag-alis niya, sa paglisan niya, may mga taong tiyak na hindi iiwan at pababayaan si Elijah—ang mahal niyang asawa.
Ang dasal niya lang, sana ay makabangon kaagad ito sa sakit na iiwan niya. Maging maligaya sa buong panahong mabubuhay ito.
Patuloy ang pagkirot ng dibdib niya ngunit payapa at kontentong ngumiti si Yannie habang marahang hinahaplos ang ulo ng asawa niyang nakaubob ang ulo sa gilid ng hospital bed. Nanginginig ang halos buto’t balat niyang mga kamay pero gusto niyang hawakan ang asawa, kahit man lang sa kahuli-hulihang sandali.
Isang butil ng luha ang bumagsak sa gilid ng mga mata niya habang pinagmamasdan ang asawa. Kung maaari niya lang dalahin ang posibleng sakit na mararamdaman nito sa oras na mawala siya ay gagawin niya.
If only she can...
Yannie shut her eyes as another pain shot inside her. Hindi niya maintindihan kung saang bahagi ng katawan niya pero hindi siya sumigaw o nagsalita man na gaya ng dati.
It's going to end... The pain will fade…
Batid niyang sandali na lang at matatapos na ang lahat ng paghihirap at sakit na nararamdaman niya.
Ilang sandali pa’y ang sakit na nararamdaman ay nadagdagan pa ng tila unti-unting pagkaubos ng hangin sa dibdib niya. Huminga siya sa tubong nasa bibig niya pero hindi sapat iyon, hindi na kaya ng makina na patuloy siyang buhayin. Ibang hangin ang kailangan niya. Nagmulat siya ng mga mata at itinuon ang tingin sa itim na krus na nasa may dingding. Isang pagod ngunit masayang ngiti ang sumilay sa labi niya.
It's getting near... And she could feel it.
Sa kahuli-hulihang sandali, inusal niya ang huling panalangin niya. Oh God, help all the people I love to move on. Please, help Elijah to keep on moving without me, help him to get over me. Please, let Elijah be happy again. Let him laugh, smile, and live long. Even it's not me who's going to make that anymore. Please, let him. I'm setting him free, and let me come with you. I'm sorry if it's too late for me to realize everything. I'm sorry...
Umarko ang katawan ni Yannie upang sumagap ng hangin pero nakapagtatakang wala na siyang maramdaman.
Wala ng sakit.
Wala ng paghihirap.
Ipinikit niya ang mga mata kasabay ng pagtigil ng kamay sa ulo ng kaniyang asawa. Nagdilim ang paningin niya habang tuluyang naglalaho ang sakit. Ang hindi niya alam, sabay nang pagbagsak ng kamay niya'y ang pagmulat ng mga mata ni Elijah at malakas na pagtunog ng makinang nasa gilid ng kama. Hindi magkaintindihan si Elijah kung anong gagawin.
Ilang sandali pa't ang malakas na tunog ng makina ay nasundan pa ng maingay at hindi magkaintindihang mga doctor at nurse. Ngunit nasa payapa ng mundo si Yannie, payapang nakangiti habang sa tabi niya'y lumuluha ang asawa niya.
“Yannie, love, wake up. Please wake up!” Nagmamakaawa sigaw ni Elijah habang pilit ginigising ang payapa ng asawa.
“Doc, ang heartbeat niya,” hindi na naitago ng nurse ang pag-aalala sa tinig habang nakatingin sa monitor ng makina.
“Ihanda ang defibrillator!”
Nag-aalinlangan na lumayo si Elijah upang bigyan ng lugar ang mga doctor. Panay ang dasal niya habang walang tigil rin sa pagbagsak ang mga luha na nakatitig sa tila lantang gulay na asawa. Hindi na talaga ito gumagalaw kahit pa ng kung ano-anong ginawa ng mga nurse dito.
Nagsenyasan ang nurse at doctor. “Clear!” malakas na sigaw ng doctor sabay patong sa dibdib ni Yannie ng electrode pads. Umarko ang katawan nito pero bumagsak muli ang katawan nito sa kama, hindi pa rin gumagalaw. Inulit ng doctor ang ginawa, ilang beses itong sumigaw ng clear, ilang beses na tila kaybagal ng paggalaw ng paligid habang nakatitig si Elijah sa asawa, umaarko ang katawan at babagsak sa kama na wala pa ring buhay.
Nanlalabo man ang tingin niya dahil sa luha, nakikita niya ang nangyayari pero walang mag-sink in sa isip niya. Naramdaman niyang may humawak sa kaniya, may tumatawag sa pangalan niya pero isa lang ang malinaw sa kaniya…
“Time of death 11:12,” tahimik na anunsyo ng doctor pero tila isang napakalaking pasabog noon. “I’m so—”
“No!” mabilis niyang nilapitan ang doctor. “Hindi totoo ‘yan. Do something! Please, do something!” Nilapitan niya ang hindi gumagalaw na katawan ng asawa. “Yannie, please, wake up. Love… P-please, I’m begging you, don’t leave me. Yannie!” Niyakap niya ang katawan ng asawa. Walang tugon. Walang paggalaw.
“I’m sorry, Mr. Pelaez.” Iyon ang huling salita ng doctor bago sandaling iniwan sila.
Walang tigil si Elijah sa pagluha habang yakap ang wala nang buhay na asawa. Paulit-ulit niyang ibinubulong na imulat ng asawa ang mga mata at nagmamakaawa sa langit na bigyan pa sila ng konti pang panahon. Kahit konti pang panahon...
Ngunit lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan at iisa lang ang tanging nakakaalam ng lahat...
Isa lang ang nakakaalam ng katapusan ng bawat nilalang… Isa lang ang makapagsasabi kung saan ka sunod na tutungo…
*****