"Then Job replied to the Lord: "I know that you can do all things; no purpose of yours can be thwarted." – Job 42: 1-2
“Hey, Hairah? Okay ka lang ba?”
Nag-aalalang tinig ni Elijah ang napabalik sa huwisyo ni Hairah.
“Ha… Ah...” Hindi niya maiwasang hindi mag-stammer habang gulat pa ring nakatingala rito.
“Hindi ko sinasadyang gulatin ka. Sorry.”
Iniiwas niya ang tingin rito at pasimpleng sinuyod ng tingin ang paligid. Mukha namang walang nakapansin sa kaniya dahil abala pa rin ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa. Ibinalik niya ang tingin kay Elijah. He was wearing his genuine apologetic look, and it made her heart lurched.
Oh God… It’s not good.
She swallowed then nodded. It’s the only thing she could do right now.
“Okay lang bang makiupo ako?” tanong nito habang nakatingin sa kaniya. “Wala na kasi akong makitang mauupuan,” dugtong pa nito.
“S-sure. Help yourself.”
Pinagmasdan ni Hairah nang maupo si Elijah sa upuang nasa katapat niya. Sa hinuha niya’y kalalabas lang nito ng trabaho. Nakasuot ito ng white t-shirt at ang palagi nitong suot na black jacket, navy blue slacks, at medyo magulo ang lumalagong buhok nito. Magulo man ang buhok nito para bang nagpadagdag lang sa iyon kagwapuhan nito. Bahagyang humahalik na sa noo ang ilang hibla ng buhok nito na tila ba ibinagay sa makapal at itim na itim na kilay nito.
Natuon ang tingin niya sa mga mata nito. Wala pa rin itong ipinagkaiba. The light in his eyes were still dim and guarded. His lips were smiling, but it’s not the same. It was stiff. So ungiving.
“Okay ka lang ba?”
Napapitlag siya nang magsalita ito habang nakatingin sa kaniya. “Huh? Ah…”
Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito. “Natulala ka na diyan,” biro nito. “Tinatanong ko lang kung may kasama ka o baka mamaya may hinihintay ka pala.”
“Ha? Ah… ano…”
Ilang ah pa ba ang sasabihin mo, Hairah?
Tumuwid siya nang upo. “Wala, mag-isa lang ako,” natataranta niyang tugon at kunwa’y ibinalik ang tingin sa ginagawa. Ang mga ideyang nasa isip niya kanina’y nilipad na ng hangin.
Oh, God, bakit ba ganito ang epekto sa kaniya ng lalaking ito?
“I see,” he said between a soft smile. Napilitan siyang ibalik ang mga mata dito. Tumango-tango ito habang sumusubo ng kanin, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.
Ito ang unang beses na makikita niya itong kumain, sa harap niya at makakasabay pa niya. Hindi niya lubos akalaing magiging ganito sila kalapit na tila ba napakatagal na nilang magkakilala.
She nabbed her last fries and shove it inside her mouth Kailangan niyang i-distract ang sarili. Kailangan niyang ituon ang sarili sa ibang bagay bago pa siya mawala sa sarili at panoorin na lang ang lalaki na kumain.
“Working while eating seemed unhealthy.” Dinig niyang komento ni Elijah dahilan para magtaas siya nang tingin dito.
Napangiwi siya. “May kailangan lang akong tapusin.”
“Crowded rito, nakakapag-concentrate ka?” He tilted his head as he asked her.
Ngumiti siya sabay tango. “Ang totoo ay…” Niligid niya ang tingin sa paligid. Nag-aalangan si Hairah kung tama bang sabihin niyang ang presensiya ng mga taong ito na hindi naman niya kilala ng kailangan niya. “Sinadya kong pumunta rito,” pagpapatuloy niya at ibinalik ang tingin kay Elijah. “I just ordered food para may rason ako. Their noises… sort of… helping me out.”
Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Elijah habang nakatingin sa kaniya.
“Sounds weird, right?”
Nakangiting nagkibit-balikat ito. “People have their own way,” anito at nagtuloy na sa pagkain.
Hairah couldn’t help but smile.
Yeah. He’s just like that.
Ibinalik niya ang tingin sa chromebook at nagbukas ng e-mail.
“Hindi ba ako nakakaabala sa iyo?” tanong nito.
“Hindi naman,” mabilis niyang tugon habang nagse-send ng e-mail sa agent niya. She waited until the e-mail was sent, shut the chromebook down, and put it inside her bag before turning to her food.
Inabot niya ang Jolly hotdog at kinagatan iyon. Sa buong panahon na iyon ay katahimikan ang namagitan sa kanila. Sa kabila ng ingay ng paligid, pakiramdam niya’y solo nila ang lugar.
“Kalalabas mo lang ba?” tanong niya nang hindi makatiis sa katahimikan.
“Oo. Eight ang tapos ng duty ko pero may dinala kasi ako malapit lang dito at nang makita ko si Jollibee na kumakaway,” tumigil ito at mahinang tumawa, “nakaramdam ako ng gutom bigla.”
Natutuwa siyang kahit papaano’y nagagawa nitong ngumiti, tumawa at magpatuloy. Gayunman, hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Hairah knew, deep within Elijah, the pain of losing Yannie left a deep wound.
“May dumi ba ako sa mukha?” biglang tanong nito sa kaniya ni Elijah. Umabot pa ito ng tissue at pinunasan ang bibig.
Mabilis na nagbaba siya nang tingin at kinagat ang pang-ibabang labi. “W-wala,” nahihiyang sagot niya.
Nakakahiya ka, Hairah! Sobra!
Hindi ito nagsalita kaya medyo napalagay ang loob niyang wala naman itong napapansin. Lumagok siya ng iced tea habang si Elijah ay hinihiwa ang fried chicken nito.
“K-kumusta a-ang trabaho?” casual niyang tanong.
Nag-angat muli ito nang tingin pero hindi ito sumagot. Nagkasalubong ang mga mata nila ngunit wala siyang mabasa sa mga mata nito. Gusto niyang mag-iwas nang tingin pero pinilit niyang makipagtitigan dito. She wanted to know. She needed to.
“Okay?” tugon ni Elijah pero dama niyang labas sa ilong ang sagot nito.
“Sorry... I-I don’t mean to b—”
“I’m good. Don’t worry about me.”
“Hope so...” Diretsa niyang pahayag bago tumanaw sa labas. Puno ang kalsada ng mga tao at sasakyan. Sa dami ng mga taong makakasalamuha sa araw-araw, hindi siya nakatitiyak kung ano-ano ba ang pinagdaraanan ng bawat taong ito.
“Thank you for your concern.” She heard him muttered.
"It's nothing," she murmured, and she smiled—a faint smile at the glass.
Hairah kept on staring at the glass watching in haze as she speaks quietly. “You know, we almost lost our father,” she started. She felt how the air shifted. “Though, sa biyaya ng Lord ay kasama pa rin namin siya ngayon. Iyong ilang araw na wala siyang malay at walang kasiguruhan kung gigising pa. Hindi ko makakalimutan iyon.” Napakagat-labi siya habang binabalikan ang ilang masakit na alaala. Hindi niya gusto pero hindi niya rin mapigilan ang sarili. “Pakiramdam ko noon at tila umangat ang impyerno mula sa ilalim at isinaklob sa amin. He’s fine now, stronger than ever, but the pain of what had happened, mahirap alisin at kalimutan iyon. You may forget it for a short or maybe long period of time, but when it found its way, bumibisita siya para kumustahin kung nakalimot ka na ba.”
Tumigil siya sa pagsasalita, huminga nang malalim, sumandal at itinuon ang mga mata kay Elijah. Blangko ang mukha nito at alam ni Hairah na bumabagtas siya ng maling daan pero gusto niyang maunawaan nito ang isang bagay, kaya muli siyang nagsalita, “In some ways, magkaiba tayo. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na… Nauunawaan ko ang pinagdadaanan mo at tandaan mong hindi ka nag-iisa sa daang iyan,” puno nang sinseridad na pahayag niya.
Hindi niya natitiyak kung saan siya nakakuha nang lakas ng loob para sabihin ang mga lahat ng iyon. Ang importante sa kaniya ay maipaalala rito na anumang mangyari—hindi ito nag-iisa. Hindi sila nag-iisa.
“Hairah…” Elijah whispered as he trained his eyes on her.
It felt good to hear him said her name. She was hoping that when he did it, anguish wouln’t be there. Hindi niya makayang tagalan ang pait, lungkot at sakit sa mga mata nito. Sa bawat sandaling pinagmamasdan niya ito’y para bang milyon-milyong maliliit na karayom ang tumutusok sa puso niya.
Nangingibabaw na naman ang emosiyon niya kaya bago pa siya bigla na lang lumuha sa harap nito ay mabuti pang umalis na siya.
“I’m done eating,” she announced. “Kung okay lang sa’yo, mauna na ako.” Akmang tatayo na siya para umalis nang pigilan siya nito.
“Nagmamadali ka ba?”
“H-hindi naman. Bakit?” nagtatakang tanong niya.
“Can you do me a favor?” he asked. She saw the uncertainty in his eyes.
“Ano iyon?”
Hindi ito tumugon. Sa halip, uminom lang ito nang mabilis, tumayo at isinakbat ang bag sa balikat. And to her surprised, he held her wrist.
“Come.”
Naglipat ang tingin niya sa inabandonang pagkain nito at kamay nitong nakahawak sa pulsuhan niya. Hindi pa siya nakakabawi ay marahang hinila siya nito. Para naman siyang tuod na sumusunod dito habang nakatingin sa mga daliri nitong nakapulupot sa pulsuhan niya.
Kasabay nang pagbilis ng t***k ng puso niya ay ramdam niyang gumegewang ang barrier na ginawa niya. Sa sandali lang paglapat ng kamay ni Elijah sa kaniya ay kayang-kaya nitong tunawin ang resolution na binuo niya.
Oh God, why is this happening?
She heard no return and she didn't find any answers.
Nakarating sila kung saan naka-park ang motor nito. Binitawan nito ang kamay niya bago kinuha ang helmet. Nilingon siya nito. “Can you come with me for a while?”
Hairah stared at his eyes. She saw a faint light, so faint it made her inside twinge. “Sure,” she answeres, sounding so sure even if she wasn’t.
Bahagyang sumungaw ang pagkagulat sa mga mata nito na tila hindi nito akalaing papayag agad siya.
“I’ll drive you home after this,” he promised.
“No pressure.”
He lifted his chin, and gave her his helmet. “Please, wear this.” Nag-aalangan siyang tanggapin ang helmet nang magsalita ito muli. “Ako ang humingi ng pabor sa’yo kaya dapat na ikaw ang magsuot nito. I need to keep you safe.”
Umawang ang labi ni Hairah dahil sa sinabi nito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kiliti sa puso na agad din niyang sinupil. Hindi ito ang tamang panahon para isipin niya ang sariling nararamdaman.
“Okay.”
Sumakay ito ng motor at pagkabuhay nito ng makina ay sinenyasan siyang maaari na siyang umangkas. Noong una’y nakaramdam siya nang pag-aalinlangan ngunit pagkaraan ay umangkas din siya.
“Please, hold on.”
“Uhuh,” mahina niyang pagsang-ayon. Pinilit niyang maglagay ng distansiya sa kanilang dalawa kahit parang imposible. Hindi ito ang unang beses na aangkas siya sa motor ng isang lalaki. Umaangkas siya sa sa motor ng kapatid, o kahit ng mga kaibigang lalaki kaya hindi masasabing baguhan lang siya.
Pero iba si Elijah…
“Okay ka na?” tanong ito.
“Yep.”
Sa simula’y mabagal ang pag-andar ng motor hanggang sa tuluyan na itong bumilis. Habang mabilis na umaandar ang motorsiklo ay tila kasabay niyon ang pagdaloy ng estrangherong pakiramdam loob niya. Pakiramdam niya’y hangin na malayang nakakapaglakbay kung saan niya gustuhin. Para siyang nasa isang magandang panaginip at humihiling na sana’y huwag na siyang magising pa.
Naramdaman niya ang bahagyang pagbilis nang takbo ng motorsiklo ngunit kahit katiting na takot ay hindi siya nakadama. Minasdan niya ang paligid, ang mga nadadaanang tindahan, establisyemento at ang malawak na daan. Walang gasinong traffic kaya naman napaka-smooth nang naging takbo nila. Hindi na rin siya nagulat nang nagbago ang ruta nila kasabay nang bahagyang pagbagal nang takbo nila. Napansin niya na tila nililingon siya nito habang nagsasalita.
Mas lumapit siya rito para madinig ito. “Ano iyon?” malakas niyang tanong dahil hindi niya naiintindihan ang unang sinabi nito.
“Kumapit ka nang mabuti,” malakas na paalala nito sa kaniya.
Tumango siya bilang tugon.
Nagmaniobra ito at muli’y lumiko sila. Sa pagkakataong ito ay paahon na ang daang tinutunton nila dahilan para mas lalong bumilis ang pagtakbo nila, mas mabilis pa noong una na tila lumilipad sila. Wala siyang nagawa kundi ilipat ang dalawang kamay sa may balikat nito. Humigpit ang kapit niya roon kasabay nang pagragasa ng kakaibang pakiramdam nang mapagtanto ang daang binabagtas nila.
Napalunok siya at napahinga nang malalim. Pakiramdam niya'y may kung anong mabigat na dumagan sa dibdib niya.
Anong nangyayari? Bakit kami narirto?
Nakatuon ang buong atensyon ni Hairah sa mataas na kulay itim na gate. Papasok sila sa loob ng mataas na gate. Habang palapit ay mas lalong naging malinaw ang mga salitang nakaarko sa itaas.
Eternal Garden.
Pamilyar sa kaniya ang lugar. Hindi siya pwedeng magkamali.
She was drawing a breath as she made an effort of calming herself when the bike entered the gate. For the nth time, she just acted in impulsive. She wasn’t thinking wisely, or may be not at all. She just nodded to Elijah, went into his way, without even thinking.
Foolish move, Hairah!
She squeezed her eyes tightly, silently discoursing herself.
“You okay?”
Hairah’s eyes flew open when she heard Elijah’s concern voice. She whipped her head on him just to realize that his head was turned at her, his eyes and face was mirroring his voice.
“Oh?” she gasped, realizing what just happened.
“Okay ka lang ba? Namumutla ka?” nag-aalalang tanong muli ni Elijah.
“Y-yeah, I-I think so.” Hairah keeps on stammering as she whipped her eyes around. Hindi niya napansing nakatigil na sila at ipa-park na nito ang motor. “D-dito na ba tayo?” tanong niya bago dali-daling inalis ang pagkakahawak sa balikat ni Elijah.
Sa pagmamadali ring bumaba ay muntik nang sumabit ang paa niya kaya halos patalon siyang nag-landing sa semento. Idagdag pang dala nang pagkataranta at kaba ay tila nawalan ng lakas ang mga binti niya.
She swayed, but fortunately Elijah’s arm catched her.
“Hey, relax,” maagap na saad ni Elijah habang ang isang braso ay nasa likod ng balikat niya at pinipigilan siyang bumagsak. Nakaupo pa rin ito sa motor at ang kalahati ng katawan ay nakapaling sa kaniya. Manghang napakurap si Hairah kay Elijah habang hindi makapaniwalang napigilan nito ang pagbagsak niya.
Lihim siyang napasinghap nang maamoy ang pabango nito.
Geez, he smells nice…
Hairah stared at him and Elijah stared back.
It last for about twenty seconds before the unfamiliar feeling crept inside her.
It’s awkward.
“Can you stand now?” he asked.
“Sa tingin ko,” mabilis niyang sagot habang pilit naglalagay ng distansiya mula kay Elijah. Bahagya siyang tumalikod dito at pasimpleng pinakakalma ang sarili.
Naghahalo ang tension, kaba at hiya sa katawan niya.
“Pasensiya ka na. Hindi ko nasabi sa'yo na magiging mataas ang aahunan natin,” pagpapaliwanag nito habang nakatalikod pa rin siya rito. “Okay ka lang ba talaga?” kahit hindi nakatingin ay alam niyang palapit ito sa kaniya.
Napilitan siyang lingunin ito at binigyan ng munting ngiti. “Okay lang ako. Wag mo akong alalahanin.”
“You sure?” Pilit nitong hinuhuli ang mga mata niya ngunit siya na rin ang kusang nag-iwas nang tingin dito.
Bilang sagot ay tumango siya rito.
“Kapag okay ka na a—“
“Okay na ako at pwede na tayong maglakad,” mabilis niyang sansala.
“Okay," namamanghang bulong ni Elijah.
Buong akala ni Hairah ay aalis na si Elijah sa gilid niya pero nananatili pa rin itong nakatigil. Nagtatakang nilingon niya muli ito at nabatid na nakatingin pa rin ito sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang reaksyon sa mukha nito.
“Bakit?” siya naman ang nagtataka dito.
*****
“Bakit?”
Tinitigan ni Elijah si Hairah. Kapag nakikita niya ito minsan hindi nagiging tama ang paggana ng utak niya, at tsaka niya lang nare-realize ang mga ginagawa niya.
Hindi sinagot ni Elijah ang tanong ng dalaga at sa halip ay ibinaling ang mga mata niya ang direksyon nang pupuntahan nila. Ang lugar kung saan naroroon ang malamig at wala ng buhay na katawan ng kaniyang asawa.
Nang araw na mailibing si Yannie ay halos ayaw niyang tumapak sa lugar na iyon. Noong ika-forty days nang pagkamatay ni Yannie ay hindi niya magawang bumalik sa lugar. Ngunit ang labis niyang ipinagtataka ay matapos niyang makausap si Hairah kanina, nang marinig ang kwento nito, nang sabihin nitong nauunawaan siya ng dalaga ay tila nagkaroon siya ng lakas ng loob. Unang pumasok sa isip niya na puntahan ang libingan ng asawa. Gusto niyang puntahan ito kahit na nga alam niyang wala na ito roon. Gusto niyang kausapin ito kahit na alam niyang wala namang tutugon sa kaniya.
Ngunit hindi niya ginagamit nang maayos ang utak nang bigla na lamang inaya ang dalaga na samahan siya. Hindi niya inaasahang magpapaunlak ito, sa kabilang banda ay hindi na rin nakakagulat. In just few meetings and in a short time, he grew accustomed to her.
Elijah found out that Hairah was sweet, she’s concern, she’s understanding, and most of all she’s trustful.
Isang bagay lang ang madalas niyang napapansin dito, madalas itong maglagay ng distansiya sa pagitan nila. Hindi literal na distansiya pero ‘yung klase ng distansiya na tila ba umiiwas itong mas mapalapit sa kaniya.
“I’m sorry,” he suddenly muttered, and swung back his eyes to her.
Hairah’s eyes blinked while her lips slightly parted as she gazed at him. Madalas niyang napapansin ang ganitong reaksyon nito lalo na kung hindi nito inaasahan ang mga gagawin at sasabihin niya. And, it’s make her looked more innocent when she’s doing that.
“Para saan?” Ang malamyos na tinig ng dalaga ang nagpabalik sa huwisyo niya.
“For suddenly bringing you here. Hindi ko naisip kung—“
“Kapag nalulungkot ang tao o may pinagdadaanan sila madalas ang ginagawa na lang nila ay kung anong magpapaluwag sa dibdib nila. Ngunit, hindi valid reason iyon lalo na kung gagawa ka nang hindi maganda.” Sinalubong nito ang tingin niya at muling nagpatuloy. “And you didn’t do anything to me. You asked before, and I willingly accompany you, because I know that you need it.”
Elijah stared at her before he muttered, “Thank you for trusting me.”
“No,” she said while shaking her head. “You trusted me.”
“Nahihiya na tuloy ako sa iyo,” naiiling na nakapamulsang ani Elijah.
Hairah’s eyes blinked again, but this time, something ablaze in her eyes. “It’s nothing.” Nakangiti nitong wika habang nakatingin sa kaniya. At muli, hindi nakalingat sa kaniya ang kakaibang kislap sa mga mata nito.
“Thank you, Hairah.”
She beamed timidly and said, “Yeah, let’s go.”
Sabay silang naglakad.
Kailanman hindi niya nakitang mangyayari ito. Gaya nang hindi niya nakitang kaagad din palang kukunin sa kaniya ang dapat sanay magiging unang supling nila ni Yannie. Gaya din ng hindi niya alam na kaagad matutuldukan ang pagsasama nila ni Yannie dahil sa pagkawala nito.
Hindi niya inaasahan ang lahat.
*****