Chapter Nineteen

2459 Words
Reasons are the pillar of the mind. – Edward Counsel Gusto ko lang sabihing, natakot ako kanina... Pero, naniniwala akong makakauwi pa rin ako. Salamat sa padating, Elijah… Hindi na matandaan ni Elijah kung ilang beses na paulit-ulit na sumasalit sa isip niya ang mga sinabi ni Hairah. Nakauwi na siya, nakapagpalit ng damit, at kasalukuyan nang nakahiga sa sofa sa salas pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang nakangiti nitong mukha, kumikislap na mapupungay na mga mata habang sinasabi ang mga salitang iyon. Hindi man diretsang sabihin ng dalaga’y tila sinasabi nito na anuman ang mangyari, masama man o maganda, magiging maayos ang lahat. But Elijah knew better. And even though Hairah’s motive was good, he’s not into it. Bumangon si Elijah at inabot ang isang throw pillow. Inilagay iyon sa ilalim ng unang ginagamit niya bago nahiga muli. Ipinikit na niya ang mga mata at pinilit matulog. Wala pang ilang minuto ang nakakalipas ay sinipa niya ang kumot na nakapatong sa binti niya at tumagilid ng higa. Komportable man ang pagkakahiga niya, hindi siya dalawin ng antok. Bumalik siya sa unang posisyon at itinakip ang likod ng palad sa mga mata. Dumaan ang ilang segundo at bumalikwas muli siya ng bangon. Gusto na niyang matulog at kalimutan pansamantala ang pilit iniignorang sakit at lungkot. Pero kahit saan siya pumaling, hindi niya maramdaman ang kapayapaang hinahanap. Mali si Hairah… Hindi magiging maayos ang lahat. Hindi na maaayos pa ito. Ang isipin pa lang ni Elijah na wala nang sasalubong sa kaniya sa pag-uwi kapag off-duty si Yannie. Wala nang yayakap at masayang babati. Wala na siyang kasabay pumasok sa trabaho kapag nagkakasabay ang duty nila. Wala nang tatawag sa kaniya para itanong kung naging mabuting pulis ba siya ng araw na iyon. Wala na… Mag-isa na lang siya. Ang tangi na lang niyang kasama ay ang katahimikan. Nang hindi na makatiis si Elijah, tumungo siya sa kusina, binuksan ang refrigerator at tumingin sa hilera ng bote ng alak. Ilang segundo niyang tinitigan ang bote ng alak. It won’t help you, my child. Ikiniling niya ang ulo bago piniling kumuha ng tubig. Umabot siya ng baso at inilang lagok ang laman ng babasaging pitsel. Nang mahimasmasan ay bumalik siya sa salas. Habang nililimot ang kumot na nagpatak sa sahig ay napalingon siya sa orasang nasa ibabaw ng center table. 3:30 a.m. Mag-uumaga na pero napakalayo pa rin ng antok. Humiga na siya habang ang isip ay nasa katotohanang hanggang ngayon, hindi pa niya kayang matulog sa silid nilang mag-asawa. Noong unang gabing matulog siya roon na wala na si Yannie, hindi siya makatulog at tila masisiraan ng ulong hinihintay ang pagpasok ng asawa sa pinto. Hindi niya magawang ipagkit ang mga mata sa pinto, umaasang papasok roon ang nakangiti at masiglang asawa. Isang bagay na imposibleng mangyari. At masiyadong masakit. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang lunurin ang sarili ng katahimikan. Hindi niya alam kung hanggang kailan magtatagal ang sakit o kung mawawala pa ba. Pero isang bagay lang ang natitiyak niya, hindi magiging madali ang lahat. ***** Sleep sometimes comes in a hard way. Sometimes it doesn’t really come. Hairah knew this time was one of those sometimes. She looked at her digital clock. It’s already 3:30 in the morning, and despite the tiredness and weariness of what she had went through yesterday, sleep was in the mood to play out. Hairah tossed and turned on her bed. She grabbed her blanket and covered her whole body. She changed the position of her fluffy pillows. She also tried to sleep while her two legs hanging beside the bed. But all of these did nothing. That’s when Hairah decided to get up. Pumunta siya sa kusina. Nagbanaw siya ng mainit na gatas, dinala iyon sa silid at doon uminom habang nagbabasa ng isa sa mga libro niya. Hindi niya alam kung ilang minuto rin ang lumipas hanggang sa maramdaman niya ang pamimigat ng talukap ng mga mata. Sinamantala niya ang antok na sumisilip. Ngunit bago pa siya tuluyang makatulog ay sumalit sa balintataw ang imahe ng taong kanina lang ay kasama niya. Ang lalaking dahilan kung bakit ang puso niya’y hindi pa kayang ibigay sa iba. Bakit ba hindi na lang siya nagmahal ng iba? Bakit si Elijah pa? Totoong kadalasan, mapanlinlang ang puso. ***** “Thanks for the reminder, but as you can see, it won’t change anything…” Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Hairah. Sumalubong sa mga mata niya ang puting kisame. Bumalikwas siya bangon at iniligid ang tingin sa paligid. Nasa sarili niyang silid siya. Marahan niyang tinapik ang sarili at kaagad niyang naramdaman ang sakit. Gising na nga siya pero ang hindi niya maunawaan ay kung bakit tila narinig niya ang malungkot na tinig ni Elijah at ang mga sinabi nito ng ihatid siya. Naiinis na hinila niya ang laylayan ng buhok niya. Nababaliw na ata siya. Lumingon siya sa bintanang natatakpan ng kulay asul na kurtina. Nakikipagpaligsahan ang malakas na sikat ng araw sa kurtina. Tiningnan niya ang orasan. Alas-nuwebe na ng umaga. Hindi nakapagtatakang napakaliwanag na sa labas. Tuluyan na siyang bumangon, nanalangin, naghilamos at kung ano-ano pa bago lumabas ng kaniyang kwarto. “Morning...” bati niya kina Helena, Henry, at sa ina. Halos sabay-sabay na napalingon sa kaniya ang mga kapatid na abala sa panonood sa t.v. ng pelikula habang ang ina ay may hawak na ballpen at maliit na notebook. Tumigil ito sa pagsusulat at tiningala siya. “Gising ka na pala. Kumain ka muna,” alok sa kaniya ng ina habang inaayos ang salamin sa mata. “Morning, ate,” bati ni Helena. Tinanguan niya lang ito at naglakad na patungo sa kusina. Gusto niya ng kape para mabuhay naman ang dugo niya. “Kumusta pala, ate? Paano ka nakauwi kagabi?” sunod-sunod na tanong ni Henry na hindi niya napansing sumunod pala sa kaniya. “Okay lang ako, Henry.” “Bakit hindi ka ba sinundo ni Henry kagabi?” gulat na tanong ng ina nila. Sabay silang natigilan ni Henry at nilingon ito. “Akala ko ba ay sasaglit ka? Bakit hindi mo nasundo ang ate mo?” “Eh, kasi po… Hindi ako makaalis kagabi…” kakamot-kamot sa ulo na sagot ni Henry. “Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi at sana’y nakiusap ako sa Kuya Bill mo?” Sinulyapan niya ang kapatid na tuluyan nang nagyuko ng ulo. Magsasalita pa sana ang nanay niya ng pigilan niya na ito. “Okay lang, ma. Nakauwi na naman po ako.” Binalingan niya si Henry. “Kumain na ba kayo?” “Kumain na kami, ate. Ipaghahanda na lang kita.” Pagpiprisinta ni Henry bago umuna na sa kaniya papasok ng kusina. “Naghuhugas ng kamay,” dinig niyang pang-aasar ni Helena. Sinamaan niya ito ng tingin. “Ginigising kita kanina. Kaya pala hindi ka man lang natinag. Mag-uumaga ka na nakauwi?” biglang tanong ng kaniyang ina. “Opo,” tugon niya. “Sino naghatid sa iyo, ate?” tanong ni Helena. Napaisip siya kung sasagot pero sa huli’y mas minabuti niyang magsabi ng totoo. “May dumaan na police car. Nakisabay na ako. Inihatid nila ako hanggang dito sa bahay. Hindi ko na lang kayo ginising nang dumating ako,” mabilis at pinaikling kwento niya. Wala siyang balak na ikwento na si Elijah ang naghatid sa kaniya. Maaring walang kahulugan iyon sa iba, pero wala siyang tiwala sa sariling hindi siya magpapakita ng emosyon kapag nakwento ang tungkol sa lalaki. Walang alam ang pamilya niya sa nararamdaman niya para rito. At tiyak niyang hindi papalakpak sa tuwa ang mga magulang niya kapag nalaman iyon. “Sinong pulis ang naghatid sa iyo, ate?” Hindi nakalagpas sa kaniya ang pagkislap ng mga mata ng kapatid na babae. Wala na ang atensiyon nito sa pinapanood kundi nasa kaniya na. “Wag mo—.” Napatigil siya ng bigla na lang magsalita ang papa niya na kagagaling lang sa labas ng bahay. “Bakit inihatid ang ate ninyo ng pulis?” Seryoso ang tinig ng ama niya. Nakatingin ito sa kaniya at hindi niya gusto ang paraan ng pagseryoso ng ama. Lagot na… Sinulyapan niya ang ina. Nagpapasaklolo. Nakakaunawa namang tumango ito. “Pakainin mo muna ang iyong anak. Wala pa iyang almusal,” mahinahong ani ng ina niya at sinenyasan siyang umalis na. “Sige, Hairah. Lumakad ka na sa kusina at kumain ka muna.” Sinulyapan niya ang ama na tuluyan nang nakapasok ng bahay. Nginitian niya ito na lalo namang nagpasalubong sa kilay nito. Lagot talaga. Pumasok siya ng kusina at kumain habang pinakikinggan ang paliwanagan na nagaganap sa salas. Napapailing na lang siya habang pinakikinggan ang ama. Noong una ay tutol ang mga magulang niya sa pagsali niya sa mga volunteer service. Hindi gusto ng mga ito na halos hindi na siya tumitigil sa bahay o kaya ay ilang araw na nawawala para pumunta kung saan-saan. Dumating pa sa point na tumatakas siya kaya lalong hindi nagustuhan ng mga ito ang ginagawa niya. Sa kabila ng edad niya, may pagkakataon pa ring parang isang dalagita kung tratuhin siya ng mga ito, lalo na ng ama. At hindi niya masisisi ang mga magulang. Ilang beses na umaalis siya ng bahay kahit na hindi pumapayag ang mga ito. Mahal at gusto niya ang ginagawa. Masaya siya kapag nagtuturo sa mga ulilang bata, hindi lang kung paano bumasa at sumulat kundi ng totoong liwanag at pag-ibig. May kakaibang hatid sa tuwing pinapanood niya ang mga matatandang tila kinalimutan na ng panahon na ngumingiti at tila mga batang naghihintay sa pagdating ng Ama nila. Hanggang isang araw, na-realize niyang, anong sense ng paglilingkod kung mali naman ang nagiging paraan niya. Kaya ipinaliwanag niya sa mga magulang ang lahat. Sa tulong nina Miss Annie, ng mga panalangin, at sa biyaya ng Lord, sumang-ayon rin ang mga magulang niya. “Sa susunod na gagabihin iyang batang iyan, magsabi na kaagad kina Bill o sa kaniyang kuya Roy. Alam kong palaging may nagbabantay sa kaniya pero mas mabuti nang nag-iingat.” Naiiling pero malapad ang ngiting sumubo siya. Kausap pa rin ng papa niya ang mama niya pero halata namang pinaparinggan siya nito. “Gumawa si mama ng lemon juice, gus—?” “Pumunta ka na roon at ako ng bahala. Wag kang mag-alala kay papa,” agaw niya sa mga sasabihin pa ni Henry. Nakagaling na ito sa salas pero bumalik uli sa kusina nang marinig ang mga sinasabi ng ama. Hindi kaagad ito kumibo. “Salamat, Henry. Hindi ka man dumating… May pinadala naman ang Lord,” nakangiting aniya at kinindatan ito. Tahimik lang itong tumango at naglakad na palabas ng kusina. Kung dumating si Henry, hindi sila magkakausap ni Elijah… Hindi niya masasabi ang dapat sabihin… Kung dumating man si Henry, ang Lord lang ang nakakaalam ng mga susunod na mangyayari. ***** Nang sumapit ang bakasyon, sinamantala ni Hairah ang mga araw na iyon para sumulat ng iba't ibang inspirational short stories, journals, and devotional booklets. Ikino-compile niya ang lahat ng mga journals na isinusulat sa araw-araw, ee-edit at bago ipapasa sa agent niya na ipinakilala ni Miss Annie sa kaniya dati. Struggle sa kaniyang magsulat kapag may pasok na sinasabayan pa ng mga pagvo-volunteer niya. Kapag may pagkakataon, nagkukulong siya sa sariling silid para magsulat o kaya ay umaalis ng bahay para humanap ng inspirasyon. And since they already hit the second week of the month of May, it also meant that her vacation was about to end. So, she spent more time to finish the manuscript she was editing. “Take-out or dine-in?” malapad ang ngiting tanong ng isa sa mga waitress ng Jollibee kay Hairah pagkatapos niyang sabihin ang order niya. “Dine-in,” nakangiti ring tugon niya. “Noted po,” wika pa ng staff. Tumango lang siya at nagpatuloy naman ang staff sa paglilista ng order niya. Pagkatapos ma-punch ang order niya at makakuha siya ng number ay humanap na siya ng upuan. Mag-isa lang siya kaya mabilis siyang nakahanap ng upuan sa isang sulok. Pagka-upo’y inilabas kaagad ni Hairah ang Chromebook Flip niya at binuhay iyon. Luma na ito at halos outdated na pero dahil mas handy na dalahin iyon kapag lumalabas siya para magsulat, iniingatan pa rin niya. Just like now, she had to finish her last manuscript then send it to her agent. Last April, she managed to finish some devotional booklets and short stories. After three weeks, she got result from her agent, and praise God it was worth all her sleepless night. Well, writing for God’s glory will always be worth it. Last night, she finished third part of the editing process of her last manu. However, she needed more inspiration, the reason why she went to Jollibee. Strangely, Hairah liked to observe how people interact, watch how they react, see their expressions, and listen to how they speak. She loved the solitude, but there’s also something in a crowded place like parks, even in market, or at Jollibee. Ilang sandali pa’y dumating na ang order niya. She ordered Jolly spaghetti, Jolly cheesy hotdog, regular fries, and Sundae. She put her food beside the chromebook and began eating. At the first bite, she dipped her fries on sundae. Tasting the saltiness of fries and sweetness of sundae while people murmuring voices surrounded her, she couldn’t help not to smile. This is life. Habang kumakain ay nagpatuloy siya sa ginagawa at dahil nasa mood siya ay mabilis ang pagragasa ng mga idea sa utak niya. Hindi na rin niya napansin ang paglipas ng oras hanggang sa matapos sa pag-e-edit. Ang kailangan na lang niyang gawin ay i-send iyon. As if in cue, Hairah smiled triumphantly after she reviewed her work. God's gift is really amazing, she thought. Hairah’s right hand was busy on her chromebook while her left hand was putting down her drinks when someone suddenly put a tray of food in front of her. A silent scream almost choked her and stung her throat. She tilted her head up and all the sting flew away when she saw the owner of the tray of food. Her eyes grew round as she gaped at the man in front of her. “E-Elijah?” she gasped, her voice was surprisingly low and almost breathy even though her body was in shock mode. “Sorry, nagulat kita,” apologetic na saad ni Elijah. “You okay?” Hindi siya tumugon at sa halip ay nakatulala pa rin rito, hindi pa rin makapaniwala na nasa harap niya ang lalaki. Ano bang problema ng mundo at palagi na lang silang nagkikita nito? Bakit ba kahit saan siya pumunta ay nakikita niya si Elijah? *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD