Bago pa man makatawag ng taxi ang guwardiya ng hotel ay may napadaan ng taxi sa kanilang harapan. Hinabol ito ni Sophia para parahin. Pagkapara pa lang nila ng taxi ay nakaramdam na naman si Zoe ng pananakit ng tiyan pababa sa puson. Kaya dali-dali na silang sumakay ng taxi. Pagpasok ni Zoe sa taxi ay kinuha nito kaagad ang kanyang cellphone at tinawagan si Dr. Canlas. Sa pag-aalala niya sa kaibigan ay pinagmadali ni Sophia ang driver ng taxi. Mabuti na lang at hindi sila naabutan ng traffic sa daan at madali silang nakarating ng hospital. Hindi na makapagsalita si Zoe sa sobrang sakit ng kanyang puson. Nagawa pa nito magpunta ng banyo pero sinamahan na siya ni Sophia. Nagulat ito sa kanyang nakita. Punong-puno na ng dugo ang kanyang underwear. Kaya nagmadali ito at sinabi niya kaagad kay

