“Kahit ano? Pagkatapos ay hindi naman kakainin ang iluluto ko. Kung gusto mo order na lang tayo o kain na lang tayo sa baba,” anito habang nakatingin sa freezer at namimili ng iluluto nito para sa almusal. “Kahit na ano. Ang kulit mo rin, ano?” “Ako pa talaga ang makulit? Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong pauwiin kita,” pananakot na sabi nito sa kaibigan. “Ay, may ganun Zoe? Pauuwiin kaagad kapag hindi matino ang sagot?” Ngumisi ito ng palihim habang nagbabasa ng magazine. “Kailan mo nga pala balak magparaspa?” dugtong pa nito. “Sabi ni dok ay anytime pwede ako magparaspa. As soon as possible nga raw. Sophia, after ko maraspa baka tumuloy na ako sa Singapore. Gusto ko na kasi asikasuhin ang kaso ng mga magulang ko.” Biglang natahimik si Sophia sa kanyang narinig. Gustuhin man niyan

