CHAPTER 13

1572 Words
Chapter 13: Critical condition REOLLA's POV "Poinier..." sambit ko sa pangalan ng anak ko at hindi ko alam kung bakit parang nabigyan ulit ako ng lakas. Naiiyak ako dahil nagising ako ulit. Nanatili pa rin akong nakahiga sa sahig at wala man lang tumulong sa amin. Namamanhid ang dibdib ko. "P-Poinier..." tawag ko sa aking anak pero hindi ko siya makita. Nanghihina pa ako dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Palinga-linga ako para hanapin ko ang anak ko pero gayon na lamang ang gulat ko nang makita ko siya sa sahig... "Poinier!" pumiyok ang boses ko at inipon ko ang lahat ng lakas ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at dahan-dahan na tumayo. "Anak! Poinier..." Hindi ko magawang maglakad nang mabilis pero dahil sa natatakot ako sa kalagayan ng anak ko ay halos pagapang na lumapit ako sa kanya. "Poinier, ang anak ko!" sigaw ko nang makalapit na ako sa kanya. Nakadapa na lamang siya sa sahig at ang dami ring dugo sa ulunan niya. N-Nahulog... Nahulog siya mula sa hagdanan... Kahit may tama ako ng baril ay nagawa kong buhatin ang anak ko at umiiyak na lumabas sa mansion namin. Para humingi ng tulong. Nasa gate pa kami nang makita ko ang iilan na mga guards na nagkakagulo sa labas. "T-Tulong! T-Tulungan n-niyo kami!" humihinging tulong ko sa kanila at nang makita kami ay nagmamadali silang lumapit sa amin. Patalon na sumampa sila sa gate para lamang makapasok. "Ano pong nangyayari, Ma'am?" tanong sa akin ng isa. "N-Nahulog ang a-anak ko sa hagdan..." humihikbing sagot ko. "Kanina lang po namin kausap ang isang batang babae na humihingi ng tulong... Paano po..." Mas lalo akong napahikbi. Humingi na ng tulong si Poinier at kaya ba ako nagising ay para tulungan ko rin siya? "K-Kailangan niya pong madala s-sa hospital... Please, a-anak ko po..." "May tama kayo ng baril, Ma'am," natatarantang sabi nila. *** "DAD, where are we going?" my son asked me pero hindi ko siya nabigyang pansin. Tumawag na rin ako ng ambulansya at ibinigay ang address ng mansion na tinutuluyan ng mag-ina ko. Hindi pa rin naglalaho sa dibdib ko ang kaba dahil sa nangyari sa anak ko. Halos paliparin ko na ang sasakyan ko at makarating lang doon. Nagsisisi na ako na kung bakit hindi ko agad sinagot ang tawag. Kaya iyon paulit-ulit na nagri-ring dahil humihingi na ng tulong si Poinier. Naguguluhan ako kung ano ang nangyayari sa kanila. "Oh, God... K-Kapit ka lang, baby... D-Darating si Daddy..." I whispered. Dahil sa bilis nang takbo ng sasakyan ko ay agad kong narating ang subdivision. Nagkakagulo sa guard house nang madaanan ko iyon. Inihinto ko ang kotse at nagpapasalamat ako dahil mas nauna pa rin ang ambulansya sa pagdating. "Stay here, Zoer," sabi ko sa anak ko at mabilis na bumaba ako mula sa kotse ko. Hinanap ng mga mata ko ang mag-ina ko. At nang makita ko si Poinier para akong tinakasan ng kaluluwa. Nanghihina ang katawan ko at sobrang bilis nang t***k ng puso ko. "P-Poinier..." sambit ko sa pangalan niya. Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko at nilapitan ko siya, nakahiga na siya sa stretcher at wala ng malay. May benda siya agad sa ulo niya. Nanginginig ang kamay ko nang hinawakan ko siya, "Baby... B-Baby, what happened?" tanong ko at hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Nasasaktan ako nang makita ko na nagkakaganito siya. My b-baby... Damn it... "Poinier, n-nandito na si D-Daddy... B-Baby, open your eyes, please... Poinier..." Kinuha ko ang kamay niya at pinaghahalikan iyon. Sobrang putla niya, ang daming dugo sa ulo niya. "Sir, kailangan na po namin siya dalhin sa hospital," sabi sa akin ng isang medic. Bumigat ang paghinga ko dahil sa paninikip ng dibdib ko. "A-Ano'ng nangyari sa anak ko?" pumipiyok ang boses na tanong ko. "Nahulog po siya sa hagdanan at tumama sa iilang bubog ang ulo ng bata kaya nagdurugo ito. Malakas din ang impact nang pagkahulog niya," diretsong sagot niya sa akin at para akong kakapusin ng hininga. Kaya ba... Kaya ba hindi ko na narinig pa ang boses niya? Kaya ba hindi na siya nagsalita noon dahil nahulog na siya sa hagdanan? Sana... Sana pala sinabihan ko na lang siya na huwag umalis sa kinaroroonan niya. Sana pala... "Fvck... Baby, don't do this to me, baby... Poinier, b-bumalik ka sa akin, please... Anak... Poinier..." umiiyak na sambit ko at paulit-ulit na hinalikan ko ang kamay niya. "May pasyente po sa kabila." Pinaubaya ko sa kanila ang anak ko na halos hindi ko pa magawang bitawan ang nanlalamig na kamay ni Poinier. Dalawa ang ambulansya na dumating. Mas lalong kumirot ang dibdib ko nang makita ko si Reolla. Mabilis ko siyang nilapitan. Punong-puno ng dugo ang damit niya at parang...may sugat siya sa dibdib? Nakahiga na rin siya sa stretcher at mukhang wala na ring malay. "Reolla... Reolla..." tawag ko sa kanya. Napahinto ang mga rescue dahil sa paglapit ko sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya. Wala ng kulay ang mga labi niya at maging siya ay namumutla na rin. "Reolla..." Gumalaw-galaw ang talukap ng mga mata niya hanggang sa dumilat siya. "Reolla..." I called her name. "P-Poirier..." sambit niya sa pangalan ko. Sobrang hina ng boses niya at halata ang paghihirap niya. "Ano'ng nangyari? A-Ano'ng nangyari?" tanong ko. Humigpit ang hawak ko sa pisngi niya at dumausdos ang luha roon. "Reolla..." "S-Si... Poinier... I-Iligtas mo si Poinier..." "M-Magiging okay siya..." "Poirier..." "Please, don't talk anymore... Nahihirapan ka na..." "Si A-Ameefa..." Dahil sa bulong niya na hindi ko na narinig ay inilapit ko ang tainga ko sa bibig niya. "Si Ameefa..." Mariin na napapikit ako. "Ano'ng ginawa niya sa inyo?" malamig na tanong ko. Nanlambot ang puso ko nang hinawakan niya ang kamay ko. Sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa nakikitang dugo sa kamay niya. Hinawakan ko ang dibdib niya dahil sa mga dugo na kumakawala roon. "I-Ikaw na ang bahala...sa a-anak natin, P-Poirier..." Umiling ako at idinikit ko ang noo ko sa kanya. "Please... Huwag mong sabihin 'yan. Makakaligtas ka... L-Lalaban ka, 'di ba? Reolla, please..." Nanlamig ako nang makita ang pagsuka niya ng dugo. Pinunasan ko ang labi niya at nagkalat na iyon. "Reolla..." "I'm s-sorry... S-Sabihin mo kay P-Poinier... M-Mahal n-na m-mahal ko s-siya at p-patawad..." Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon na nahahaluan ng galit ay hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Dahan-dahan na pumikit siya at lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko hanggang sa bumagsak iyon sa gilid ng katawan niya. "R-Reolla..." "Wala ng pulso ang pasyente..." Para akong lantang gulay na nakatayo lamang habang nakatingin sa kanya na pilit ng sinasalba ng mga medics. "Reolla..." "I'm sorry, Sir..." "Time of death... 11:41AM." BUMALIK ako sa kotse ko at binuksan ang pintuan sa side ni Zoer saka ko siya pinangko. Sumakay kami sa ambulansya kung nasaan ang anak ko. "Dad?" May oxygen mask na siya ngayon at dinig na rinig ko ang heartbeat niya sa monitor. Malamig pa rin ang kamay niya. Mas lalo lang ako nagalit sa sarili ko. Ito ang unang beses na makita ko ulit ng anak ko sa malapitan... Pero ngayon... "L-Lumaban ka, Poinier... L-Lumaban ka para sa M-Mama mo... I'm so sorry... Poinier..." Dahil sa kagustuhan ko na iligtas sila at walang manggugulo sa kanila kung mananatili akong nasa malayo sa kanila at mas pinili ang hindi magpakita pa ay ito pa ang mangyayari sa kanila. Hinding-hindi ko mapapatawad si Ameefa. Binalaan ko na siya... Binalaan ko na siya na hindi niya puwedeng saktan ang mag-ina ko. Pero ginawa niya pa rin. "P-Poinier... N-Nandito na si D-Daddy... Hindi na kita iiwan pa, anak ko... Lumaban ka, baby... Lumaban ka..." "Humihina po ang pulso ng bata. Marami na rin ang dugo ang nawala sa kanya dahil sa malaking sugat na natamo niya mula sa bubog..." Parang isang taon ang tagal na dumating kami sa hospital pero kahit nang nakarating na kami ay hindi man lang nabawasan ang takot at kaba ko. Para akong mabibingi sa tunog ng ambulansya. "Poirier?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang kaibigan kong doctor. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Iligtas mo ang anak ko, Recinos... Pakiusap... Iligtas mo siya..." "Teka..." Mabilis nilang naibaba ang stretcher ni Poinier at sumama na rin si Recinos sa kanila. Huminto pa ang isang ambulansya at bagsak ang balikat na tiningnan ko iyon. Kahit narinig ko ang sinabi nila kanina pero umaasa pa rin ako... Umaasa pa rin ako na sana lumalaban din siya... Sana lumaban siya... Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pagmamadali nila sa pagbukas nito at maingat na ibinaba nila ang stretcher. Inaasahan ko na tanging puting kumot ang sasalubong sa aking paningin pero hindi. Nakasuot na rin ito ng oxygen mask at hinawakan ko ang braso ng lalaki. "Ano'ng nangyari?" "Kare-release pa lamang po namin ng death of time ng pasyente pero nagulat po kami ng tumunog ang heartbeat niya sa monitor along the way. Bumalik po ang pulso niya pero hindi namin siya sinukuan kahit maliit ang porsyento na buhay pa rin ang pasyente dahil sa hina ng pulso niya. Nagtuloy-tuloy po ito..." Umawang ang labi ko sa gulat. I held her hands and kissed it. "S-Salamat sa pagbabalik, Reolla... Hihintayin kita... Hihintayin kita k-kaya lumaban ka... Lumaban ka..." Hinalikan ko pa ang noo niya saka ako dumistansya. She's alive... She's still fighting for her life and I'm proud of her...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD