Chapter 12: Nightmare
POIRIER DEL FIERRO's POV
"WHO WAS IT?" kunot-noong tanong ko sa mga kaibigan ko dahil sa pinagsasabi nila na may kamukha raw ako.
Nasa nursery section kami ngayon kung saan naglalaro ang mga bata. Hinatid ko lang si Zoer dito dahil gusto niya raw makipaglaro sa mga anak ng Ninong at Ninang niya.
Halos lahat ng mga kaibigan ko ay nandito rin. Alam kong puro abala rin naman lahat sila pero nagawa pa rin nilang maglibang dito.
"Wala, kalimutan mo na iyon," supladong sabat ni Elysian at lumapit pa sa asawa nito na si Jaydel. Ang kaibigan ko.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Nagkibit-balikat lamang sila. Naglakad ako palapit sa anak ko at agad na napatingin siya sa akin.
"Ayoko na pong nagpaiwan dito, Dad. Sama na po ulit ako sa 'yo. Behave lang po sa office mo," sabi niya na tinanguan ko lang. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at muling binalingan ko ng tingin ang mga kaibigan ko.
"Ayaw na raw magpaiwan, Elysian. Isasama ko na siya ulit," paalam ko sa asawa ng kaibigan ko.
"Eh, ikaw ayaw mong maglaro?" nakangising sabi sa akin ni Bunker. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Dahil alam namin pareho na bantay sarado ka ng asawa mo, bro," singit naman ni Oriphyn at nakipag-spir pa sa kanya ang iba. Inirapan ko sila isa-isa habang hinila ko na paalis sa lugar na iyon ang anak ko.
Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at binuhat si Zoer para makasakay na. Kinabit ko sa katawan niya ang seatbelt.
"Thanks, Daddy," nakangiting pagpapasalamat nito sa akin. Ginulo ko lang ang buhok niya saka ko marahan na sinara ang pintuan at umikot ako sa driver's seat.
Habang nasa biyahe kami patungo sa kompanya ko ay siya namang tumunog ang cellphone ko at nang makita ko kung sino ang tumatawag ay pinilig ko ang ulo ko. I took a deep breath at hindi ko na pinansin pa ang tumatawag.
Nakarating kami sa kompanya at hindi ako tinigilan ng makulit na caller. Napapansin din iyon ni Zoer pero nang makita na balewala sa akin ang tumatawag ay hindi na rin siya kumibo pa.
"Daddy, may tawag ka po, oh," my four years old son said at gamit ang nakanguso niyang mga labi ay itinuro pa niya ang cellphone ko na kanina pa tumutunog.
Na kanina ko pa rin ito binabalewala. I knew who is the caller. Years had past, I always rejected her calls. Kaya nga hindi ko na ito pinapansin pa.
"Don't mind that, Zoer," I said.
"But, Dad! It's annoying! And why don't you want to accept the call? What if, may emergency po, Daddy?" I glanced at my son. Nakaupo siya ngayon sa sofa habang hinihintay akong matapos sa trabaho ko.
Finally, natigil din ang pag-ri-ring ng cellphone ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba itong tumunog ngayong araw na ito.
Akala ko ay hindi na muling tutunog ang cellphone ko, but I was wrong.
"I accept the call, Dad!"
Napabuntonghininga na lamang ako at umiling.
"You can't, son. Magagalit ang Mommy mo," pangangaral ko.
"My instinct said, I should accept this call, Daddy," he said, seriously. Wala akong nagawa kundi ang panoorin lang siya dahilan tuluyan na niyang sinagot ang tawag.
"Yes?"
Pinanood ko lang si Zoer sa pakikipag-usap niya mula sa kabilang linya. Alam kong ibababa rin nito ang tawag kapag narinig ang ibang boses.
Kumunot bigla ang noo ng anak ko at parang namutla siya nang tiningnan ako. His gestures made me nervous.
Nagmamadaling lumapit siya sa akin at may pangamba ang nababasa sa mukha niya.
"What is it, son?"
"D-Daddy, t-the little girl was crying!" As what my son have said, my heart skips a beat at bigla akong binalot ng kaba sa dibdib.
At tila may buhay ang mga kamay ko na inabot ang cellphone ko mula kay Zoer at mabilis na itinapat ko ito sa tainga ko.
Parang may kung ano'ng bagay ang tumusok sa puso ko nang marinig ko ang boses ng batang babae mula sa kabilang linya.
The little girl was crying and it seems, she's scared for something...I don't even know.
"P-Poineir..." I uttered her name.
"D-Daddy... Daddy."
Napatayo ako nang wala sa oras at sa boses pa lang niya ay parang takot na takot talaga siya.
"Daddy, si Mama. A-Ang M-Mama k-ko. Ang Mama ko, D-Daddy..." nauutal niyang wika at hindi matapos-tapos ang sasabihin niya. Bumibilis ang paghinga niya at napapalakas ang pag-iyak niya.
Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay ngayon lang akong natakot at kinabahan. There is something wrong.
"Calm down, calm down, baby. Tell me, what's wrong?" mahinang saad ko at dinig na rinig ko ang malakas na pag-iyak niya.
"Si Mama..."
"Baby..."
"Someone shoot my Mama! There's a blood, Daddy. M-marami... Her head, h-her chest... Daddy, I'm scared. P-please, come here. Help my Mama, Daddy... H-Help her please, Daddy. Just this once... L-lalayuan ka na namin, Daddy. Just help my Mama, please! I-I...beg you Da-- ahh!"
Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko at parang may kamay ang pumipiga sa puso ko.
The last time I heard from the other line, ay ang malakas na pagkalampag ng bagay.
"Poineir? P-Poineir? Are you still there, baby? Poineir! Answer me!"
Hindi ko na narinig ang boses niya, ang pag-iyak niya, and there, I felt myself dying, the thought of...
Something bad happened to them. To my daughter and her mother. Ang mag-ina ko...
"Dad, what's wrong?" nag-aalalang tanong sa akin ni Zoer. Nanghihina ang mga tuhod ko at kahit hindi pa napuputol ang linya ay wala na akong naririnig pa. Hindi ko na marinig ang boses ng anak ko.
"Poinier... P-Poinier, are you okay? Are you okay, baby? Poiner?" I tried to talk to her pero wala na talaga akong naririnig.
Naramdaman ko ang init ng sulok ng mga mata ko at parang may bumara sa lalamunan ko.
Alam kong may nangyaring hindi maganda. Alam kong nasa kapahamakan sila.
Pinindot-pindot ko ang keyboard ng cellphone ko at tinawagan ko ang isa sa mga tauhan ko na nagbabantay sa asawa ko.
"Nasaan si Ameefa ngayon?!" agad na tanong ko mula sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag ko.
"Sir... Nawala po siya kanina at hindi namin makita. May humaharang po na--" pinatay ko na ang tawag bago pa man siya matapos.
"Fvck!" malutong na mura ko.
"D-Dad..." Napasabunot ako sa buhok ko nang marinig ko ang boses ng anak ko.
May namumuong luha sa mga mata ko at huminga ng malalim. Makakapatay ako kapag nalaman ko na may nanakit sa anak ko at pagsisisihan ko iyon. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Binuhat ko na lang ang anak ko at patakbong lumabas.
Sana makaabot pa ako, please... Please...
Wait for me, baby...
THIRD PERSON'S POV
"M-MAMA..." umiiyak na sambit ni Poinier mang makita niya ang nakapikit niyang Mama. Kung titingnan ito ay parang wala ng buhay.
Iyak lang siya nang iyak at nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa sunud-sunod na pagbagsak ng mga luha niya. Punong-puno ng dugo ang maliliit niyang kamay dahil sinusubukan niya ring takpan ang sugat ng Mama niya pero hindi pa rin iyon naging sapat.
"Daddy... Answer your phone... D-Dad..." nakikiusap na sabi niya sa kawalan at walang tigil sa pag-dial ng numero ng Daddy niya. Hanggang sa naisipan niya ang telepono nila sa loob ng silid.
"M-Mama... B-Babalik po ako... B-Babalik po ako, Mama ko... W-Wait m-mo po ako... Wait mo ako... M-Mama..." umiiyak na pakikiusap niya at nagawa niyang halikan ang noo ng Mama niya saka siya umalis.
Umakyat siya sa hagdanan at pumanhik sa kuwarto. Pinunasan niya ang mga luha niya at nagkalat ang pinaghalong dugo, pawis at luha sa pisngi niya.
Nanginginig ang mga kamay niya na pinindot-pindot ang numero sa opisina ng Daddy niya pero walang sumasagot sa kabilang linya. Hanggang sa lahat ng mga numero sa papel na nakita niya ay sinubukan niya rin na tawagan.
"Hello?" Agad na nabuhay ang loob at pag-asa ng batang si Poinier nang marinig niya ang boses na iyon.
"Help me, please... K-Kailangan namin ng tulong... Please, ang M-Mama ko po... Ang Mama ko po, Sir..." agad na sabi niya at narinig niya ang kaguluhan sa kabilang linya.
"Itong numero na ito ay mula sa mansion ni Sir Poirier Del Fierro...
"He's my Dad po! Please, t-tawagan niyo ang Daddy ko... Ang Mama ko po kailangan niyang dalhin sa hospital... Ngayon na po..." nagmamakaawang sabi niya.
"Makinig ka bata... Huminahon ka muna. Kumalma ka... Pupuntahan ka namin... Kumalma ka, okay?" Tumango lang si Poinier sa narinig at naputol na ang linya.
Sa mga oras na iyon ay ang contact nila sa guard house ang natawagan ni Poinier pero wala siyang idea.
Hindi na niya rin narinig ang pag-ri-ring sa phone ng Daddy niya pero napalitan iyon ng maliit na boses ng batang lalaki.
"Yes?"
"Daddy... D-Daddy?" umiiyak na tawag niya sa Daddy niya kahit alam niyang hindi iyon boses ng Daddy niya.
"What is it, son?" Mas lalong lumakas ang paghikbi niya nang sa wakas ay narinig na niya ang boses ng Daddy niya kahit na... nararamdaman niya ang paninikip sa dibdib niya.
"D-Daddy, t-the little girl was crying!"
"P-Poineir..." her Dad uttered her name. May parte sa puso niya na masaya dahil nakausap na niya ang Daddy niya pero hindi ito ang tamang panahon na magsaya dahil sa nangyari sa Mama niya. Lumabas siya mula sa silid nila para puntahan ulit ang Mama niya na wala ng malay.
"D-Daddy... Daddy... Daddy, si Mama. A-Ang M-Mama k-ko. Ang Mama ko, D-Daddy..."
"Calm down, calm down, baby. Tell me, what's wrong?" mahinang tanong nito sa kabilang linya.
"Si Mama..."
"Baby..."
"Someone shoot my Mama! There's a blood, Daddy. M-marami... Her head, h-her chest... Daddy, I'm scared. P-please, come here. Help my Mama, Daddy... H-Help her please, Daddy. Just this once... L-lalayuan ka na namin, Daddy. Just help my Mama, please! I-I...beg you Da-- ahh!"