Chapter 11: The Bullet and death
"ANG daming mga mata ang nakaabang sa akin, Moon... Sa una ay inakala ko na nag-aalala siya sa kaligtasan ko pero nalaman ko lang pala na gusto niya lang din na malaman kung saan-saan ako nagpupunta! Para ma-monitor niya ang lahat ng ginawa ko. Pero hindi pala... Pinoprotektahan kayo ng asawa ko mula sa akin! Dahil alam niyang hindi ako nagbibiro na guluhin kayo! Dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin kayong mag-ina... Kaya saang banda niya kami pinili?! Kung sa una pa lang...ang pamilya na ito ng mas pinahalagahan niya at pinili! Hindi kami iyon! Dahil kayo ang nauna niyang pamilya bago kami! Nagpakasal lang siya sa akin dahil akala niya...ako pa ang mahal niya...pero hindi pala... Sa iba na pala tumitibok ang puso niya... At hindi na ako iyon... Sa babae na wala namang pinag-aralan! At sa `yo pa ako ipinagpalit ng asawa ko!" sigaw niya.
A-Ano'ng ibig niyang sabihin na ako? Na mahal ako ni Poirier? Pero sa pagkakaalam ko ay siya ang mahal nito at hindi ako... Ano'ng kalokohan ba ang pinagsasabi niya at hindi ko siya maintindihan.
"Pero may pagkatanga rin pala ang asawa ko. Dahil ako lang ang pinamanmanan niya at hindi kayo na any moment ay puwede kong lapitan o utusan ang mga tauhan ko para ipapatay kayo... But now, abala si Poirier sa anak namin at tumakas lang din ako mula sa mga tauhan niya para lamang makapunta rito! Para lamang matupad ang kahilingan ko na mawala na kayong mag-ina sa mundong ito! Na hindi nawala na ang pagmamahal ni Poirier ay hindi siya magiging masaya dahil wala na ang babaeng mahal niya!"
"H-Hindi ako m-mahal ni Poirier, Ameefa! N-Nagkakamali ka lang... Kayo ang mahal niya... Hindi kami..."
"Tangna mo, Moon! Huwag na huwag mo akong pagsabihan niyan! Dahil alam kong ikaw ang mahal ng asawa ko! Alam kong hindi na niya ako mahal! Na mas mahal niya rin ang anak niyo kaysa sa anak namin na si Zoer! Alam mo ba na nagmakaawa pa siya sa akin? "Huwag na huwag mong sasaktan ang mag-ina ko, Ameefa... Huwag mong subukan na guluhin ang buhay nila dahil ako ang makakalaban mo." Lumuhod siya sa harapan ko at umiyak na hayaan na lamang kayo... Pinili nga niya ang magsama kami at tuluyan kayong talikuran pero gumagawa pa rin ng isang bagay si Poirier na ikinagagalit ko..."
Iyak at tawa lang ang ginawa niya at hindi kami tumigil sa pag-aagawan ng baril kasi mas lumalakas ang paglaban niya sa akin. Mahigpit man ang pagkakahawak ko sa baril ay hindi ko pa rin maiwasan ang mangatog ang tuhod ko dahil sa mga nalalaman ko sa kanya.
Hindi ko napaghandaan ang pagsipa niya sa binti ko at sa sobrang lakas no'n ay napadaing ako. Hindi ko sinasadyang bitawan ang baril at umalingawngaw sa buong sala ang ingay na iyon.
Halos mabingi rin ako sa malakas na ingay at nanghina ang katawan ko. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sandali akong nawalan ng pandinig at kasabay nang pagbagsak ko sa sahig.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa unti-unti ay nararamdaman ko rin ang kirot. Parang sinusunog ang kalamnan ko. Sobrang sakit. Nagtaas baba ang dibdib ko, bumigat ang paghinga ko at para akong kakapusin ng hangin sa baga.
Nanginginig ang kamay ko na tiningnan ko ito at punong-puno ng dugo. Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan at malakas akong napaubo. Mas lalo akong natakot nang makita ko rin ang pagsuka ko ng dugo... Sobrang dami no'n...
"A-Ano'ng..." Napatingin ako kay Ameefa. Natulos din siya sa kinakatayuan niya at putlang-putla ang mukha niya. Nabitawan niya ang hawak niyang baril at lumikha iyon nang ingay.
"H-Hindi ko sinasadya! H-Hindi k-ko... Hindi ko sinasadya! Hindi ko iyon ginawa!" paulit-ulit na sigaw niya at napasabunot pa siya sa buhok niya.
Palakad-lakad siya habang nanlalaki ang kanyang mga mata niya na nakatingin sa akin.
"A-Ameefa..." nahihirapan kong sambit sa pangalan niya.
Nagsimula ng lumabo ang paningin ko at bumuhos ang mga luha ko dahil sa posibleng mangyari sa akin. Hindi ko kayang ipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Parang naabot no'n ang aking puso.
Tuluyan akong napahiga sa sahig at ininda ko ang tama sa dibdib ko. Alam kong hindi niya sinasadya na hilahin ang gatilyo at nabaril ako. Pero lumabas pa rin na siya...
"T-Tulungan m-mo a-ako... A-Ameefa..." magmamakaawang sambit ko. Dahil natatakot ako...
Natatakot ako na baka maiwan ko si Poinier. Ayokong iwan ang anak ko... Ayoko siyang iwan na mag-isa... Gusto ko pang mabuhay... Gusto ko pang makasama ang aking anak... Gusto ko pang masubaybayan ang paglaki ng aking anak... Marami pa akong pangarap para sa anak ko...
Please, tulungan niyo ako... Tulungan niyo ako...
Please, hayaan niyo pa akong mabuhay kasama si Poinier, kasama ang anak ko pero mas lalo kong nararamdaman ang panghihina ng katawan ko at sobrang sakit ng dibdib ko, particular na sa puso ko na tila sinusunog ito.
"A-Ameefa... T-Tulungan m-mo a-ako, please..." Umaasa pa rin ako na maaawa siya sa kalagayan ko at dadalhin niya ako sa hospital.
Hindi ako puwedeng mamamatay. Hindi ko puwedeng iwan ang anak ko. Masaksaktan siya, masaksaktan si Poinier dahil iisipin niya pati ang Mama niya ay iiwan din siya.
Please, hayaan niyo ako pa akong mabuhay....
"Hindi... Tama lang `yan sa `yo, Reolla Moon! Bagay lang sa `yo at nang tuluyan ka nang mawala sa buhay namin! Hindi kita tutulungan dahil ito rin naman ang gusto ko! Ang mamamatay ka!" sigaw niya at muling kinuha ang baril sa sahig at malalaki ang hakbang na lumabas siya ng mansion.
Napaiyak na lamang ako at humigpit ang hawak ko sa bandang dibdib ko. Napupuno ng dugo ang kamay ko. Nawawalan na rin ako ng pag-asa na makaligtas sa kapahamakan na ito...
"Mama! M-Mama ko!" Mas lalo akong napahagulgol sa boses ng anak ko.
"P-Poinier..." nanginginig ang boses na tawag ko sa aking anak... Umaasa na maririnig pa rin niya ako kahit sobrang hina ng boses ko.
"Mama! M-Mama..." Hindi ko na magawang tingnan pa si Poinier dahil mas umuulap lang ang paningin ko.
Hingal na hingal ako at alam ko...alam kong mawawalan ako ng malay... Walang humpay sa kabubuhos ng mga luha ko.
"Mama... M-Mama... Don't leave me, please, M-Mama... Stay, Mama... Please, H-Huwag mo akong iiwan, Mama! Mama... M-May b-blood... May b-blood sa d-dibdib m-mo, M-Mama ko... Mama! M-Mama ko!" umiiyak na sabi ko at nagawa niyang hawakan ang kamay ko na tila pinipigilan niya rin ang maraming dugo na umaagos sa sugat ko.
"Oh, my God! Daddy! D-Daddy...answer your phone! Daddy, please! Please... D-Daddy... K-Kailangan k-ka ni M-Mama... Kailangan ka n-namin, Daddy!" Tuluyang pumikit ang mga mata ko pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Namamanhid na rin ang pakiramdam ko.
"Daddy! Please, D-Dad... Si P-Poinier ito, Daddy... Si Poinier ito... H-Help my Mama, D-Daddy!" paulit-ulit na iyak niya. Sinusubukan na naman niyang tawagan ang Daddy niya.
"Mama, p-please don't sleep! Mama...huwag k-kang pumikit... M-Mama ko... M-Mama, don't leave me, Mama, please... A-Ayoko na p-pati ikaw ay m-mawawala sa akin, M-Mama ko... Mama... Mama... I-Ikaw n-na l-lang ang m-mayroon sa akin, Mama ko... I-Ikaw na lang, M-Mama... Please... AHHH! Mama, don't close your eyes, please! I love you, Mama... Love na love ka po ni P-Poinier... Mama, stay with me please, please, Mama... M-Mama..."
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na iyon upang mayakap ko ang anak ko at nagawa kong halikan ng noo niya kahit hindi ko na siya nakikita. Dahil para akong nabulag sa mga oras na iyon.
"Mama..."
"M-Ma...hal... M-Ma...h-hal... k-ka...n-ni M-M-Mama... P-Poinier... M-Mahal k-kita... a-anak k-ko..."
"M-Mahal na M-Mahal d-din kita, M-Mama ko... H-Huwag mo n-naman a-ako iwan... Mahal... Mahal na mahal ka ni Poinier. Ate Arbeth! Ate Lorda! N-Nasaan na po kayo?! T-Tulungan niyo po kami! T-Tulungan niyo si Mama ko! Please, help us!"
Sa paghinga ko ng malalim ay unti-unti akong mawawalan ng hangin sa baga at ang huling pag-iyak ng anak ko ay tuluyan akong kinain ng kadiliman kasabay ng paghinto ng t***k ng puso ko.
Walang katumbas ang pagmamahal ko para sa aking anak. Si Poinier ang naging sandalan ko, ang nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon para mabuhay. Nang dumating siya sa buhay ko ay hindi ko pinagsisihan iyon.
Minahal ko siya... Mahal na mahal ko ang anak ko at masaya ako na ako pa rin ang naging Mama niya.
At kung hindi na ako pagbibigyan pa ng isang pagkakataon na makasama ko pa ang anak ko...
Hihilingin ko na kung mabubuhay man ako at sa susunod na buhay ay sana si Poinier pa rin ang anak ko.
Patawad, anak ko... Kung hanggang dito na lang si Mama... Gugustuhin ko man na manatili pa ako sa tabi mo... hanggang sa paglaki mo...at masisigurado kong maayos ka at wala ng mananakit sa `yo...
Mahal na mahal na mahal ka ni Mama... Ikaw ang magandang nangyayari sa buhay ko, Poinier... Magkikita pa rin tayo... Magkikita pa rin tayo sa susunod nating buhay at ikaw lang ang magiging anak ko...